Girlfriend

899 41 109
                                    

Ikaw kaya magkagirlfriend ng habulin ng mga babaeng tulad niya tignan ko kung di ka magpakapossessive.

Dahyun.

"Babe, waaaaah I miss you." yakap sakin ng girlfriend kong si Sana na pawis na pawis.

Galing kase sa training niya ng taekwondo, nanood ako himala nga di ako tinamad.

"Lagkit mo tas didikit ka sa akin." pagsusungit ko pero charot lang noh kahit pawis siya bango niya kaya!

"Mabaho ba sorry." paumanhin niya.

"Ito naman! Joke lang babe. Bango mo kaya pero palit ka ng damit mo baka matuyuan ka ng pawis tapos dungis mo na oh nakaputi ka pa naman." I smiled at her.

"Ang landi niyoooo! Dun nga kayo." bulyaw ni Chaeyoung sa amin.

"Gago ka Chae ah." saad ko sa kanya.

"Maawa ka kasi sa sarili mo, Dahyun. Daming girls ang nakatingin sa inyo, malamang pinapatay ka na ng mga yan sa kalooban nila dahil ang sweet niyo ng dream girl nila." tukoy niya kay Sana.

"Nakakapikon sila seryoso." inis na sabi ko.

"Hays, hayaan mo mga yan babe. Hanggang tingin lang sila, ikaw lang naman mahal ko." nakangiting sabi ni Sana. Nilalandi nanaman niya ko, nako.

"Iwan ko na nga kayo. Yung night's out mamaya, Squirrel. Sama ka." sabi ni Chaeyoung bago umalis.

Nilingon ko girlfriend ko pag alis ni Chaeng kase di niya pa nabanggit yung night's out sa akin.

"Can I come with them?" alangang paalam niya sa akin at nakapout pa.

"Sana, you know ayoko ng sumasama ka sa ganun. Pero sige sumama ka." kahit labag sa kalooban ko.

"Babe, di na ko sasama kung ayaw mo naman talaga." sabi niya at niyakap ako bigla.

Ganyan siya yayakap nalang bigla, maglalambing na parang bata.

Kahit na gusto niya, kapag di ako infavor di talaga sasama yan.

Ganyan niya ko kamahal eh. Mahal na mahal ko rin naman siya.

"Ayos lang talaga sa akin. I trust you, Sana. Basta wag magpapakalasing and no girls makakapatay ako." I warned.

"Di na ko sasama. I'll stay at home." nakangiting sabi niya.

Alam ko mas gusto niyang panatag ako kahit na di siya makapagparty.

-----

Nandito ako sa condo ni Jihyo unnie, kasama namin sila Mina unnie at Tzuyu pati si Nayeon unnie walang pasok eh.

Sila Sana kase may kanya kanyang lakad. Si Sana may kameeting about sa business kasama niya dad niya. Si Momo, Chaeyoung at Jungyeon unnie may family gatherings.

"Kamusta naman kayo ni Sana? Tagal niyo na 4 years nadin kayo ah." tanong ni Jihyo unnie na nasa sofa katabi si Nayeon unnie nagirlfriend niya.

"We're still inlove to each other. Walang nagbago." nakangiting sagot ko.

"Harot. Loyal ba?" sabi naman ni Nayeon.

"Oo naman. Apat na taon na magloloko pa ba?" sagot ko tsaka sumubo ng fries.

"Hindi mo rin naman kase masasabi. Sa dami ng nagkakagusto dun." banta ni Mina. Bwisit na penguin na 'to.

"Hindi naman. Possessive ako, under siya at ako nalang lagi ang sinusunod niya. So far, basta mapangiti at mapasaya niya ko ayos na sa kanya." sagot ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loyal|SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon