Simula pa ng bata tayo ,
Pang asar ka na sa buhay ko,
Ewan ko ba kung bakit ganito,
Hindi mabubuo ang araw mo ,Umaga pa lang nagsisimula kana,
Hindi pa nga nakakapaghilamos at may muta pa nga,
Andyan kana nakakabad trip lang diba,
Ang sarap bangasin ng mukha ,Nakakagigil ka hanggang sa pagligo,
Naninilip ka sa may poso,
Aba'y tarantado,
Sinama pa pati ang kapatid na bunso,Para kunyare pinapahanginan ang bata,
Aminin mo mas mahangin ka pa,
Bagyo na ata,
Pinaglihi ata sa amihan ang mukha,Hindi ka pa rin na kuntento ,
Pati sa school nakikigulo,
Papansin lang ang peg mo,
Sa buhay ko,Syempre hindi nagpatalo,
Aba palaban to,
Yang mukha mo,
Babangasin ko,Pero dahil walang nagpapatalo,
Naging away at gulo,
Ang gulo gulo na ng buhok ko,
Dahil sa iyo ,Ipapakain ko talaga sayo ang sapatos ko,
Tarantadong to ,
Hindi talaga titigil sa panggugulo,Hanggang umabot tayo sa room niyo,
Naghahabulan hanggang dulo,
Walang makakaawat na kahit sino ,
Kahit magkasakitan walang magpapatalo,Sa sobrang asar ko sayo ,
Isang araw hindi kita pinansin,
Pero hayan ka nanaman panggulo,
Hindi ko talaga matiis na sapakin,Kaya nang umuwi ka,
Nagtaka ang karamihan,
Nakita ng karamihan ang matyurang mong mukha,
Mayroong kulay purple sa kanan,Dahil bata pa nga tayo ,
Walang nagpatalo,
Kinabukasan ginantihan mo ko,
Planado ata ang mga ginawa mo,Isang araw napuno At hindi natiis ,
Umuwi ng luhaan sa daan ,
Tinanong kung bakit luhaan,
Umiiyak ng sobrang bilis,Habang sinasabi ang dahilan,
Nang nalaman ng kaniyang ama ang kadahilanan,
Agad akong pinatahan,
At sa pag uwi mo raw ikaw ay mayayari ihanda ang pwetan,Grabe ang ginawa sayo,
Binogbog ka ng iyong sariling ama,
Hindi ako naawa sa sitwasyon mo,
Parang musika pa nga ang iyak at pagmamakaawa ,At sinisigaw mo pa nga ,
Hindi na uulitin ,
So yun lang pala ,
Para tigilan mo ko sa pangaasar mo,Ilang taon na ang nakalipas At ang bilis naman ng bukas,
Hindi mo man lang pinalipas,
Ang pagdating ng oras ,
Bumalik nanaman ang nakalipas,Nang mamukhaan,
Agad kinainisan,
Naalala na lang ang nakaraan,
Nainis na nang tuluyan ,Hanggang ngayon pa pala hindi naalis ang iyong kahanginan,
Kaya hindi maiwasan ,
Nang mainis ng tuluyan,
Aso't pusa kung tayo'y magbangayan,Daig pa natin ang magjowa kung magsigawan,
Pati ang magasawa sa kanto nakikiusyoso ,
Inaakala na tayo ay magpapatayan ,
Pero sa isipan ko yun ay ang totoo,Naisipan ko mag-aral ng kolehiyo ,
Hindi ko naman ninais mag aral dito,
Ngunit ayon ang sabi ng nanay ko,
Hindi ko alam kung anong mangyayari sa buhay kong to,Umuulan ng malakas at wala na ngang pagasa ,
Naiwan kasi ang payong kaninang umaga,
Kaylangan ko sumugod sa ulan at baha,
Iningatan na hindi mabasa ang mga dalang mahahalaga,Hindi ko inakala na may kabaitan ka rin palang taglay,
Hindi mo ko pinabayaan na mabasa nang tuluyan,
Kahit patayin na kita ng buhay,
Sa araw araw na nakalaan,Dito nagsimula ang pagkakaibigan,
Hindi natin yon inaasahan,
Kaya naman ito ay nasundan,
Nang mga ngitian,Ito nasiguro ang simula ng ating pagkakaibigan,
Hindi na lamang tayo magbabangayan,
Kundi magsisitawanan,
Hindi na tayo Aso't pusa kung magbangayan.
BINABASA MO ANG
The Poem Of Our Lives
PoetryIBA'T ibang uri ng tula . Maaring tungkol ito sa pagmamahalan ng dalawang tao o di kaya'y iisa lamang ang nagmamahal . Okaya naman ay sa pagkakaibigan ,sa bitter, sa may crush, sa naghihintay sa tamang panahon o sa taong pinaasa ng kaibigan . BA...