Chapter 2

41 5 12
                                    

Matthew's POV

"Walang ibang magiging kapartner si Chloe, ako lang yung kapartner niya"pagkatapos kong sabihin yan ay lumabas na ako sa room at dumiretso sa canteen.

Pagdating na pagdating ko sa canteen nakita ko agad si Alliah kasama yung mga bestfriends niya. Si Alliah yung babaeng crush na crush ko. Maganda si Alliah, maputi, maayos sa sarili, matalino at mabait din naman kaso may pagka mataray.

Kasalukuyan akong nakatitig kay Alliah nang mahagip ng paningin ko ang paparating na si Chloe. Kasabay niya yung ilan sa mga kaklase kong lalake, nag-iisa lang siyang babae.

Hindi naman na bago sakin yun, madalas naman kasi talagang mga lalake ang kasama niya, well kung titingnan mo si Chloe may itsura naman siya, hindi siya maganda pero cute siya, madaldal oh let me correct that, sobrang daldal niya pero sobrang friendly din niya, hindi siya masyadong matalino pero madiskarte siya.

Pumapasok siya kahit hindi pa nag susuklay, may kaunting pimples siya dulot ng pagpupuyat, maitim ang ilalim ng mata na dulot din ng pagpupuyat at madalang siya lumabas ng bahay kaya naman ang puti-puti niya.

Teka? Bakit nga ba dine-describe ko siya?

"Huy!"naupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. "Ano? Hanggang tingin ka nalang ba kay Alliah?"so nakita niya pala akong nakatitig kay Alliah "Bakit kasi hindi mo pa ligawan"yeah alam niyang gustong-gusto ko si Alliah dahil sinabi ng magaling kong kuya.

Madalas kasi sa bahay nila si kuya  kaya ayon kung ano-ano mga pinagsasasabi. Magkabarkada at magkaklase kase sila ni Kuya Ivan (kuya ni Chloe)

"Wag ka nga magulo diyan, bumili ka nalang ng pagkain"sabi ko. Agad naman siyang tumayo at pumila na para bumili ng pagkain.

Buti nalang at hindi siya nagtanong tungkol sa sinabi ko kaninang wala siyang ibang magiging kapartner kundi ako lang.  Dahil kahit ako mismo hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun.

Makalipas ang ilang sandali ay bumalik na si Chloe na halos hindi na magkandaugaga dahil  sa dala niyang pagkain. Nilapag niya yung mga pagkain sa lamesa at nagsimula na siyang kumain.

"Wala ka bang balak bigyan ako?"tanong ko.

"Huh? Bakit? Nagpabili ka ba? Hindi naman ah? HAHAHA"seriously? Siya lang kakain ng mga pagkaing dala-dala niya?

Ang payat-payat niya, pero ang dami-dami niyang kumain, imagine spaghetti, burger, coke, at pansit palabok, siya lang kakain lahat , ghad.

"Tsk, ewan ko sayo"tulad ng lagi kong ginagawa nag walkout ako.

Dumiretso agad ako sa classroom dahil tinamad na ko umorder ng pagkain.

Kasalukuyan akong nakapikit habang nakikinig ng music nang may tumapik sa pisngi ko. Pagdilat ko nakita ko agad si Chloe.

"Oh?"tanong ko. Nginuso niya naman sakin yung mga pagkain sa  armchair ko.

"Nag walkout ka kasi agad eh, bibilan naman kita kapag sinabi mo HAHAHAHAH ubusin mo yan"magsasalita pa sana ko pero umalis na siya.

Hindi ko alam ngayon kung paanong kain ang gagawin ko para maubos ko yung mga pagkaing dala niya.

Ang dami-dami niyang binili eh hindi naman ako katulad niyang matakaw.
Pero still, salamat parin sa kanya. HAHA.

Hindi ko naubos lahat ng pagkaing dinala niya kaya nilagay ko nalang sa paper bag yung iba para iuuwi ko nalang mamaya.

Maya-maya dumating na si Sir Ivan, teacher namin sa Math. Kasunod niyang dumating si Chloe na dumiretso agad sa upuan niya.

UnexpectedWhere stories live. Discover now