late na ng dumating si Abbie sa kanilang school, magang maga ang mata sa puyat dahil di sya nakatulog buong gabi.
"Abbie! oh? anong nangyari sayo?"
"hugh! puyat ako bes"
pabagsak syang umupo sa kanyang upuan at pabagsak din nyang pinatong ang kanyang ulo sa arm chair
"bes, obvious po. kita ko namang puyat ka ee, what i im asking is bakit ka puyat?"
"wala, di lng talaga ako dinalaw ng antok"
"tss. lame"
sa ganong akto sila naabutan ng kanilang teacher kaya di na rin nangulit pa si jen sa bestfriend nya, antok na antok si Abbie sa kanilang klase, pinipilit na gisingin ang sarili pero di talaga umuubra, kahit nakapangalumbaba siya ay sumasara talaga ang mata niya kahit anong gawin nyang pigil dito.
natapos ang klase na wala siyang naintindihan, sa buong 3 subjects nila sa morning ay talagang bagsak na bagsak siya.
naunang bumaba si jen sa kanya para mka punta sa canteen at makapalibre nnman sa kuya nya, pagkalapit niya sa table ng mga ito ay nakita niyang tulog din ang kuya niya.
"kuya!"
niyugyog niya ito upang magising
"bakit? kitang natutulog ung tao ee!"
"ano bang nangyari sayo at ganyan ka?"
"puyat!"
"malamang! isa ka pa ee, pag umpugin ko kayo ni Abbie ng makita nyo ang hinahanap nyo!"
"hah? si Abbie? bakit"
sakto namang parating si Abbie na lutang na lutang habang naglalakad, walang kaano ano ay umupu sya sa at inihiga ulit ang kanyang ulo sa table kung san nandon si rick at ang mga barkada nito.
nagtaka naman ang mga tao sa paligid nila lalo na si jen, di nya maintindihan kung ano ba ang nangyayari sa dalawa, ang alam nya lng naman ay sila ang huling magkasama kagabi dahil inatid ng kuya niya si Abbie.
"teka nga! kuya? Abbie? ano bang nangyari sa inyo kagabi?"
biglang nagising si abbie sa itinanong ni jen, unti unti niyang inangat ang kanyang ulo hanggang sa matagpuan ng mata nya ang lalakeng nasa harapan nya lng na nakatingin sa kanya, si rick.
bigla siyang nataranta, at di na malaman ang gagawin.
"uhm..... ano, jen, my nakalimutan ako sa room, wait lng hah, kukunin ko lng"
agad na tumakbo pabalik ng classroom si Abbie pagkapaalam nya sa kaibigan,
naalala niya ang nangyari kagabi
*flashback.....
pababa na sya ng sasakyan ay nag paalam sya
"uhm.. kuya salamat po sa paghatid, tutuloy na po ako"
"uhm... Abbie"
"po?"
hindi natuloy ni Abbie ang paglabas ng sasakyan
"bakit po kuya?"
"uhm... narinig ko kasi ang usapan nyo ni jen kanina, totoo bang wala akong pag asa sayo kung sakali mang manligaw ako?"
sandaling natigilan si Abbie sa itinanong ng binata, hindi niya to inaasahan, oo nga't weird ang ang pinapakita sa kanya ni rick lately pero hindi siya nag assume ng ganitong bagay mula don.
hindi mahagilap ni Abbie ang sagot sa itinanong sa kanya, tiningnan niya ang binata at nagbabakasakaling makikita niya ang bakas ng pagbibiro sa muka nito, ngunit sinseridad lamang ang nakita niya, muli siyang napaiwas ng tingin at inisip kung ano ang kanyang isasagot.
"uhm... kuya, salamat po sa paghatid, good night!"
agad siyang bumaba ng sasakyan at tumakbo papasok ng kanilang bahay, naiawang nakatulala si rick sa kanyang sasakyan, hindi niya inaasahan ang ginawang pagtakbo ni abbie palayo sa kanya na hindi man lng nagawang sagutin ang kanyang katanungan. napahampas na lng siya sa manibela sa pagkainis sa kanyang sarili, hindi pa iyon ang tamang panahon kayat asar na asar siya sa sarili dahil sa pagmamadali. well, kung tutuusin ay hindi na iyon pagmamadali dahil matagal niyang hinintay ang pagkakataong makapagtapat ng nararamdaman sa dalaga, higit isa't kalahating taon narin niyang kinikimkim ito sa sarili, un nga lng mali pa rin dahil hindi pa sila ganun ka close ng dalaga at alam niyang hindi pa ito handa.
dire-diretso lng ang dalaga sa pag akyat sa kanyang silid, pasalampak niyang inihiga ang sarili, hiyang hiya siya sa kanyang inasal, maayos siyang tinanong ng binata ngunit imbis na sagutin ito ay tinakbuhan niya lng ito palayo. alam niyang sobrang mali ng inasal niya sa kuya ng bestfriend niya ngunit hindi niya talaga alam ang isasagot dito. buong magdamag niyang inisip ang katanungan ng binata, maging siya sa sarili niya ay hindi rin alam kung ano ang kasagutan sa tanong na iyon, oo ngat my konting paghanga siya sa binata ngunit sapat na ba iyon upang masabi niyang my pagasa ito, gusto niya rin munang siyasatin ang kanyang sarili.
sa kabilang banda naman ay hindi rin nakatulog si rick sa sobrang inis sa sarili, pinagsisisihan nya ang kapangahasang ginawa niya kanikanina lamang, and dami niyang dapat ganito dapat ganon sa sinasabi sa sarili, magdamag niyang pinagalitan ang sarili hanggang sa abutan siya ng liwanag at pagtunog ng kanyang alarm na nagsasabing ala-sinco na ng umaga, hindi niya namalayan ang oras, di rin siya nagawang dalawin ng antok kayat nagasikaso na lng siya at maagang pumasok, hindi na nga siya naabutan ng kapatid.
**********
muling inihiga ni rick ang kanyang ulo sa lamesa, hanggang ngayon ay sising sisi parin siya sa ginawa, nakita niya at naramdaman ang pag iwas ni Abbie. hindi na ito bumalik pa mula ng umalis sya, alam niyang di pa kumakain ang dalaga kayat agad siyang bumili ng pagkain sa canteen, hindi pa din siya kumakain pero mas gusto niyang unahin ang babaeng minamahal. pagkatapos niyang bumili ng packed lunch ay agad siyang umakyat sa classroom ng nga sophomores, iniwan niya ang kanyang kapatid pati mga barkada na kumakain, nagtataka man ay di na kumibo pa ang mga ito.
pagkarating sa classroom nila Abbie ay saglit siyang sumilip, walang ibang tao kundi si Abbie lng, nakatungtong ang ulo nito sa armchair, agad siyang pumasok at isinara ang pinto ng dahandahan, dahandahan din siyang naglakad patungo sa dalaga.
"Abbie, kumain ka na muna"
agad na napaangat ng ulo si Abbie dahil sa taong biglang nagsalita, tumambad sa kanya ang styro na my lamang pagkain, diniretso niya ang tingin sa muka ng lalakeng nasa harapan niya at di nga siya nagkamali. dahan dahan niyang inabot ang styro
"s-salamat po kuya"
ngiti lng ang ginanti ng binata sa kanya.
"Bie, pasensya ka na sa kagabi ah, alam kong nabigla kita, pero gusto kong malaman mo na seryoso ako nung mga oras na yon"
nakatingin lng si Abbie sa kanya at hinihintay pa ang mga susunod na sasabihin nito.
"Bie, gusto kita, matagal na, unang kita ko pa lng sayo nahulog na ako, gusto kitang ligawan bie, kung okay lng sayo"
"uhm... kuya...."
"alam kong di ka pa handa, pero hayaan mong iparamdam ko sayo kung gano kita kamahal, kahit matagal pa ang hintayin ko okay lng, payagan mo lng ako"
muling sumilay ang kabang kagabi nya lng unang naramdaman, first time na my nagtapat sa kanya, at sa taong sobrang di niya pa inaasahan.
"sige na Bie, kumain ka na, hindi magandang wala ka na ngang tulog tas wala ka pa ding kain, alis na ako"
sinundan nya lng ng tingin ang binata habang palabas ito ng pintuan ng kanilang classroom.
hanggang sa mawala ito s paningin niya ay nanatili parin siyang speachless.
YOU ARE READING
FATE OF OUR STARS
Randompaano ba pagtatagpuin ang pag ibig na minsang pinaglayo ng kapalaran? sa mga bituin ba makikita ang kasagutan? samahan niyo akong tuklasin kung ano ang itinakda sa mga bituin. CLICHE BA TO? EWAN DI KO PO ALAM? SIGURO HAHA.. SORRY ALLCAPS.. SA MAGB...