Chapter 2: The Proposal. (NASH)

22 0 0
                                    

As expected, maaga talaga akong pumasok today. Aasikasuhin ko pa yung project materials namin. Bale, 7:30am palang. 8am pa pasok ko.

"Bessie. Ang aga nating pumasok. Inaantok pa ako." Talaga naman 'tong si Bessie.

"Hayaan mo na. Para sa school naman natin 'to. It is our only way to say 'thank you' sa 4 years natin dito. Dba?"

"Kaya ka pala nya nagustuhan. I love you Bessie ko!" Anudaw? Ano yung una nyang sinabi? Memay. Nabibingi na ako.

"Dali! Tumulong ka na. Para matapos natin agad 'to." After 30 minutes, natapos na rin namin. May mga volunteers kasing naki-join. Kaya medyo gumaan yung trabaho.

/RINGGG./

Okay. Nagring na ang bell. I guess it's the time para umakyat sa classroom.

"Babye Bessie. Mayang recess ah?" Magkaiba kasi kami ng section. 4B sya, 4A ako.

Habang paakyat ako ng hagdan, may nakikita akong rose petals. Nako! Ang Gardening Club! Di na naman sila naglinis. Tsk. Minadali ko tuloy ang pag akyat ko para kumuha ng walis at walisan yung mga yun. Pero, iba ang nadatnan ko.

"Finally made it, through the lonely to the other side. You set it again my heart's emotion..." I can hear my favorite love song. Roses are everywhere. Lahat ng classmates ko, nakapula. At bakit? Shems. Kinakabahan ako at the same time, kinikilig pero wag ka Britney! Wag kang ilusyonada.

"Nagustuhan mo ba?"

"Ay! Anak ng tipaklong na may bangs!" Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likod ko. At nung tumalikod ako, si Nash ang nakita ko. Bakit kaya?

"Is this a joke?" Tanong ko sa kanya.

"Nope. Let me explain this to you." May inabot syang box sakin. Kulay Red. Nyey.

"Para san 'to?" Tanong ko sa kanya.

"Just open it! Wag ka nang magtanong!" Edi, binuksan ko. Hahhaha. Galit ah? When I opened it, malamang nagplay yung music. Hahaha. Ang kyut nung dalawang dancing figurine.

"Nakikita mo yan? Sana maging tayo yan sa Soiree natin." Di ko maintindihan yung sinasabi nya. In short, naguguluhan ako.

"Nababaliw ka na ba?" Wala na akong masabi sa kanya. Kaya yun na lang nasabi ko. Anudaw? xD

"Dearest Britney, can you be my date sa Soiree?"

ANONG ISASAGOT KO? HALA. LAHAT SILA NAKATINGIN SAKIN. BAKIT? PAANO? SAAN? HUH? ANO?

"Yes Nash. I'll be your date."

These Wings Are Made To FlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon