Krissalyn's PoV:
"Inom tayo Angel!"
"Inom? Magpapakalasing ka na naman?. Sabihin mo nga! Anu bang nangyari?" Tiningnan ko lang siya. Naaalala ko naman ang nangyari kanina!. Badtrip! Pero hindi yun yun ehh
"Binasted ako ni Mark!"
Pakk!
At nakatanggap na naman ako ng major batok galing sa kanya!
"Alam mo kababae mong tao ikaw pa tong nanliligaw ehh. Wala ka bang bahid ng dugo kahit katiting lang ni Maria Clara?"Maria Clara? Matagal naman nang patay yun ehh kaya hindi na uso yung mga galawan niya noon...
"Patay na si Maria Clara! Tss kung ayaw mo edi ako nalang kaya ko naman ehh. Bahala ka diyan!" At tumayo nako.. Hehe alam ko namang hindi ako matitiis niyan ehh sasama parin yan..
"Sige na nga! Basta sa garden niyo lang tayo ahh.. sa susunod na tayo mag bar!"
"Okay" Marami naman akong red horse in can diyan ehh at tyaka wala naman dito yung parents ko nasa business trip sila..
Matapos kong ipalagay ang sampung redhorse in can samga maid ay inayos ko na din ang uupuan namin
"Hoy!! Angel! Bilisan mo nga diyan ang tagal mo ehh kanina pa handa ang mga beer dito!"
"Oo bababa na!"
Nasa bahay ko kami pero may sariling kwarto si Angel dito, ganun din ako sa kanila. But here's a fact guys.. Mag kapit bahay lang naman kami!! Hahaha!
"Oh! Simulan na natin toh! Matagal na din simula ng huling inom natin!"- Angel
"Oo nga ehh"
Natahimik kami pagkatapos nun. Wala naman akong importanteng sasabihin ehh at tyaka hindi akward ang pagkaka-tahimik sa paligid maganda pa nga ehh..
"Teka nga bakit ba tayo umiinom?"
Tiningnan ko lang siya. Ang ganda talaga ni Angel. Angelica Lopes in real name. At ako? My name is Krissalyn Martinez. Pareho kaming 17 at grade 12 ABM-B na kami sa Blisard University..
"Uyy! Hindi mo pa kaya sinasagot yung tanong ko! Ba't tayo umiinom ngayon?"
Sasabihin ko sana na tungkol toh sa nambasted sakin pero kilala ko tuh.. Alam nito kung nag sisinungaling ako o hindi. Hayy. Napailing nalang ako. Wala akong choice kundi sabihin sa kanya ang masamang balita.. Nakisakay lang naman siya kanina ehh
"Dad just file an annulment papers, Angel. At ilang days nalang pipirmahan na yun ni Mom" sabi ko sabay lingon sa taas. Ayokong umiyak ngayon. Not here, not now
"I thought magiging ok sila kasi mag kasama sila sa Hongkong ngayon, but it seems like that I'm expecting the wrong idea. Mas malala pa pala sa simpleng away nila ang mangyayari. I just c-can't believe that Dad will do that" at tuluyan nang kumawala ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan..
"Maybe there just not meant for each other, Krissa! But still I'm just right here! I will not leave you"
Yeah she's right.. My bestfriend won't leave me.
Kinabukasan
Pag bukas ko ng mga mata ko ay ang una kong tiningnan ay ang alarm clock. At sh*t 37 minutes nalang at magsta-start na ang first class namin
Dali-dali akong bumangon at pumunta ng banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo eh lumabas nako ng kwarto. Nakita ko si Angel sa kusina habang pababa ako kumakain na siya. Hinay-hinay akong lumapit sa kanya at pag dating ko sa likod niya ay binatukan ko siya. Muntik pa siyang mabulunan nun actually na bulunan na nga siya ehh
"*cough*cough* T-tubig *cough*"
Tinawanan ko lang siya nasa kanan niya man lang kasi ang baso na may tubig...
"*gulp* Walangya ka! Sino ka para batukan ako? Hindi mo ko pinapakain kaya wala kang karapatan na batukan ako!!"sigaw niya sakin
"Ahh so kaninong pagkain yang kinakain mo aber? Walanjo! At tyaka ba't di mo pala ako ginising?! Alam mo namang malapit ng magstart yung first class natin diba?"
"Wag kang mag alala, Krissa. Parehas lang naman tayo ehh. Hahaha! Ngayon ngayon nga lang ako na gising!"
Binilisan namin kumain at pagkatapos ay nag-ayos na kami at pumunta na kaming eskwelahan..
"Uyy Krissa! Bilisan mo diyan pwede ba? Male-late na tayo niyan ehh"
Actually late na kami pero ewan ko ba parang chill chill lang ako feeling ko kasi walang klase -_-
Hinihila nako ni Angel ng marinig namin ang first warning bell tumatakbo na din kami. Medyo hindi ako mabilis tumakbo kasi ang bigat ng bag ko at may hawak pa kong notebook ko.At dahil masyadong mabilis ang pag takbo niya nalaglag ang assign ko na naka-ipit sa notebook na bitbit ko. Kinuha ko yun at hindi pako nakaka lingon sa harap ay may nakabangga ako
Bogshh!
At dahil nga hindi pako nakakatayo ng maayos ay malakas ang impact sakin nun. Napa-upo ako sa sahig. Dali-dali din naman akong tumayo at pinagpag ang pants na uniform namin. Tiningnan ko ang lalaki (base sa sapatos niya)
Oh! M! Ang gwapo niya!! Pero no!no! Binangga niya ako kaya walangya siya!! Tama! Tama! Walangya siya!..
"Hindi ka man lang ba mag so-sorry?" Tiningnan lang niya ako.
"*sigh* sorry nag mamadali lang" tapos ay dumiretso na siya ng lakad
Hayy ang gwapo niya! Kahit sang anggulo mo talaga tignan ay malalaman mong tama ako!. Sayang at sinungitan ko siya,. Mukha pa namang suplado tapos akala ko iis-snob lang ako pero HINDI!!, weird! Ba't sa mga love story, dramas at books minsan suplado yung lalaki...
🎶 Ikaw na ba si Mr. Right? Ikaw na ba love of my life? Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?🎶
Putspa! San galing yung background music? Tugmang tugma ahh... Pero feeling ko talaga may nag vi-vibrate sa bulsa ko ehh. Kinapkap ko yung bulsa ko at nakitang may tumatawag
Angelbeastprend
Answer<––– –––> declinedSinagot ko yung tawag at ang bumungad sakin?.
"Hoy!!! Bruha ka! Nasan ka naman nag susuot at wala ka pa rin dito? Nag sta-start na ang klase!!"
"Sorry naman ehh no? Kasalanan ko ba? Nilaglag mo kaya ang assignment ko sa Practical Research na naka-ipit sa notebook na bitbit ko"
"Whatevah! Bilisan mo na dyan!. Kanina pa andito si Sir Kalbo"
Medyo natawa ako sa tawag niya sa terror na baklang kalbo naming teacher. Inend call ko na pagkatapos nun at nagmadaling pumunta sa room
BINABASA MO ANG
An Option
Teen FictionBeing someone's second choice is like you're standing in a cliff that for you're every wrong move you'll get hurt..... The worst part is.... What if you fall in love in this kind of person?... A person who will just come to you if he never had any...