PROlOGUE

214 2 1
                                    

Nakatulala si Raids sa patak ng ulan habang naghihintay ng masasakyang taxi. Turmoil always raged inside her whenever she was alone. Her head spun and the pit of her stomach tightened uncomfortable. Pakiramdam niya, may malaking kulang sa pagkatao niya at may M alaking butas sa puso niya. Dahil ba iyon sa isang taon na nawawala sa alaala niya dahil sa aksidenting kinasasangkutan niya anim na buwan na ang nakalilipas? Pakiramdam niya, nahulog siya sa kumunoy at Wala nang darating para iligtas si--

"Anak ng pritong manok!"

Bulalas niya nang may malakas na bumusina.

Mumurahin na sana niya ang walanghiyang nagmamay-ari ng magarang sasakyan sa gilid niya nang bumaba ang binata sa driver's side at sumilip Mula room ang napakaguwapong Mukha ng boss niyang matagal na niyang pinapantasyahan----si Ivan Richard aguila, ang vice president ng Horsepower unlimited kung Saan siya nagtatrabaho Bilang receptionist.

"Hop in,"  tila naiinip na utos nito.

"Ha?"

"Hop in,"  naiinis na unlit nito. "You're soaking wet"

Tumingin siya sa paligid, pagkatapos ay itinuro niya ang sarili. " ako ho ba, sir?"

"Who else, miss pagudpod?"

Narinig niya ang pag-unlock ng pinto sa passenger's seat. Nag Isip siya. Kompara sa pagkakasakit Dahil sa pagkabasa niya sa ulan, mas nakakatakot yatang anihin ang galit ng boss niya.

Bumungisngis siya sa pinag-iisip niya saka siya sumakay sa passenger's seat. Angular siya nang tumama sa mukha niya ang isang tuwalya pagkaupo niya .pasimpleng idinampi niya sa mukha niya at inamoy-amoy iyon.

Hmm.amoy-ivan. Amoy-guwapito.

Natigilan Lang siya sa ginagawa niya nang maramdaman niyang nakatingin Ito kaya binalingan niya ito. Nakakunot ang noo nito. Tumikhim siya at dumeretso ng upo. Then, an awkward silence ensued. Nailing siya Dahil Hindi siya Sanay na kasama niya ang Isang katulad ni Ivan na tahimik. Talking was the only way to calm the chaos inside her.

She liked to talk and laugh. Pero sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya at Hindi niya alma kung piano aalisin ang tension sa Pagitan nila ng suplado niyang boss.

"Saan kita ihahatid?"

Basag ni Ivan sa katahimikan.

"Sa sasakyang nalang ho ng bus,sir. Mag-Ingat Lang ho kayo sa pagliko n'yo sa kanan."

Kumunot ang noo nito."bakit?"

"Diyan ho nasi ako naaksidente at namatay no'ng isang araw."

Muling tumahimik ang paligid. Napansin ni raiza na tila namumutla si Ivan at nanigas ito sa kinauupuan nito. Mabuti na lang at nakahinto ang kotse dahil pula ang kulay ng stoplight. Kung nagkataong Hindi at baka naaksidente na sila Dahil sa pagkabiglang nakita niya sa boss niya. And that was when she realized what a stupid thing she had done.

"Sir, joke Lang po!"
Sinundan pa niya iyon ng kinakabahang tawa.

Hindi Parin nagbago ang malamig n.a. ekspresyon sa mukha nito. "Miss pagudpod."

"S-sir?"

"Alam mo bang puwede niyang sesantihin sa trabaho dahil sa ginawa mo?"

Namutla siya sa Sinabi nito. "S-sir....sorry po talaga."
Tinapik-Tapik niya ang Bibig niya. "Hindi ko ho kasi talaga napipigilan itong Bibig ko kung Minsan. Pasensya na. ho kung masyado along FC."

"FC?" Kunot-noong tanong nito.

"Feeling close ho. Nasanay ho kasi ako na binibiro Parati ang mga kasama ko. Nakakalimutan ko Hong Hindi tayo magka-level sorry po talaga."

Matagal bago ito sumagot. " hmm. Tapos na ang working hours kaya Hindi mo na'ko amo,"

Napakurap siya. "Pinapatawad n'yo na ho ako?"

"Huwag mo nalang uulitin kung ayaw Mong patalsikin kita sa kompanya nang Wala sa oras. Mahina pa naman ang puso ko sa horror stories."

Mukha itong nagbibiro Pero Hindi Rin siya sigurado dahil Hindi nagbago ang emosyon sa mukha nito. At least, nawala  na. ang tensyon sa Pagitan nila. "Sir, nakakagulat na kilala n'yo ho Pala ako."

"Sinong Hindi makakakilala sa'yo? Ikaw ang May pinakamalakas na boses sa mga receptionist sa horsepower unlimited."

Nakagat niya ang ibabang labi. "sorry po. Hihinaan ko na ang volume sa susunod." Napansin niyang nabasa na niya ang upuan ng kotse ng boss niya . "Sir, pasensya na ho kayo at nabasa ko itong upuan ng sasakyan ninyo. Bakit n'yo nga po Pala ako isinakay?"

"Mukha ka kasing basang-Sisiw," bulong na Sagot nito.

"Ho?"

Sinulyapan siya nito. "Empleyado kita kaya natural na tulungan kita. Pero kung gusto mo palang maligo sa ulan, sabihin mo lang at ibaba na kita."

Mabilis siyang umiling. "Si sir naman, para nag tatanong lang."

Hindi na muling nagsalita si Ivan. Hindi na Rin siya nagsalita dahil baka kung ano na naman ang masabi niya. Kinuha niya muli sa shoulder bag niya ang cheepee niya---- iyong tigpipisong sitsirya----saka niya iyon nilantakan napansin niyang kunot-noong nilingon siya ni Ivan kasabay ng pagnguya ng sitsirya sa bibig niya.

Bumuga ng hangin si Ivan. "Hindi ka talaga Sanay  na tahimik no?"

Nag- peace sign siya riot saka dahan-dashing sumubo. "Sorry, sir" inalok niya rito ang kinakain niya. "Gusto n'yo ho?"





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Give Your Heart A BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon