Chapter 3: She's Definitely Shadow

50 1 2
                                    

hi guys! hehe. sorry kung natagalan ang pag-update. dedicated kay april_avery. i just love your story, Charm Academy. <3 i will do support po talaga sa inyo :))  hehe idol ko po kayo ang galing nyo po gumawa ng story T-T nakaka-elibs xD pakisabi po kay Jett kras na kras ko siya!! kyahhhh!  ok -_-  basta po para sa inyo to (sorry for foul words, mas mae-express po kasi pag may ganun.) thanks po enjoy reading :))

 

>SOMEONES POV<

"kamusta? nakakainip ba ang pagsunod sa akin?"  sadyang magaling si Sylva para malaman na may nagmamasid sa kanya sa nakaraang dalawang araw. di niya lang to pinapansin nung nakaraan kasi humahanap siya ng tamang tsempo. at sa tingin niya, ito na iyon

"S-Shadow?" nauutal na saad ni Strike. di sila makapaniwala na nasa harapan na nila si Sylvia.. alam nilang wala na silang takas ngayon. 

"oo. ako nga, Strike"  nagulat siya dahil kilala siya ni Sylvia. si Ghab naman ay nakatingin lang ng seryoso kay Sylvia at nag-iisip ng plano para makatakas sa isang katulad niya. 

"a-anong kailangan m-mo sa a-amin?" tanong ni Strike..di niya rin alam kung saan niya nakuha ang tanong na iyon

"diba dapat ako ang nagtatanong niyan?" naglakad-lakad si Sylvia at sumandal sa isang puno sabay kagat sa tsokolateng binili niya. kalmadong-kalmado si Sylvia ngayon. habang ang dalawa ay kabadong kabado at para silang napako sa kinatatayuan nila sa sobrang takot

"ano ang kailangan niyo sa akin? papatayin niyo ba ako?" diretsong tanong ni Sylvia. nakataas ang isang kilay ni Sylvia at kalmadong kumakain ng tsokolate. inalok pa nga niya yung dalawa pero di sila sumagot. 

"tss. lahat naman gusto kang patayin eh" matapang na sagot ni Ghab na walang pag-aalinlangan. nagulat naman si Strike sa inasal ni Ghab. napangiti si Sylvia sa pinakitang tapang ni Ghab

"tama ka. pero sorry na lang, walang pang nakakagawa eh..hahaha!" nainis naman si Strike sa sinabi ni Sylvia. masyado syang kampante at nagawa pang tumawa. alam naman ni Strike at Ghab sa sarili nila ni di nila kaya si Sylvia. 

"wag kang mag-aalala. may makakagawa na rin ng hinihiling mo.." saad ni Ghab. ngumiti ng malademonyo si Sylvia. si Strike naman ay napatunganga sa inaasal ni Ghab. 

"good! cant wait to meet THEM"  pang-aasar ni Sylvia.  sinasabi niya kasi na hindi sapat ang isa para makipaglaban sa kanya. 

huminga ng malalim si Strike at pinakalma ang sarili. alam niya kasing di iyon makakatulong sa kanya. tumingin siya ng diresto kay Sylvia.

"so what now? kayo lang bang dalawa? tss....too funny" saad ni Sylvia. tinapon niya sa gilid yung balat ng chocolate at naglakad ng mabagal papalapit sa kanila. napapa-atras naman sila. 

"wag mo kaming mamaliitin, di ka nakasisiguro na hahaba pa ang malademonyo mong buhay" biglang nagkaroon ng lakas ng loob si Strike para sabihin yun kay Sylvia na ngayon ay napahinto at nakatingin lang ng seryoso sa kanila. 

ngumiti siya

sa ngayon, dalawa na ang baril na hawak ni Strike at Ghab. nakahanda na sila sa kung ano man ang mangyayare. 

"tss. i think you should have a hundred guns to fight me..." pang-aasar ni Sylvia. at dahil sa sobrang inis ni Strike, kinasa niya ang baril at kinalabit ang gatilyo

World of Sylvia and Shadow (A MaFiA Related Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon