Chapter 4: JesPrin

103 5 2
                                    


=x=x=x PRINCE x=x=x=

Tinigilan ko na ang pagsunod sa kanila. Wala naman din akong mapapala kundi selos.

Napahawak ako sa dibdib ko. Napapikit ako sa sakit "Aray!" literal na kumikirot ang puso ko.

Aish! Lumalala na yata ang sakit ko sa puso. Huminga ako nang malalim. Ilang sandali lang ay nawala na din yung sakit.

Paglingon ko sa kanan ay nakita ko si... Jessica?

Wala siyang kasama. Siguro pwede ko siyang samahan.

Nilapitan ko siya.

"Hey, Jessica..." tawag ko sa kaniya.

Tumingin siya.

"Oh.. hey Prince!" masaya niyang pagbati.

Nginitian ko siya.

"So are you with someone or..." I asked

"Oh.. no. Wala akong kasama." nakangiti niyang sagot.

"Naglilibot-libot lang ako dito. Wala kasi akong magawa sa bahay eh." dagdag niya pa.

"Hmm.. gusto mo samahan na kita?" tanong ko.

"Sure!" nakangiti niyang sabi. Medyo namumula yung mga pisngi niya.

Napangiti nalang din ako.

"Ano? Tara?" nakangiti kong tanong.

Tumango siya habang nakangiti.

Naglakad na kami nang magkasama.

"So kamusta ka na?" tanong niya.

"Uhm, okay naman. Still the same old me." sagot ko. I chuckled.

"Ikaw ba?" tanong ko.

"Okay lang din." nakangiti niyang sagot "wala lang talaga akong maisip gawin kaya gumala ako."

"Ahh..."

"Ikaw? Ano ginagawa mo dito?" tanong niya.

Natigilan ako. Nandito ako kasi sinundan ko sila Jamie.

"Uhm... nanuod lang ako ng sine." sagot ko.

"Ahh.. mag-isa ka lang?" tanong niya.

"Uh, oo eh. Wala naman akong pwedeng isama." sabi ko.

Napatawa siya ng kaunti.

"Bakit di mo ako inaya? Sasamahan naman kita eh." natigilan ako sa sinabi niya.

Medyo namula ang mga pisngi ko.

"Uhm..."

She giggled a little bit.

"Tara? Baka nagugutom ka na."
tanong niya.

"Uh oo nga eh... tara? Libre ko." sabi ko.

Napatawa siya. "Gusto mo ako na manlibre?" tanong niya.

"Wag na, ako na." nahihiya kong sabi. "Nakakahiya. Babae pa manlilibre sakin."

Napatawa siya. "Sus! Sige na nga. Nahiya pa." sabi niya.

"Tara." sabay naming sabi.

Natawa kami pareho.

Naglakad na kami at naghanap ng makakainan.

=x=x=x JAMIE x=x=x=

Hinatid na ako ni Jake sa bahay.

Nakangiti ako at aaminin kong kinikilig ako.

"Salamat, ah?" sabi ko.

"No problem. Actually I should be the one thanking you." nakangiti niyang sagot.

I'm Yours (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon