The voices in my head speak, once more.

33 0 0
                                    

"Shh! Wag nga kayong maingay; mag-susulat si Miss Writer!", sabi nung lider ng mga boses sa utak ko.

"Eh? Talaga? Anong isusulat niya?", sabi nung isa pang boses. Yung laging curious.

"Di ko alam. Basta basahin mo nalang.", sabi nung lider na boses.

"Hay naku! Ka-random-an lang ulit yan. Tsk.", sabi nung boses na laging galit.

"Psh. Manahimik ka na nga. Mag-babasa rin ako e.", sabi nung pinakatahimik na boses na minsan lang magsalita.

Ayun. Tahimik na sila. Ako nalang ang nag-sasalita dito. Huh? Sino ako? Malamang yung lider nila! Haha. Sa totoo lang tama yung boses na laging galit sa sinabi niya. Ka-random-an lang ito. Nakakaadik lang kasi talaga mag-sulat ng ganitong klase ng note e. Bakit? Kasi halos lahat ng gusto kong sabihin mababasa niyo na. O diba, ayos? Loko lang. Honestly, minsan nakakasawa rin ang ka-random-an na sulat gaya nito. Kaso lahat na ata ng creativity ko ay ninakaw nung creative ghost. Ahaha. Oo, merong ganun. Promise!

Ano ba kasi dapat kong gawin? Tula?

Hindi ko na talaga alam kung ano ang dapat isulat.

Pagkamalikhain, inspirasyon at ideya. Wala na lahat.

Kung ang mga salita dati'y lumalabas na lang bigla,

Ngayon pahirapang basahin sa dulo ng aking dila.

Totoo yan. Ilang minuto ko ginawa yang isang talatang yan. Huhu. Penge ng writing skills, anyone? Plezz. Mahal na kita pag nabigyan mo ako ng masusulat na makakapagtrigger sa pagputok ng dormant kong utak na tinotopak ngayon ng isang matagal na writer's block. Hahaha. Natawa ako dun. Ang babaw ko lang minsan. May lahing korni rin kasi ako e. Kanino kaya ako nag-mana?

Lalalalalala. Nuninuninuni. Ikaw lamang ang aking minamahaaaaal. Wag kang mag-alala di ko ipipilit sa'yo. Pustiso ka ba? Kasi... I can't smile without you. Ehehe. Ayoko na. Tama na. Ititigil ko na itong kalokohan kong ito. Babye!

The voices in my head speak, once more.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon