Chapter 20. - DAN's POV

1.1K 32 9
                                    

A/N: Hindi po porket kay Dan na POV 'to ay masasagot na lahat ng paghihinala niyo. mwahaha. Ito po ay flashback ng nangyari sa kanila ni RynRyn. Kay Dan na side po ito. Hihi. Hope you enjoy guys! :)

Hindi kinaya ng isang chapter, so I decided to divide it into three.

Follow me on twitter: Chikahin niyo ako @itsmeblessieee

Readers ng IASWAH, join na sa group sa FB: http://www.facebook.com/groups/IASWAHwatty (click the external link)

Now searching sa handlers ng characters. Message me, tweet me or anything basta makakarating sakin na interested kayo. Thanks :)))

------------

=DAN'S POV=

"Pero fck... Pesteng tadhana.. Hanggang ngayon.. Ikaw pa rin.."

Dalawang linggo na ang nakalipas pamula ng huli naming paguusap ni Rynryn, no, Kat pala.

Nagkakausap pa rin kami ng tatlong ugok, pero hindi na madalas. Mas nauuna silang umuwi sakin, lalo na si Julian. Tss.

At sa loob ng dalawang linggo, suki na ako dito sa bar. Hindi naman ako nagpapakalasing dahil ayaw ni mama kaya 99% pa rin akong umuuwing matino sa bahay.

"Hi cutie, let's dance?" Nagulat ako sa babaeng lumapit sakin at humaplos sa braso ko. Maganda siya, maputi, makinis. Sobrang ikli ng suot niya ngayon. Napatingin ako sa kanya, nangaakit pa ang mga mata.

Kaso tinatamad ako -______-

 "Na-ah. Pass." Sabi ko at saka uminom ng beer. Sa may stool lang ako nakaupo at pakiramdam kong kanina pa akong tinititigan ng bartenddr dito. Bading ba 'to?! Leche!

 "Hey gurl. Back off. Shoo shoo." Napapikit ako sa inis. Nandito na naman 'tong babaeng 'to.

 Tumayo na ako dun at lumabas ng bar. Naknang. Nakakairita!

 "Hey! Hey Dan! Wait for me!" Napatigil ako sa paglalakad. Good thing nasa labas na kami.

Nakakairita talaga 'tong babaeng 'to. Nung isang bwan lang 'to nagtransfer sa college namin. At pamula nun, lagi na siyang sumusunod sakin. Lagi siyang nakabuntot. Nakakairita. -____-

"I just want to check if you're okay..." Sabi niya.

Kaya ayokong nakikita 'to eh. She reminds me of someone -_-

Si Kat. Tss.

Hinarap ko siya, "Mukha ba akong okay!?"

"N-no..." Sabi niya sabay yuko.

"Yun naman pala eh!" Sigaw ko at saka naglakad papunta sa parking lot. Gusto ko ng umuwi, leche!

"D-dan..." Napatigil ulit ako. Nasa harap ko na ang kotse ko oh!

Pasensya, Dan. Pasensya. Babae yan.

Humarap ako sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

"Ano ba kita ha?" Mahinahon kong tanong.

"F-friend?..."

"Pwede bang tantanan mo na ako?" Pumikit ako at binitawan siya, "Utang na loob." Sabi ko at saka binuksan ang pinto ng kotse ko pero pinigilan niya ako, "Dan.. Hindi mo ba ako b-bigyan ng chance?"

One more Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon