"Reginald, mag-start na tayo in 5mins. Nasan na ba yung mga bandmate's mo?!!!" Ano ba namang klaseng practice to'. Ang call-time ay 7:00 am. Tumingin ako saaking orasan. Alas otso na ng umaga. Nasan na ba kasi ang mga kagrupo nito? Isang oras na ang lumipas sa napagusapan wala parin. Gosh! Hindi pa naman ako sanay sa ganoon. Ako yung tipo ng tao na on-time or advance ng ilang minuto sa pinag-usapang oras. Mahalaga kasi ang oras. Ang dahilan? Basta. Mahirap ipaliwanag.
Kahit naiirita ay nag-ayos nalang ako ng mga gagamiting props para sa music video. Yes, may music video kasi na gagawin ng kanilang banda. Kaya naman kinontrata ako nitong si Reginald na mag-assist sakanila. At dahil summer,wala rin naman akong klase sa balley class ko pumayag na ako. Pumayag man kasi ako o hindi, ipipilit parin nito na isama ako. Hindi man assistant ng bandmates nya. Pero personal assistant nya.
Nakita ko na napangiwi siya ng dahil narinig nito ang buo niyang pangalan. Ganyan talaga siya kapag tinatawag kong 'Reginald'.
"Bakit ba gustong-gusto mo akong tinatawag sa buo kong pangalan? Pwede namang Regi nalang or better yet Rej..." sabi niya ng makalapit saakin.
"I've been calling you REGINALD for 10 years...Wag ka nga magreact dyan na parang hindi ka sanay na tawagin ko sa buo mong pangalan."
Nakapameywang kong sabi sakanya. Ang tagal ko na kaya syang tinatawag na Reginald pero kung makapg react padin e wagas.
Nakita ko naman namang napabuntong hininga sya.
Deep inside ay napangiti ako. Alam kasi nito na hindi siya mananalo sa pakikipagtalo saakin.
"Sabagay, parang endearment nadin naman ang dating ng pangalan ko kapag ikaw ang bumabanggit."
I just smiled at him. Saka muling inayos yung mga props.
Ayan si Reginald Hidalgo-ang oh-so-hotty at looking handsome as always kong best friend na ayaw na ayaw na tinatawag sa buo niyang pangalan. Hindi niya kasi gusto ang buong pangalan dahil ang bantot daw pakinggan. Kung tutuusin napaka-ganda nga ng pangalan nito kumpara sa pangalan ko.
"Akala mo siguro kasali ka sa isang telenovela kapag binabanggit ang mabantot kong pangalan no? Calum?"
You hear it right? Yeah, yeah, yeah Calum is my name. I don't know where did my parents got that name. At wala rin naman akong balak na alamin pa kung saan galing. Kung anung ayaw ni Reginald sa pangalan niya... ay siya namang ayaw ko sa pangalang ko. Funny, right? Oh, well let's go back to the business.
"Medyo..." sabi ko.
Mas gusto ko kasi na tawagin siyang 'Reginald' kaysa sa mga nicknames niya. Marami na kasing tumatawag sakanya ng 'Rej' samantalang ako lang ang bukod tanging tumatawag sa buo niyang pangalan. Mas kakaiba. Mas ganda. Hindi kasi uso sakin ang mga endearment na bessy, best, bespren, etc.
Kahit nakatalikod ay alam kong nag-pout siya. Sa tagal ba naman naming magkaibigan...nasaulo ko na ang mga facial expressions niya.
Humarap ako sakanya. At hindi nga ako nagkamali ng makita ang mukha niya.
Mannerism na talaga nito ang pag-pout. Siya nga lang ang kilala kong lalaki na nagpa-pout ng ganoon pero cute paring tingnan.
"Wag ka ngang mag pout, Reginald. Ang pangit mo!" Pabiro kong sabi para maitago kong naku-cute-tan ako sakanya.
Namilog naman ang mapupungay na mata niya.
"Ako pangit?" Itinuro pa niya ang sarili. "Saan namang banda ha, Calum?"
BINABASA MO ANG
Skater Boy
Short StoryThey say, every girl needs a guy best friend... a guy best friend who will be there for you no matter what. a guy best friend can hang out with all the time. a guy best friend who can talk with 24/7. a guy best friend who can make you laugh and smil...