He's Not J

53 9 0
                                    



Para sa kasiyahan ko, o para sa kakasaya nila? Putragis naman, Janice! Bakit ka ba ganyan? Ganito na lang ba palagi?— Ganon na ba ako kababa para piliin ang gugustuhin nila kesa sa talagang kagustuhan ko? Di ko rin maitindihan, eh.


Pakiexplain, labyu.


"Janny, kanina ka pa tulala sa kawalan dyan, alam mo naman your friend need attention too, you know." Nakapout naman 'tong si Cassie sa akin, lumihis naman ako ng tingin.

"Alam mo, ilang beses ko na 'tong nasasabi sa'yo pero sa una pa lang, gusto ko ng low maintenance friend." Hinihimas ko pa yung ulo niya ng marahan pero tinaboy niya naman yung kamay ko.

"Aray, beb! Kulang na lang kalmutin mo ako!" Napahimas ako kaagad sa kamay ko, may pagkapusa rin 'tong babaeng 'to kahit kelan.


"Ayan! Marunong ka rin pala masaktan! Akala ko namanhid ka na sa pagkamartyr mo dyan sa mga kasama mo palagi!"

"Aray ha! Eh... Kasi naman. Ibang strand ka pa, di tuloy tayo nagkakausap." Sabi ko pabalik. I'm just laying out reasons for her, pero sadyang mas magaling sa comebacks 'tong babaeng 'to. Why is this wench so witty anyways? Geez.

But what I love about her is that she's soft as well. Mukha namang pinagbigyan niya ako dahil may pagkabait naman yung mga sunod niyang sinabi. Mga slight lang naman.

"Ulol, alam mo naman I can make time for you. Ikaw dito yung distant, eh." She sipped from her coffee. Wow, tagos ha.

Buti na lang talaga at tahimik lang dito sa café na 'to. Minsan lang rin naman puntahan 'tong place na 'to since medyo tago.

Nahampas ko naman siya ng wala sa oras. "Ambakla mo!"

Guys, this is how we flirt with each other, okay? Feel the love~

"Mas bakla ka para sa akin!"

"Bakla ka rin sa akin!"

"Aish, can we profess our love for each other another day?" She broke out in a short laugh for a moment there but she fixed herself in her seat, looking across me. She weaved her fingers together. "Anuna beh? Pinagtutulakan ka na naman ba kay Gino na yun?"

Napakunot naman ako ng kilay duon, parang yun lang yung nagput off sa akin, ha. Aish. I don't want to entertain those thoughts.

"Hay, Cassie... Pwede ba 'wag na natin pag-usapan yun?" Mahina kong sabi, bigla naman naging interesting yung lalagyanan ng tissue sa gitna namin. Kumapit naman siya bigla sa kamay ko. "Ayan, dyan ka magaling! Dapat nga pagusapan mo yan. I know how much you are supressing your love for Jio. You have to vent it out."

Biglang nanikip dibdib ko sa pagkarinig ng pangalan na yun. It's been a while since I heard that name, or even dared of talking about it.


I breathed in for a moment, but it didn't do anything better on how my heart sank at the bothersome thoughts.

"How about I give it a break? Mas boto naman talaga sila kay Gino kesa sa lalaking yun, eh. Might as well side on them." The words tasted bitter against my lips.

But that's just the truth.

"Sinasabi ko na sa'yo! Ginagawa mo nang walking doormat ang sarili mo!"

Alam kong kulang na lang gusto na akong hambalusin ni Cassie sa inis. Sa tono pa lang ng pagdadakdak niya. But she could only look at me with pity.

He's Not J || w.jh ✓Where stories live. Discover now