Ayoko nitong nararamdaman ko.
Naranasan niyo na rin ba ang mga pangyayaring tulad nito? Yung gusto mo pero parang hindi. Yung kayo pero parang may mali. Una pa lang binalaan na ko ng konsensya ko. Pero ang bobo kong puso nagpakatanga sa isang taong minsan akong pinagmukhang bobo. Kaya sabi ko ayoko na.
Bakit ganito? Kahit 2 taon na ang nakalipas simula nung mawala ang samahan naming dalawa ( bleeck, nasuka ako, sareeh), iba pa rin ang epekto nito sakin sa tuwing naaalala ko yung mga panahong nagagawa ko pang ngumiti at maging masaya. Maging masaya na walang halong pagpapanggap saking ngiti't mga mata.
Alam mo yung pakiramdam na kapag andyan siya sa tabi mo nasasabi mong 'ayoko na sayo, sawa nako'. Pero kapag wala na siya't nakikita mong masaya't nakakatawa siya sa iba eh bumabalik lahat ng nararamdaman mong kilig at saya sa kanya.
Nakakabaliw talaga. Kaya para hindi ko masolo ang lahat ng kabaliwan na natambak sa lab story ko, isheshare ko na lang sa inyo.
YOU ARE READING
After Break Up
Teen FictionGerina Dawn Fajardo is my name. Maganda, pero sinayang ng iba. Matalino, pero minsan naging tanga. Kasalukuyang masaya, hindi dahil may nagpapaligaya. Kaya ayoko ng ulitin pa ang pagkakamaling nasubukan ko na. Samahan niyo kong mga single sa pakiki...