🎗Chapter 27🎗

60.6K 2.4K 255
                                    

Snow's POV

"It's starting already but I did not expect it would be this soon." Tiim bagang na saad ni Headmaster sa amin. Nandito lang naman kami ngayon sa kanyang office para i-report ang mga nangyari sa gubat.

"I don't think so Headmaster. It feels like, he only gave us time." Naisaad ko. Kung iisipin at dahil kilala ko si Clandestine, how did I believe na hindi niya mapapansin ang clone na iniwan ko? Nakalimutan ko na ba kung sino siya? It is so stupid of me at sobrang taas ng confidence ko na hindi niya malalaman na fake yun. Crap, I forgot he is that good, pero bakit hindi kaagad siya gumawa ng hakbang?

"Wala pa naman reports na mga atake o insidente dahil sa mga demons. This is the first and they just easily entered the vicinity." Nagtiim bagang ulit ito dahil sa katotohanang yun. Parang binabalewala na lang ng mga demon ang barrier and it is a big slap to our faces.

"They're immune maybe." Saad naman ni Avis na ngayon ay hindi makuhang magbiro.

"It's not possible. Maybe they already found a way to break in easily." Saad naman ni Violet.

"But still, one demon can handle?" Naitanong ko. Kahit pa isipin yun ay parang imposible pa rin magawa yun ng isang demon lang. Mas maniniwala ako kung grupo silang umatake. But only one demon, ano sila? Pinapamukha ba nila kung gaano sila kalakas? They even sent a weak demon na puro sat-sat lang naman ang alam.

"Headmaster!" Biglang may pumasok sa office nito na nakadamit na pangkawal. Kaya nagtataka akong napalingon rito at hingal na hingal ito at namumutla pa. "The city is under attack! There are many casualties." Mabilis na saad nito.

Lahat kami ay parang napako sa kinatatayuan namin. Ano daw? Isang atake?

"T-teka, sigurado ka?" Naguluhang tanong ko rito. Bakit ang sentro? Malakas ang pakiramdam ko na kung aatake man si Clad ay derecho ito sa academy kung nasaan ako.

"Y-yes, my lady. Yung totoo, lahat ng syudad, kabilang na ang pinamumunuan ng pamilya niyo mga kamahalan." Sagot nito at tumingin ito sa iba pang kasama ko.

"What?!" Sabay na sigaw ng apat.

"Opo. Nagsimula na ang gyera." Sagot nito at pawis na pawis na ito ngayon.

"We must go!" Biglang saad naman ni Yuan sa amin na ngayon ay bumadha ang pagkagulat sa mukha nito.

Bastang iniwan na lang namin si Headmaster. Yung totoo hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sabay sabay na inaatake ang lahat ng syudad. Ano ang gagawin ko? Kung maghiwahiwalay kami, mas lalong mahihirapan kami.

"Jin! Split the army to each city!" Biglang utos ni Yuan habang nagmamadali kaming naglakad.

"It's done." Mabilis na sagot nito.

Done? Ang bilis naman ata. Hindi ko man lang napansin kung paanong ginawa nito yun. Nag GM kaya ito? Like duh, hindi niya ugali yun nasisiguro ko, pero kung paano niya ginawa yun ay siya lang ang nakakaalam.

"Good. Let's go down to the city." Utos ult ni Yuan sa amin.

"T-teka, saan kayo pupunta?" Biglang tanong ni Yuki na hindi namin napansin na nakasalubong na pala namin. "Bes? Bakit ganyan ang mga itsura niyo?" Nagtatakang tanong pa nito.

Ano ba ang itsura namin? 🙄 napaisip ako dun pero hindi na mahalaga pa dahil mas importante ang gagawin namin.

"Yuki, you need to evacuate the vicinity. Lahat ng estudyante lilipat sa palasyo." Biglang saad naman ni Luna na seryosong seryoso na.

"Huh? B-bakit?" Kinabahang tanong nito. Pakiramdam ko ay may ideya na ito kung ano pero kailangan lang nito ng kompirmasyon.

"The war has started. Everything is in chaos." Sagot ni Violet. "We need to go."

DARK ||Universe of Four Gods Series|| Book 4 (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon