EPILOGUE

13K 153 34
                                    


Hindi nga nagkakamali si Alexander sa binigay niyang oras kanina ng dating namin, pagbaba na pagbaba nang eroplano ay mabilis kaming kumilos. Ilang minuto nga lang ang makalipas matapos namin makuha ang baggahe niya ay agad na namin nakita ang aming mga sarili sa loob ng isang TAXI.

"I'm gonna get you back Mahalia, okay? Huwag kang lalabas ng kwarto kahit anong mangyari. Call me if you need anything." 

Tumango na lamang ako sa lahat ng paalala ni Alexander at maya-maya pa ay huminto na ang TAXI sa isang Hotel na sobrang lapit lang doon sa Airport, mabuti na lang ay nagpa-reserve na si Alexander sa online pa lamang kaya mabilis rin namin agad nakuha ang susi ng kwarto, matapos iyon ay sinamahan niya ako sa pang-limang palapag kung saan daw muna ako habang nakikipag-usap pa siya sa tatay niya.

"I put Alias and James number in your phone... kung sakali man, kung sakaling mang may mangyari na wala sa plano at hindi ako makabalik sa oras call them 'kay?" Mabilis na sabi ni Alexander pagpasok na pagpasok pa lang namin sa kwarto.

Napapikit ako ng madiin upang hindi lumabas ang mga luha ko, mabuti na lamang at nakatalikod ako kaya hindi ako nakikita ni Alexander na nagpipigil hindi lumuha.

Bakit ba napaka-negatibo ko? Bakit ba pagtapak pa lang namin sa Pilipinas ay nararamdaman ko nang may masamang mangyayari? Bakit iniisip ko na katapusan na ito?

"Mahalia look at me please," Pagmamakaawa ni Alexander at rinig ko din doon ang pagmamadali niya. "I can't leave if you're like this... please?" Sandali kong pinunasan ang mga luha kong na'sa pisngi ko na pala at siyaka doon pa lang hinarap si Alexander, mabilis akong tumakbo mabilis dito at niyakap siya.

Mahigpit ko itong niyakap at mabilis na hinalikan sa labi. Habang pinapakita namin ang pagmamahalan sa isa't-isa gamit ang aming mga labi ay tumaas ang kamay ni Alexander sa pisngi ko upang punasan doon ang mga luha ko. "I love you." Nagawa niya pang sabihin kahit na ba naghahalikan kami.

Kung hindi lang nakontrol ni Alexander ang sarili niya ay malamang baka hindi na kami humintong dalawa. "I love you," Ulit niya kaya tumango na lang ako dahil hindi ko magawang magsalita at napupuno ng luha ang aking mga mata. "Don't worry...I'll be fine, we will be fine alright? Babalik ako dito ng buo... babalik ako dito at papakasalan na kita agad, okay?" Mabilis akong tumango sa sinabi nito upang umalis na siya dahil alam kong nagmamadali na talaga siya.

Kahit tila nagdadalawang isip pa si Alexander nang na'sa pinto na siya ay tumango na lamang ako upang matulungan ito na pagaanin ang pakiramdam niya.

Kahit na ang bigat-bigat ng sa akin.

Sandali siyang ngumiti sa akin at mabilis na ring lumabas ng pintuan.

Paano niya pa nakakayang ngumiti ng ganiyan?





******




Ilang araw na ba ang nakalipas? 

Ilang araw pa ba ako magtatago at maghihintay dito?

Napapikit ako ng madiin sa sakit ng mata ko, simula ng umalis si Alexander ay hindi pa ako nakakatulog ng maaayos, hindi ito sumasagot sa cellphone niya kaya puro titig na lamang ako sa mahigang kwaderno baka sakali, naghihimalang umaasa na baka mabanggit ako sa kahit na anong usapan nila ng tatay niya at malaman ko ang tunay na nangyayari.

That Probinsiyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon