•Special Chapter•

77 12 0
                                    

Special Chapter

"Hoy, mga bata! Bumaba na kayo d'yan at tigil-tigilan n'yo nga ang pag-aasaran ninyo! Magsikain na kayo! Aish." natatawang saway ni Marianne sa mga anak.

Buhat-buhat ni Aaron sa likod ang anak na si Aryana. At nakapout doon sa upuan ay si Arvino.

"Hahaha! Ang panget mo! Mukha kang kabayo! Hahaha!" tawang-tawang lait ni Aryana kay Arvino. "Eh ikaw naman mukhang takas sa mental! Hahahaha!" tawang-tawa ring asar ni Arvino sa kakambal.

"Heh! Tigil! Magkambal kayo, kaya kung si Aryana, mukhang kabayo, ganun ka din, Arvino. Kaya magkamukha kayo kahit anong mangyari. Pfft. Ako pa rin ang gwapo. At kahit anong mangyari, panget pa rin kayo. Hahahah--aray!" daing ng ama na si Aaron. Tumama kasi sa kanya ang isang unan na sinundan ng marami pa.

Ang dalawang kambal? Hinampas nila ang kawawang si Aaron. Tawa rin ng tawa ang asawa niyang si Marianne.

"Hahaha, ang yabang mo kasi, sweetheart. Sa'kin nagmana 'yang dalawang batang 'yan, kaya, ang gwapo at ganda. Diba kids?" nakangiting malambing na tanong ni Marianne. "Opo!" Tugon ng mga bata.

Sinamaan nila ng tingin si Aaron kaya muling tumawa si Marianne.

--

Maya-maya pa, nagdasal na sila bago pa kumain. Nang natapos, mabilis na nagkuhaan ang kambal ng gustong-gustong ulam nila.

Kinain nila ito na parang hindi nakakain ng mahabang panahon. Napailing nalang ang mag-asawa.

Matapos ay naglaro muli silang kambal sa salas nang lahat sila ay natapos nang kumain.

Si Marianne ay naghugas na ng pinagkainan samantalang si Aaron ang nag-ayos ng pinagkainan nila.

Masaya silang pamilya at isa silang negosyante. Maunlad ang buhay nila.

--

Dumaan na ang tahimik at malamig na gabi.

Kasalukuyan nilang pinapatulog ang mg maliliit na bata. Nagkwento si Aaron ng isang 'di malilimutang kwento sa mga bata.

"Heto.. May isang prinsesa na sikat sa kanyang kaharian. Hinahangaan siya. Matalino kasi siyang babae. Nang 'di naglaon ay nakilala niya ang isang lalaking kinainisan niya." Huminto si Aaron at sumulyap sa reaksyon ng mga bata at ni Marianne.

The kids are all attentively listening while Marianne's just there, smiling at them. Amazed how things are happening.

"Matagal din bago sila naging matalik na magkaibigan dahil lang sa kagagawan ng ice cream na binili ng kinaiinisan niya na galing sa palasyo. Dumaan ang mga pagsubok pero, matibay ang pagkakaibigan nila. Isang araw, dumating ang kaarawan ng prinsesa." Huminto muli si Aaron at nag-action pa.

"Sinorpresa siya ng kanyang kaibigan! Dumating din ang araw nang sila ay nadakip. Pero nakaligtas siya. At iniligtas siya ng kanyang kaibigan." Kwento ni Aaron ngunit nag-'ehem' si Marianne. "Iniligtas ng isa pang kaibigan." Pagtatama ni Marianne na ikinasimangot ng asawa.

Muling nagpatuloy sa pagkukwento ang ama. "Nang lumaon naman, nagmahalan na sila at nagbahagi ng nararamdaman para sa isa't isa. Maraming naging hadlang sa kanilang pagsasama pero iyon ay kanilang nalagpasan. Masaya sila. Matagal ang lumipas at ang pinakahihintay na araw ay dumating na rin sa wakas. Silang dalawa ay ikinasal. Nagkaroon ng mainit na gabi--aray!" Napahinto si Aaron nang hinampas siya ni Marianne. "'Wag ang gabi." Babala nito at nagpatuloy si Aaron.

"At, tulad natin, nagkaroon ang babae at lalaki ng dalawang anak. Kambal ang mga 'yun! At ang ipinangalan sa kambal ay panget at bungi--" napatigil sa pagkukwento si Aaron nang magtanong ang kambal.

"Bakit panget? At bungi?" nagtatakhang tanong ni Arvino. Sumang-ayon din sa tanong si Aryana.

"Wala eh. 'Yun ang kwento. Heh! Tahimik. Pfft. Kaya, naging sobrang kulit ng kambal. Lumaki silang walang nanliligaw hanggang 50. Bawal kasi silang magkaroon ng asawa hanggang 50---!" natigil sa pagsasalita si Aaron nang hinampas siya ng luhaang sina Aryana ar Arvino.

"Huhuhu, bakit 'yung kambal bawal mag-asawa hanggang 50? Saklap naman! Edi ibig sabihin.. Ganun din kami? Sinong mag-aalaga sa amin?! Huwaaa, huhuhu.." naiiyak na sabi nina Arvino at Aryana.

"Tss.. Drama.." natatawang sabi ni Aaron. Niyakap sila ng mga magulang.

"Eh, nako.. Paano ba 'yan.. Bawal pala kayong dalawa mag-asawa hanggang 50. Tsk tsk. Hahaha!" 'di napigilang matawa ni Aaron at Marianne. Pinatahan nila ang mga ito na tuluyan na palang nakatulog.

Napangiti ang mag-asawa at nagpunta sa may balkonahe nila. Tinitigan nila ang maliwanag na bilog na buwan sa kalangitan at ang mga kumikinang na mga bituin sa langit. Masaya ang dalawa dahil nalalampasan nila ang mga problemang kumakaharap sa kanilang landas.

"Parang kailan lang nung hinalikan kita sa park noong bilog din ang buwan-- Aray! Ano ba? Kanina ka pa namimitik ng noo eh." natatawang reklamo ni Aaron sa asawa.

"Adik ka talaga." nakangiting puna ni Marianne. "Oo. Adik sa'yo." nakangising tugon ni Aaron sa asawa.

"Yuck! Corny! Eww! Kadiri! Pwe! Itigil n'yo yan, Mommy at Daddy! 'Di namin kaya nina Aryana! Please, kadirdir!" diring-diri na reklamo ni Arvino. Si Aryana naman ay napatakip ng tenga dahil 'di na kinaya ang pagiging sweet ng mag-asawa.

"Hahaha, I love you, sweetheart. Hahaha goodnight din.. Hahaha!" tawang-tawa na pagsasabi ni Marianne. At hinalikan ito sa pisngi. Takip ng mata at reklamo ang maririnig sa mga bata.

Tawa naman ng tawa ang magkasintahan.

"Hays, matulog na kasi kayo! Itigil n'yo na ang pakikinig sa mga matatanda! Hahaha, goodnight ugly heads hahaha!" natatawang paalam ni Aaron sa mga bata.

Masayang-masaya ang dalawa sa kanilang pamilya.

Jack: Bro, bukas na ang reunion nating lahat ah? Punta kayo ni Marianne.

Binuksan ni Aaron ang phone at ipinakita iyon kay Marianne.

Aaron: Syempre nman. Punta kmi jan tom. Expect mo ko jan. See yah tom.

Jack: Kahit kelan tipid ka talaga sa letters. Hahaha

Aaron: Yeh whatevs.. Ingat bro

Jack: Hahaha bye bye RonRon haha IMY. TC. BRB. See you tom panget. Labyu daw sabi ni Marco hahaha

Aaron: Baliw ka tlaga haha adik

Jack: Geh bro IMY hahaha

Aaron: Eww hahhaa hoy magkikita tau bkas noh

Jack: Yeh ik geh

Aaron: K.

Jack: Heh! K-zoned awts.

Natawa si Aaron sa huling text na nabasa.

"Get ready for tomorrow, sweetheart. I love you." he said while hugging her wife. He kissed her on her forehead.

"You're still beautiful like the last time I saw you." sabi pa ni Aaron na nagpangiti sa asawa.

"I love you too, Aaron ko. I love you so much sweetheart."

"I love you too, sweetheart. Sleep tight. Sweet dreams about me." he said and winked.

"Of course. I will. Sleep tight too. See yah tomorrow. Wake up early okay? Dream of me, sweetheart."

They smiled sweetly at each other.

And slept all night. Tightly, and happily.

**END**

Love you all, readers! Thank you for reading!

-heartalicien-

The Heartbroken Princess|✓Where stories live. Discover now