Dedicated sa kanya! Nung binasa ko kasi yung one shot nyang 12:51, nagpop out sya sakin. hahahahaha :))
+++
"Hey Lala! dalian mo, punta na tayo sa canteen."
"Oo, anjan na.. wait lang!!"
Dali dali kong inayos ang mga kalat sa desk ko at sumunod na pababa kanila Chammy, Mika at Cassandra.
Marami na kagaad tao sa canteen. Kaya pumila na kagad kami at di naman nagtagal eh nakabili kagad kami.
"espren..."
napatingin ako sa diresyon nung tumawag ng ganun. At tama nga ako ng hinila. Sabagay, sya lang naman tumatawag sa akin ng ganyan eh.
"oh espren. Bakit?" sabi ko nang nakangiti.
"pwede bang samahan mo ako?" ganti nyang sagot at ngumiti din pero sa ngiting yun, merong sadness. okay. mukang alam ko na naman kung bakit.. -___-
Naramdaman kong lumapit sakin si Chammy at bumulong. "Pagbigyan mo na, mukhang malaki nnman ang problema eh. Antayin ka nalang namin dun sa room okay?" napangiti ako sa sinabi ni chammy. Mukhang nabasa kagaad ni Chammy itong nasa harapn namin ngayon.
"Thanks Cham." at umalis na sila.
"Food? Want mo?" alok ko sa knya. Pero tinaas nya yung c2 na hawak nya. "Tara na? Doon tayo."
Sinundan ko naman sya at pumunta kami dun sa open field sa likod ng campus. naupo kami sa ilalim ng puno. Buti nlang hindi ganun kainit, mahangin pa nga eh. Ansarap tuloy tumambay dito. Kakaunti lang din ang nandito kasi karamihan nasa canteen o di kaya nasa quadrangle., nasa benches or bleachers.
"espren...."
Ay tokwa! kasama ko nga pala sya. Sino ba sya?
Siya si Darrenl Lance Asuncion. Si espren ko. At sa katunayan. Ex-boyfriend ko.
"Bakit nga pala espren?"
Siguro nagtataka kayo bakit espren tawagan namin or for long eh BESTFRIENDS ang meaning nun. Simple lang. After the break up, naging BESTFRIENDS kami. Bakit naging ganun kadali? Kasi lumipat ako ng ibang school. Talagang nakaplano na yung paglipat kung yun at hindi ang break up namin ang dahilan.
3 years had been passed. at bigla syang nagtransfer dito sa school ko. Kaya Nakakainis sobra! Bakit? Akala ko kasi babalik ulit kami sa dati, akala ko PWEDE kami ulit..
pero tama nga ang kasabihang...
"MARAMING NAMAMATAY SA MALING AKALA"
"sobra na akong nasasaktan espren.." biglang sabi nya at nakayuko. Here we are again. Ang ayoko sa lahat, nakikita syang umiiyak sa babaeng walang ibang alam kundi saktan sya.
Taken na sya. His in relationship with Rianne Jane Gomez. Ewan ko ba sa kanila. Away bati sila. At kada may LQ sila. Ako ang lapitan ni Darren. Saya nya noh? =_____=
"Mahal na mahal ko sya na kaya kong gawin lahat lahat para sa kanya" tuloy nya pa.
OUCH. <///3
sabi sa inyo. naka move on na sya. pero ako? ano sa palagay mo?
"espren. bakit kasi naniniwala ka sa sabi sabi. alam ko mahal ka rin nun! wag mo silang paniwalaan." sabi ko sabay hagod sa likod nya. wooo! sya ang dapat kong icomfort ngayon. mga luha, alis muna kayo jan ha? mamaya na..
umiling iling sya. "Nakita ko silang dalawa ng ex nya. ang sweet nga nila eh. ewan! siguro nga mahal nya pa ang ex nya." nagbobroke na ang boses nya. at ngayon ko lang syang nakitang umiyak ng ganyan sa isang babae..