PROLOGUE:
Sabi nila wag kang matakot sa patay kundi sa buhay dahil hindi ka naman daw masasaktan ng patay. Sabi din nila wag kang tutuloy sa pupuntahan mo kung nakakita ka ng itim na pusa dahil malas daw yun. Sabi pa nila wag kang magtuturo kapag gabi kasi baka daw may mabati ka na mga nilalang na hindi mo nakikita. Andami nga nilang sinasabi eh, pero wala namang mawawala kung susunod ka sa PAMAHIIN eh. Pero paano kung hindi mo alam ang mga Filipino Superstitions na ito at ang mga pangotra dito? Ano ang gagawin mo?
Samahan si Midori at ang mga kaibigan niya kung paano nila susuwayin ang mga Superstitions! Ano kaya ang mangyayari sa kanila? Alamin at tuklasin!!!
-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=
Ang mga parte ng istoryang ito ay inisip, ginawa at isinulat ko. Kaya ang anumang pagkuha ng kahit anong parte ng istorya ng ito ay kailangan ng aking pahintulot.
<A/N: First time ko pong gumawa ng Horror-Mystery story kaya sana ay maEnjoy niyo. Salamat.>
Superstition #1
Si Midori ay isang misteryosong estudyante na nag aaral sa Statfield University. Kahit ang mga kaibigan niyang sina Aoi, Aka, Kuro at Kin ay wala masyadong alam sa kanya, masyado din kasi siyang malihim.
Si Midori at ang mga kaibigan niya ay pumunta sa laboratory dahil sa nabalitaan nilang multo doon. Hindi nila napansin na may sumusunod na pala sa kanila. Ang classmate nilang si Yuki. Ngunit sa kakasunod niya sa lima ay hindi niya sinasadyang madaganan ang salamin sa likod niya kaya nag crack ito.
*Crack*
"Sino nandyan??" -Aka
"Hindi mo kami matatakot!!! Lumabas ka na!!!" -Aoi
"Teka guys, ikutan niyo sa likod." -Kuro
"Ge." -Lahat sila
Agad namang lumabas ng laboratory si Yuki at sa sobrang pagmamadali nito ay naiwan niya ang panyo niya. Maya maya ay wala nang naabutan sina Midori kundi ang may crack na salamin at isang puting panyo.
Agad namang dinampot ni Kin ang panyo at inamoy.
"Teka. Alam ko kung kanino to, kay---" -Kin
"Yuki." -Midori
"Oo. Pero paano mo nalaman??" -Kin
"Wag na kayo mag-usap dito, mga hangal talaga kayo. May makakita pa sa atin dito eh. Sa labas na lang kayo mag-usap." -Kuro
Lumabas na ang lima at iniwan ang may crack na salamin sa loob ng laboratory. Maya maya lang ay pumasok na sila sa susunod nilang subject. Ngunit ang ipinagtataka nila ay wala pa si Yuki, at hindi naman kasi iyon nagpapalate.
"Kuro, wala pa si Yuki, paano kapag Nag---" -Aka
"Nagsumbong??? Bakit wala naman tayong kasalanan ah." -Kuro
"Tama si Kuro. At isa pa si Yuki naman ang nakabasag ng salamin eh." -Aoi
"Wala namang multo sa lab eh, at saka ako na ang magbabayad ng salaming nabasag. Mura lang naman yun eh. Pero nagtataka ako kasi wala pa si---" -Kin
Hindi na nakatapos ng sasabihin si Kin dahil pumasok bigla ang bestfriend ni Yuki na si Kiiro at umiiyak. Pinapunta niya ang mga classmates niya sa may laboratory.
At pagpunta nila doon, nagulat ang lahat sa nakita.
Ito ang bangkay ni Yuki sa ilalim ng basag na glass table. Basag lahat ng apparatuses, halos lahat din ng parte ng katawan niya may sugat dahil sa bubog. At ang ipinagtataka nila may nakita silang DILAW na panyo sa ibabaw ng bangkay.
YOU ARE READING
Superstitions
HorrorDo you believe in Superstitions??? Then if not.... YOU MUST DIE!!!!