Jio 🌙's
Nakakapanibago nga lang yung vibe ng campus yung bagong transfer pa lang ako. Nagpasalamat lang talaga ako dahil may kakilala akong kaibigan nang makalipat ako, at siya ang naging tour guide ko rin dito. Si Darren yun, we call him Ren for short. Siya rin yung nagsilbing daan para mapalapit pa ako lalo sa pagsasayaw and performing. Minsan kailangan mo rin ng konting push at kasamang 'sing passionate mo.
Kaya rin nung mga oras na yun, pagtapos ng performance namin, dun ko napagtanto na iba na yung tingin ko kay Janice.
Mostly kasi nagkakabunggo na kami bago pa nun at malapit yung class section namin sa isa't isa. Kaya di talaga maiiwasan na di ipagtagpo ang landas namin. Nagkausap rin kami sa kadahilanan na pinagsama yung sections namin para sa isang in-campus activity, at napagsama kami sa iisang grupo. Sa saglitan na meeting rin kasi na yun, natuwa lang rin kami sa mga naging topic namin at marami pala kaming similarities ni Janice. And we frequently talked from that point since.
Pero di ko lang talaga malimutan yung araw ng performance namin na yun. Kasama niya yung ibang kaibigan niya at napansin ko kaagad na kasama niya yung isa sa seniors at club coordinator, si Gino.
Madalas talaga kinakataka ko kung bakit ako kinukumpara sa kanya, naalala rin daw nila si Gino kapag nakikita nila ako, na papasa akong kapatid niya. May pagkahawig rin daw ako sa kanya, but I don't really get it?
I'm honored, really! – Isa siya sa kilalang senior dito sa campus, but I'm just me!
I'm just Jio.
Nakakadown lang rin isipin na nilalapitan nila ako for that reason, na makilala dahil 'carbon copy' ako ni Gino. Haha... Di ko rin alam.
It's harsh, pero di ko na rin alam. So I tried to brush it aside.
Inakala ko nga rin na ganun din si Janice, di ko naman nilahat, but she saw me differently. She never treated me like I was anyone 'like him', and she accepted me, for me.
Oo, madalas na kaming nagkakausap. Masasabi ko na rin na kaibigan ko siya. Sa tagal rin naman ng mga naging interaction namin. Pero nang mapansin ko yung mga bagay na 'to sa kanya— simula nung marealize na napapansin ko na siya.
I find myself staring at her for a bit too long since.
+ + +
Pinalabas na lang rin muna kami ng Class President namin dahil rin sa utos ng nakakataas. Joke— pinapapila na rin kasi kami para sa pagpunta sa auditorium. Isa rin kasi yung class namin sa sinama ng teacher namin para sa pagaayos ng isang event, kasama na rin yung section nila Janice.
Inaakala ko nga na kami na lang hinihintay dun kasi sa kabagalan ng section namin. Pero may nakita naman akong babaeng nakabrace at maiksing buhok na nakasilip sa pinto ng kabilang section.
Malapit pa man din akong nakaantabay sa kabilang section kaya ata ako nilapitan ni Ate, nagtanong naman siya. "Kilala mo diba si Janny?"
"Si Janice Espero?"
Tumango siya. "Nauna na ba siya?"
"Hindi ko alam, eh. Pero may teacher pa ata sila." Yun na lang nasabi ko at sumilip na rin sa pinto para icheck. Napabusangot na lang tuloy siya. "'Wag mo na lang sabihin na naparito ako, ha."
YOU ARE READING
He's Not J || w.jh ✓
Short StoryAno ba kasing wala ka na siya palagi ang mas pinipili nila para sa akin? Hindi pa ba sapat yung pinapakita kong pagmamahal sa'yo para sabihin na ikaw talaga? // taglish + svt ff ♡ | ©tofuhoon