Ela

22 0 0
                                    

Sumalubong sa akin ang ingay ng nagbabangayan kong kapitbahay. 'Yung totoo? Sila na ata ang bagong alram clock ko sa araw araw na ginawa ng Diyos. Napairap na lamang ako sa hangin at tumayo na rin para makapag-ayos para sa trabaho ko.

Habang nakaupo at kumakain ng almusal ay hindi pa rin matapos ang kadadaldal ni Aling Inday sa asawa niyang gabi gabing lasing kapag uuwi na. Hindi ako tsismosa! Sadyang araw araw ko na lang naririnig ang mga reklamo ng matabang si Aling Inday sa lasenggo niyang asawa.

Nang makapag-ayos na ako at handa na akong pumasok at humarap muna ako sa salamin. Kinuha ko ang ilan sa mga make-up ko para matago ang mga maga kong mata dahil sa labis na pag-iyak ko na naman dahil sa walang hiyang lalaking iyon.

Napasinghap ako nang namuo na naman ang luha sa mga mat ko. Argh! Umagang umaga pa lang ay puro kadramahan na ang ginagawa ko!

Bago pa ako maiyak ay kinuha ko na ang shoulder bag ko pati na rin ang ilan sa mga portfolio ko. Pagka-lock ko ng pintuan ng apartment ko ay lumingon ako sa paligid. Hay, buti naman at tahimik na rin. Habang nag-aabang ako ng tricycle ay hindi ko maiwasang mapaklang ngumiti.

Dati, hinahatid niya ako araw araw. Ngayon? Nganga. Mag-isa lang ako habang naghihintay sa tricycle para makaalis na din ako.

Nang may tumigil na tricycle at agad akong sumakay at sinabi ko kung saan ang kumpanya kung saan ako nagtatrabaho. Habang nakasakay ako ay hindi ko mapigilang mapangiwi sa tuwing may madadaan ako na couples na sobrang sweet at lantarang lantara ang pagp-PDA.

Tumigil sandali ang tricycle at nakita kong may isang babae't lalaking sumakay sa likod. Kahit hindi ko nakikita ang pinaggagagawa nila sa likod ay halata namang naglalandian silang dalawa.

"Pedicab ka ba?" Kahit na ang lakas ng tunog ng makina ng tricycle at rinig na rinig ko pa rin ang boses nung lalaki aa likod.

"Pedicab-bang maging akin?" Napairap ako nang marinig ko ang korning pick-up line niya. Tsk, ganiyan naman talaga.

Dear Mga Lalake,
Bakit lulunurin niyo kami sa mga sweet pero korning pick-up lines niyo tapos iiwan niyo din naman kami?

Pilit kong inalis sa isip ko ang mga bagay na naririnig ko mula sa mga taong kasabay ko rito sa tricycle. Ipagpapalit ka lang niyan, ate gurl. Tumingin ako sa malayo sa pagbabakasaling lumayo rin kahit papaano ang mga bagay na gumugulo sa akin.

Ang naglalandiang kasabay ko sa tricycle. Ang mga paperworks na kailangan kong ipasa mamaya sa boss ko. Ang nagbubungangang si Aling Inday sa asawa niya. Ang ex ko.

"Miss, nandito na po tayo." Nabalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ng drayber. Tipid akong ngumiti at nag-abot na ng bayad. Ngumiti ako sa bawat taong bumabati sa akin. Nang makarating ako sa floor kung nasaan ang opisina ko ay umupo na ako sa swivel chair ko.

Binuksan ko ang laptop ko para tapusin pa ang iba pang mga paperworks ko na next week na ang deadline. Nang matapos ko na ang iba ay tumayo na ako at kinuha ko na ang mga portfolio kung saan nakalagay ang mga papeles na kailangan ko nang ipasa.

"What do you need?" Pinilit kong pakalamahin ang sarili ko. Umagang umaga at may isang bulldog na siyang dakilang sekretarya ng boss ko. Walang gana ko siyang tinignan at nilagpasan. "Kinakausap kita!" Sigaw niya kaya lumingon ako sa kaniya. May mga nakatingin sa amin, tinignan ko sila ng masama kaya bumalik na sila sa kaniya kaniya niyang trabaho.

"Anong sabi mo? Arf arf?" Walang gana kong sagot sa kaniya. Mukha namang hindi na-gets ng bulldog na ito, at dahil bukod sa maganda ako, mabait pa ako kaya ie-explain ko sa kaniya. "Mukhang hindi mo ata na-gets. Mababa talaga ang IQ ng mga bulldog, no?" Umirap muna ako sa kaniya. "Sariling lenggwahe ay hindi alam." Kumatok na ako sa pintuan. Pumasok ako at iniwan ang lintek na bulldog na hindi pa rin ata na-gets ang sinabi ko.

"Good morning, Sir." Tumango sa akin si Sir at inilapag ko naman na ang mga folders na naglalaman ng mga kailangan kong ipasa. "Ayan na po ang lahat ng mga papeles na kailangan niyo. 'Yung iba po na next week ang deadline ay mamaya ko na po maipapasa." Bahagyang ngumiti sa akin si Sir at tumango na lamang ako. "Sige, Sir." Lumabas na ako ng opisina ni Sir at bumalik naman na ako sa opisina ko. Nakaka-stress naman na ganito. Ako ang COO pero kung umarte ang sekretarya ng CEO namin ay parang mas mataas pa ang position niya sa akin.

'Kaya wag mo na sana kong itaboy
Kase di naman ako, fuckboy...'

Napairap ako nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Ringtone palang ay kilala ko naman na kung sino ang tumatawag.

'Di naman ako fuckboy...'

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa dahil tumatawag siya sa akin. Hinayaan ko lang na mag-ring hanggang sa nainis ako at tuluyan nang pinindot ang reject button. Kahit na ganito ay segu-segundo pa rin akong tumitingin sa cellphone ko kung tumatawag siya ulit.

Qaqo is calling...

'Kaya wag mo na sana kong itaboy...'

Hindi pa natatapos ay pinatay ko na ang tawag. Bumuntong hininga naman ako at pinilit kong i-focus ang sarili ko sa ibang bagay. Nang ma-double check ko naman na maayos na ang lahat ay ipinrint ko na ang mga papeles at humilata na ako sa swivel chair ko. Binuksan ko ang cellphone ko, 12:30 na pala ng tanghali at wala pa akong kain.

Nang matapos na ang lahat ay kinuha ko ang shoulder bag ko. Naghintay na akl ng tricycle. COO na ako pero wala pa rin akong sasakyan ni bahay. Nang may tumigil na tricycle ay sinabi ko ang paborito naming restau. Agad kong inabot ang bayad at agad na din akong pumasok. Um-order ako at umupo sa usual spot namin, sa may bintana kung saan kitang kita ang kalsada at ang mga sasakyan.

"Ela?" Inalis ko ang tingin ko sa labas at tiningala ko ang tumawag sa akin. Bumungad sa akin ang isang babaeng mistisa at maganda na nakangiti sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at bahagyang tumayo para magkayakapan kami. Umupo siya sa harap ko.

"Grabe! Ngayon na lang din tayo nagkita, days na nang hindi tayo mag-usap." Lumungkot ang boses niya kaya mahkna akong natawa. "Busy ka don naman kasi, Myrtl." Tumango siya sa akin, tumahimik kami sandali nang parehas nang dumating ang order naming dalawa.

"So, kamusta naman, Ela?" Tanong niya sabay subo ng in-order niyang pagkain. Sumimsim naman ako ng iced tea ko bago ako sumagot, "Okay naman. Alam mo naman na COO na ako kaya nothing's new." Napa-oh naman siya at sumubo naman kami parehas ng kaniya kaniya naming pagkain.

"Kamusta naman kayo ni alam ko na?" Natigilan ako sa tanong niya. Biglang nagbalik ang pangyayaring gusto ko na sanang kalimutan at alisin kasabay nang pag-alis niya. Nakita naman ata ni Myrtl ang pagbabago ng timpla ko, "Omy, what happened, Ela?" Napaiwas ako ng tingin dahil naramdaman ko naman ang mga luhang namumuo sa mga mata ko.

"We broke up." Natahimik kaming dalawa. Parang biglang nag-flashback ang lahat na nangyari 3 days ago.

Dear Mga Lalake,
Ang hilig niyong manakit, no? Uso ba na manakit? Trending ba at sumusunod na kayo? May official hashtag ba at kailangang makisabay?

"Sheesh, what happen?" Inabutan niya ako ng tissue na agad kong pinangpunas sa mga luha kong patuloy pa rin sa pagtulo. Mapait akong ngumiti. She held my hand and worriedly smiled. "Gusto mong pag-usapan."

Mapait akong ngumiti at nagsimula akong magkuwento.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 31, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dear Mga Lalake,Where stories live. Discover now