Palpak, malas at isang malaking sumpa ang buhay para kay Deianne. In her entire life, for 17 years, 3 years lang siya sumaya.
Her life way back then was just like a fairytale story. Simple, perfect and ideal. She has a complete and happy family na isang umaga, nagising nalang siyang parang isang panaginip ang nakaraan at nagising siya sa bangungot ng kasalukuyan.
Her life now is really different from her past life. Ibang-iba. Nagbago ang lahat, maging siya.
Naibenta ang pinaghirapang ipundar na bahay ng pamiya nila. Ngayon, naninirahan nalang sila sa isang maliit na bahay na inuupahan sa isang squater area sa Maynila. Habang ang ina ay may sakit. Hindi naman madala sa ospital sapagkat walang pagbayad. Gayon din ang kanyang kapatid na sakitin rin. Ang isa pa ay palabas-labas nalang sa kulungan. Doon pa lang, nais na niyang sukuan ang buhay. Ngunit may mas ilalala pa.
Her life was ruined by her favorite man's mistress, money and addiction. Nagsabay-sabay iyon kaya't napadali ang kasiyahan ni Deianne. Ang ama niya na dati'y ayaw niyang umaalis ay ngayong palabas-pasok sa bar bitbit ang natipuhang babae tuwing gabi hanggang umaga. Saka magwawala dahil naubos ang pera noong umaga. Kinatanghalian ay mangungutang ng maiinom saka magigising sa hapon, balik sa una.
Isang malaking sampal para kay Deianne iyon dahil hinahangaan niya ang pinakamamahal niyang ama ngunit ngayon ay halos ikinasusuklam sila ng kanyang ina.
Madaling araw, nagising nalang si Deianne katabi ang ina na wala nang buhay habang inaapoy ng lagnat ang sakiting kapatid. Wala siyang matawag na kahit sino. Hindi siya makasigaw ng tulong. Alas kwatro palang, tahimik at natutulog ang karamihan ngunit ang diwa ni Deianne ay gising na gising na at gulat sa mga nangyayari na ninanais niyang sana ay maging bangungot nalang.
Pansamantalang nawala sa kawalan si Deianne. Hindi kumikilos, tulala, nakayuko, hindi nagsasalita habang nakaupo. Tila napuno na siya sa buhay niya. Litong lito na siya. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin, sino ang dapat unahin.
"A-ate, ate, tulong..." Natauhan siya nang marinig ang pagmamakaawa ng nagdurusa niyang kapatid.
Tumindig siya at kasabay nito ang paglabas ng isang patak na luha. Isang patak lang, hindi na siya makaiyak pa. Tila nalimutan na ng sistema niya ang pagluha. Tumakbo siya hanggang sa makalabas ng bahay ngunit kasabay nito ay ang pag salubong ng may-ari ng bahay.
"Gising ka na pala. Ang bayad sa upa? Singilan na rin ng tubig at kuryente. Kailan niyo balak magbayad? Ngayon ang duedate ng lahat ng iyon, wala nang palugit pa." Taas kilay na wika nito habang nakalahad ang kamay sa dalaga para kunin ang nais na halaga.
"Ate, please, mamaya nalang ho." Nakayuko lamang siya saka sinubukang lagpasan ang matanda.
"Hoy, Deianne! Ang kapal ng mukha mong lumayas ah!" Dumating ang isa sa mga pinagkakautangan nila. Ngayon, napapaligiran na siya.
"Hindi naman ho ako lalayas." Paliwanag niya habang nakayuko pa rin saka napaatras buhat ng pagsungalngal sa kanya ng matandang tindera.
"'Yong tatay mo, umutang ng sangkaterbang yosi at alak noong isang linggo pa. At ngayon, ang kapal ng mukha ninyo, lalo na ng kapatid mong magnanakaw na tangayin ang kinita ng tindahan ko ngayong linggo! Ibalik mo ang lahat!" Nagtalsik-talsik na ang laway ng tinderang 'yon sa pagmumukha ni Deianne dahil sa sobrang galit. Pulang pula na rin at nagdudugo na ang pisngi ni Deianne dahil sa pagsungalngal nito. Hindi siya umiiyak. Walang luhang pumapatak. Gusto niyang manlaban pero paralisado ang kamay niya.
Nang mabitawan siya ay saka siya nagpatuloy sa paglalakad. Nagtawag ng tricycle.
"Saan ka?" Tanong ng driver.
BINABASA MO ANG
The End
Short StoryTitle: The End Written by: QueenSandok Genre/s: Short Story / General Fiction Description: Unlike the typical lovestory, destiny gave Deianne and Zane a unique story, a unique lovestory, a fresh beginning. A beginning where everybody would think is...