Chloe's POV
"Ma, papasok na po ako" paalam ko kay mama na kasalukuyang nakaupo habang nagkakape at nagbabasa ng diyaryo.
"Oh, eto baon mo"inabot niya sakin yung one week allowance ko na agad ko namang kinuha, dahil kapag hindi ko kinuha wala akong babaunin HAHAHAH.
"Thank you Ma, alis na po ako" paalam ko kay mama at tinanguan nya naman ako, sapat na sakin yon para tuluyan akong lumabas ng bahay.
Madalas naglalakad lang kami ni Kuya papuntang school dahil malapit lang naman, pero ngayon hindi ko kasabay si kuya hindi pa kasi siya nakakauwi nasa Pampanga pa siya binisita niya sila lola, bukas pa siya makakauwi.
Tanaw ko na mula sa puwesto ko yung gate ng school nang biglang may humila sa bag ko kaya medyo napaatras ako.
"Uy, sabay na tayong pumasok"kahit hindi na ako lumingon kilala ko na agad kung sino yung dumating amoy at boses niya palang alam na alam ko na, minsan nga nakakasawa na eh charot HAHAHAH.
Si Matthew, Matthew Perez elementary palang kami ni kuya madalas na namin siyang nakakasabay pumasok dahil magkapitbahay lang naman kami tsaka kaklase ko siya.
"May magagawa pa ba ko? HAHAHAHA"tanong ko.
"Meron ang tumakbo"sagot niya sabay hawak sa kamay ko.
"Huh?"nagtatakang tanong ko.
"May aso sa likod"sagot niya habang tinuturo yung asong tumatakbo papalapit samin. Waaaah. Ayoko sa asooooo.
"Ahhhhhh! Takboooooo!"sigaw ko sabay takbo habang magkahawak kamay kami. Habang yung aso naman patuloy parin kaming hinahabol habang tumatahol-tahol pa.
Tumigil lang kami sa pagtakbo nung nasa tapat na kami ng gate ng school kaya binitawan niya na din yung kamay kong pawis na pawis.
"Pfft-- Pasmado"tinuro niya pa yung kamay ko habang nagpipigil siya ng tawa.
Hindi naman ako makasagot sa kanya kase nahihirapan akong huminga, umaatake na naman yung asthma ko tapos wala pakong dalang inhailer lecheeee.
"Uy anong nangyayari sayo?"tanong niya nang mapansing hindi ako kumikibo.
"M-Matthew yung i-inhaler ko n-naiwan k-ko"pilit akong nagsasalita kahit hirap na hirap na kong huminga.
"Ay shet! May asthma ka nga pala!"natampal niya pa yung noo niya. Kinuha niya mula sa likod niya yung bag niya at hinalughog.
Matapos ang ilang minutong paghahalughog sa tingin ko nakita niya na yung hinahanap niya.
"Oh eto muna gamitin mo"inabot niya sakin yung paper bag at agad ko namang hinablot.
"S-salamat"sabi ko at nagsimulang huminga sa loob ng paper bag.
"Inhale... exhale... Inhale... exhale... Inhale... exhale... inhale.... exhale... inhale... exhale"guide niya sakin habang tinataas baba pa yung kamay niya.
"HAHAHAHAHA"hindi ko na napigilan yung tawa ko.
"Anong nakakatawa?"tanong niya kaya tumigil na ko sa pag tawa.
YOU ARE READING
Unexpected
Teen FictionThe best relationships are the ones you didn't expect to be in, the ones you never ever saw coming.