22

1.6K 49 3
                                    



Sofia's POV


"Sure ka ba na dito talaga nakatira yung panget na yun?" tanong ko kay seonho at tumango naman siya


"Dito nga, kulit mo"


"nandito ba siya? para namang walang tao" tanong ko habang nakatingin sa bahay


"Wala daw kasi yung family niya, may lakad daw" sagot ni seonho habang nakatitig sa cellphone niya "oh, dinala na kita dito. Alis na ako"



Paalis na sana si Seonho pero pinigilan ko siya


"Teka!" Hinawakan ko yung tshirt niya "Samahan mo muna ako!"


"Anong samahan? Wala yan sa usapan natin ah. Tsaka pinapauwi na ako"


"Takot kasi ako!! Baka magalit yun!"


"Ay problema mo na yan" tinaas niya yung isa niyang kilay "Akala ko ba walang problema para sayo yun"

"Ano kasi...."


"Kaya mo na yan, ikaw pa. Sige ganito,ako yung kakatok tapos aalis na ako. Ikaw na yung kumausap"


"Ano to? Parang faculty room? Ganon?"


"Oo" ngumiti siya. Lumapit siya sa front door at kinatok niya ito


"just a minute" narinig naming sabi ni guanlin mula sa loob. Bakit pati boses niya, gwapo pa din?

Joke lang. Pangit kaya nung boses, parang mukha niya.


"Oh ayan, alis na ako. Ikaw na bahala ah? Sige bye!" Nagwave ng kamay sakin si seonho at tumakbo na paalis


"UY TEKA! WAG--


"Sofia?"


"Ay hehe...hi guanlin"

___

ayan naaa

genius | guanlinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon