Lafferty Quiroz POV
~~Kringgggggggg kringgggggggg
"Hayyyyyyyy umaga nanaman!"yeah umaga nanaman, simula nanaman ng kalbaryo ng buhay kong magulo."Anong oras na ba?" pagtatanong ko sa sarili ko kahit alam kong ako lang naman ang sasagot. Hay, life! Ang hirap mag-isa.
"Hala! 6:30 na pala! Napasarap yata yung tulog ko! Di pa ako nakakapagluto ng pagkain eh!" sigaw ko, kasi talagang ma l-late na ako eh. Thirty minutes na lang first period ko na.
Nagmadali na akong pumasok sa CR para makaligo tsaka makapaghanda sa pag pasok ko sa school.
Anyways, habang naghahanda ikukwento ko muna yung madrama kong buhay. Naks, ang drama ng buhay ko noh? Haha. Hi readers ako toh! Hindi 'nyo ko kilala noh??? Malamang hindi ko pa sinasabi pangalan ko eh! Haha, corny ko. So ito na nga pagpapatuloy ko na yung madramang itroduction ng buhay ko. 'Lelz, napaka daming alam author eh, dali na mal-late na ako!' 'KJ mo maligo ka na lang!' Ito na talaga promise.
Hi! Ako nga pala si Lafferty Quiroz. Pinaka matalinong dilag ng Valenzuela, uh uh not Venezuela but Valenzuela,yeah Valenzuela. 18 years old, nag-aaral sa Devillion University. Take note UNIVERSITY! kasi ang meaning ng 'university' sa akin eh malaking paaralan, na tanging mayayaman lamang ang nakakapasok. Yung tipo na yung mga katulad 'kong mahihirap eh hindi talaga makakapasok sa school na yan. Pero dahil matalino nga ako, nakapasok ako jan. Scholar siyempre! Wala akong pera pambayad sa ganyang school eh.
So yun sa University nga ako nag-aaral hindi ko pa naranasan makapasok sa gan'ong school, since birth. Kasi 'nung elementary ako laging public school lang yung pinapasukan ko kasi nga wala nga akong pera. Buti nga nakakapag-aral pa ako ngayon eh. Kahit hirap, gusto ko pa rin makapagtapos, para may maganda akong trabaho sa future.
At kung tatanungin nyo naman ako tungkol sa mga magulang ko. Wala na sila. They passed away when I was a kid. My auntie said they died because of the car accident. Mayaman talaga kami dati, sa private school nga ako ng aral ng kinder eh. Tapos nung one time, papunta sila sa meeting about work yun. Tapos nawalan daw ng break yung car, kaya they crushed at the tree.
Malungkot magisa, pero kinakaya. May fund na naiwan sila daddy sa banko pero paubos na siya para sa araw-araw kong gastusin. Siguro kung ang laman 'nun dati eh ₱6.2 million, ngayon ₱500,000 na lang. Paubos na 'sya kaya nagtitipid na ako ng bonggang bongga. Sumasideline na nga ako sa paghuhugas ng plato sa mga karinderya eh, para hindi ko na mawidraw yung mga natitirang pera sa bangko.
Baka kasi one time kailanganin ko ng malaking pera wala akong magagamit.
Oo may mga tito at tita ako na willing naman na tulungan ako. Pero ayokong umasa lang sa kanila. Kung maari, habang maaga, matuto na akong tumayo sa sarili kong mga paa at ayaw ko ng umasa pa sa iba.
Ang drama nang buhay ko noh? Kase 'That's life'.
Hayst masyado na yata akong nakakapagkwento tungkol sa sarili ko kaya five minutes na lang mag iistart na yung first period ko. Kaya ito ako ngayon lakad takbo ang ginagawa. Grabe first day na first day late ako. Ba't ba kasi 6:30 tumunog yung alarm clock ko eh.
Three minutes na lang, mag-iistart na. Tumatakbo na ako ng bonggang bongga, sana umabot ako. Kahit late basta makapasok lang.
May humintong kotse sa tabi ko kaya napahinto na rin ako. Hala! Sino to?
"Ahm miss sa Devillion University ka rin ba nag-aaral?" tanong nitong dyosang babae na nasa harap ko.
"Ahmm oo eh, paano mo nalaman?" ang ganda niya talaga sh*t. Nahiya yung ganda ko sa dyosa 'nyang mukha ah.
BINABASA MO ANG
Living In This World Full Of LIE's
Ficção AdolescenteDati isa lamang 'syang simpleng babae na nangangarap na makuha ang isang lalake na pinakapinangarap nya simula pagpasok nya sa isang sikat na paaralan. Yung lalakeng hindi nya inaasahan na magugustuhan nya. Hindi siya kagandahan, Oo. Pero may angk...