Prologue

13K 178 4
                                    

Prologue

I was patiently waiting for Seiko in front of his condo unit. Ilang beses na ako nagb-buzzed sa kaniyang unit. Napanguso ako habang nakahalukipkip. Napakatagal naman ng lalaki na 'yon. Kung natatanong niyo kung sino si Seiko, siya lang naman ang boy bestfriend ko. Seiko Kawasaki Montepalma ang kaniyang buong pangalan at may lahi na hapon. Ilang minute na lumipas ay binuksan niya na yung pintuan. Napakurap ako nung napagtanto ko na bagong ligo siya dahil may tapis pa ng tuwalya sa bewang niya.

"Hi, Gwynonah," he greeted, chuckling. "What are you doing here?"

"I told you na pupunta ako rito. Nakalimutan mo ba?"

"Hindi ko naman kakalimutan syempre. Masyado ka lang talaga maaga."

Inirapan ko siya at pumasok na sa loob ng unit niya. Naririnig ko pa rin ang halakhak niya. Ipapakilala ko kasi si Seiko sa magulang ko mamaya. Aalis na kasi siya at pupunta na sa Japan. Kaya sabi ko sakaniya na magdinner muna siya sa bahay namin at do'n muna siya matulog. Mabuti nalang ay pumayag siya sa request ko.

"Hintayin mo muna ako diyan, okay?" he said. "Magbibihis na muna ako at alis na tayo."

"Oo, bilisan mo na kasi," I replied. "Kanina pa talaga ako nakatayo ro'n sa labas ng unit mo. Tagal mo ako pagbuksan."

"Hindi ka kasi nag- iwan ng message saakin para iiwan kong bukas yung pintuan ko."

"Akala ko nga may tinatago ka pang babae rito bago mo ako papasukin sa unit mo, e."

Humalakhak siya at lumapit saakin. Kinurot niya yung ilong ko. Kaagad ko naman 'yon tinabig sa inis. Ito lang talaga gawain ni Seiko, e. Ang hilig niya mang- asar at mangurot ng ilong. Kainis!

"Magbihis ka na kaya. Kita mong nakatuwalya ka pa lang, e." inirapan ko siya.

"Alright... Masyado ka nanaman nagsusungit diyan, Gwyn."

Pumasok na siya sa loob ng kwarto niya at sinarado niya na 'yon. Napangiti ako habang napapailing. Kaya maaga ako napunta rito para mas matagal ko pa siya makasama. Nung nag-aaral pa kami ng college ay sobrang protektado niya ako. Nang dahil sakaniya ay walang nagtatangka na lumapit saakin. Natatakot sila lapitan si Seiko dahil na rin sa kaniyang apelyido.

Ang sabi nila ay masyado nakakatakot ang pamilya na Montepalma. Hindi naman kasi ako naniniwala dahil mabait naman saakin si Seiko. Turing ko nga sakaniya ay kuya ko, e. Siguro kaya nasasabi nila 'yon dahil hindi pa nila kilala si Seiko ng lubusan.

Nilibot ko yung paningin ko sa kabuuan ng condo niya. Maayos na ang mga gamit at mga luggage niya ay nakahanda na sa tabi. Nakakalungkot lang na isipin na mawawalan ako ng matalik na kaibigan. Aalis na kasi siya bukas, e.

Dahil sa sobrang inip ko ay napatingin ako sa gawi ng kwarto niya. His door was half open. I can't help myself but to come closer towards to his room. Sumilip ako nang bahagya sa medyo na bukas na pintuan at nakita ko na nakabihis na siya pero may kausap pa siya sa phone.

"Yes, Dad. I can handle this one," he said, over the phone. "I know... I already know what to do. I'll stick to our plan. This is what we want, right?"

Kumunot noo ko at napagdesisyon ko na bumalik muli sa sala. Ayaw ko naman mag eavesdrop. Hindi ko naman ugali ang makinig ng usap. Umupo ulit ako sa sofa at hinintay ko siya tapusin ang phone call. I'd decided to pull out my phone and check all my social medias.

After a few minutes, lumabas na rin siya sa kwarto niya. Ngumiti siya saakin at kinuha niya na yung isang luggage niya. Marami na raw kasi siya na damit do'n sa Japan.

"Tara na ba?" I asked.

Napasilip muli ako sa orasan ko, it's already 6 in the evening. Medyo nagugutom na rin ako. Lalo na't palagi kong bukambibig si Seiko sakanila. Tas nalaman din nila na isang Montepalma si Seiko kaya sobrang tuwa nila.

Montepalma Series 1: Taming the BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon