Chapter 5

65 4 0
                                    

"Aray ko naman!"

Nagising ako sa malakas na pagbagsak ko sa kama ko. Ang sakit ng likod ko grabe. 

"Gosh Layne! Alam mo ba kung anong oras na? Hindi ko akalain na late ka magigising ngayon! Hintay ako ng hintay sa bahay yun pala tulog ka pa!?" Tignan mo to. Kakagising lang nung tao binubungangaan agad ako. Pero ganon din naman ako sa kanya kaya quits lang haha.

"Eh anong oras na ba!? Baka napaaga ka lang ng gising trixie!" Sagot ko habang kinukusot ang mga mata ko at tumatayo sa pagkakabagsak ko.

"7:00 am. babae! oh ano? Di ka pa magaayos?

"ANO!? oo na! Magaayos na!" Tumakbo agad ako sa banyo para magayos.

Tumatawang lumabas si Trixie sa labas ng kwarto ko. Bakit ba kasi ako nalate magising ngayon? Ah oo nga! Kasi buong gabi iniisip ko si Kuya Mystery Boy. Anlakas ng epekto ng lalakeng yon sakin! Siguro dahil sa hindi ako nakapagpasalamat sa kanya dahil sinamahan niya ako sumakay ng taxi at hindi ko padin alam ang pangalan niya. hay nako.

Ginawa ko na ang mga dapat gawin. As in mabilis lang. Aba! Malelate na kami! Lumabas agad ako sa banyo pagkatapos ko magbihis. Wala ng patuyo ng buhok late na kami!

"Halika na babae!!" Sigaw ko sabay hila kay Trixie.

"HAHAHAHA!! Hindi halatang nagmamadali ka babae. ayusin mo nga yan buhok mo! Pati yang salamin mo paleng! HAHAHA

"Shut up! Eh kasi naman!

Naaasar ako! Hindi dahil kay Trixie. Eh kasi para akong ewan sa itsura ko! Inayos ko na yung salamin ko habang sinusuklay niya yung buhok ko.

"Eh bakit ba kasi late ka na nagising? Halatang puyat ka oh! Laki ng eyebags babae. Zombie ang peg?

"Long story babae! Sa ngayon kailangan muna natin makarating sa school."

Tinawanan niya lang ako habang tumatakbo kami pareho. Ang lakas din ng trip neto eh no? 

~~~~~~~

"Oh? magkekwento ka na?" Ang kulit din ng babaeng to. Nandito na kami sa locker area. Sinarado ko yung locker ko tsaka naglakad.

"Iniwan niyo kasi ako kahapon eh" Nakanguso kong sagot sa kanya. 

"Ang corny mo! Wag ka magpacute wala sa hall si Skyler!" Inirapan ko lang siya.

"Totoo naman eh! Una si Skyler hinatid si bea. Ready na ako magwala sa bahay niyo kaso bigla ka naman kinuha ni Joshua. Ano nangyari sakin? Ayon nakipag usap kay MB! Naging clown for the night and lastly napilita pakong magtaxi!" Halos ibato ko na lahat ng librong hawak ko habang sinasabi yung mga yon.

"Chill! Nagtatantrums ka nanaman diyan eh. Sorry na, wala akong magawa eh. Ang higpit kaya ng pagkakahila nun! Sinapak ko nga! -_-" Brutal mode si Bestfriend.

"Pero wait, Who is MB? Kaibigan mo? Anong clown? Corny corny mo eh naging clown ka? Tsaka nagtaxi ka!? Akala ko ba takot ka sumakay ng taxi magisa?" Dagdag niya pa. Aaminin ko corny ako. kaya nga takang taka ako kung bakit tinatawanan lagi ako non! 

"Sino si MB? Di ko din alam eh."

"Eh kung pektusan kaya kita diyan? Tinawag mong MB di mo naman pala kilala!"

"MB means Mystery Boy. Di ko siya kilala. tss.

Pumasok na ako sa classroom pagkasabi ko non. Ineexpect ko na may teacher na magpapagalit samin dahil late kami ng halos 20 mins. pero wala. Ang ingay sa classroom at parang may party pa. Nakita ko si Joshua at bea na naguusap kaya nilapitan ko.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon