The Witch & Her Legs

511 16 4
                                    

xx

"Hindi pa ba talaga kayo matutulog, ha?"tanong ko sa mga bata. "Ma, kwentuhan mo po muna kami,"sagot ng panganay ko.

"Kayo talaga, sige na nga pero isang kwento lang, ha? Tapos matutulog na kayo, maliwanag?"paninigurado ko. Medyo malalim na kasi ang gabi. Masama sa mga bata ang magpuyat. "Opo!"Pumwesto na ang dalawa kong anak sa kama nila.

At, sinimulan ko na ang pagkwekwento.

///

Napuno ng masigabong palakpakan ang buong theatre pagkatapos na pagkatapos kong mag-ballet. Agad akong nagbow at muling umayos ng tayo at hinanap ang lalaking pinakagusto kong maka-appreciate ng ginawa kong performance dahil para sa kanya ito.

Nang makita ko siya, agad na nawala ang ngiti sa labi ko. Nakikipagtawanan siya sa fiancee niya, ang buong atensyon niya ay wala sakin.

Masakit.

Nasa backstage na ko at inililigpit ang gamit ko para makapunta na sa sunod kong klase nang tawagin ako ni Sir Collantes.

"Hanna!"

Ngingiti sana ko kung hindi niya lang kasama na papalapit sakin ang fiancee niya. "Sir, bakit po?"tanong ko naman. "Hanna, salamat talaga at pumayag kang magperform ngayon, ah. Nagustuhan ng bisita ng school ang performance mo. Pati fiancee ko magustuhan niya rin,"nakangiting sabi ni Sir. Habang nagsalita siya, napapangiti ako.

"Hi, Hanna! Tama nga siya, ang galing-galing mo talagang magballet. Itong fiancee ko, puro ikaw bukangbibig. Grabe, tagahanga mo na kaming dalawa, Hanna,"sabi ng fiancee ni Sir. Nang tignan ko siya nang maigi, mukhang hindi rin nalalayo anb edad naming dalawa. Two to three years lang yata ang tanda niya sakin.

Nineteen years old ako samantalang si Sir, 24 years old. Hindi ko rin naman masisisi si Sir kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya. Napakabait niya at maaalahanin. Sigurado kong hindi lang ako ang estudyante niyang nagkakaganito sa kanya.

"T-thank you po at nagalingan kayo."

Nabigla ako nang may biglang inabot si Sir na white envelope sakin. "By the way, invitation card, Hanna. Punta ka sa kasal namin. Umattend ka, isa ka sa pinakamahalagang estudyante sakin kaya pumunta ka, ah?"sabi ni Sir.

Nung una, nagdadalawang isip pa kong tanggapin yung invitation card mula kay Sir pero tinanggap ko rin iyon nang muli kong maalala na walang naman talagang patutunguhan 'tong nararamdaman ko sa kanya.

Pagkatapos nun, umalis sila agad. Kitang-kita kong mahal nga ni Sir ang babaeng iyon, nakakaramdam tuloy ako ng inggit.

Hindi na ko nakaalis sa kinatatayuan ko. Ikakasal na si Sir, matagal ko nang alam 'to dahil bali-balita na ito sa school pero hindi ako naniniwala kasi ayokong paniwalaan. Naiiyak ako, parang pakiramdam ko niloko ako. Bakit kasi hinayaan kong magmahal ako ng isang teacher? Damnit.

Lovely LegsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon