A Picture Of You

44 3 1
                                    

A Picture Of You

(One Shot)

 

"oy dean? Laro tayo sa labas!" Sabi ng bata na kapitbahay namin.

"Teka lang! Maykukunin ako saglit" ako.

"Sige, punta ka lang sa play ground. Tatawagin ko lang sila Ivan na maglalaro tayo!" Sigaw ni clyde na nasa gate namin at tumakbo na sa ibang direksyon para tawagin pa yung ibang kaibigan namin.

Bumaba na ako.

"Mommy? Maglalaro po kami nila clyde at Ivan sa playground pwedi po ba?" Sabi ko ky mommy na may inaasikasong documents

"Okay baby dean ^___^ ingat ka dun ha?" Mommy.

"Mommy! I Told you that I'm not a baby na! I'm a big boy already! Ayy no! I'm a big handsome boy!"

"Haha. Okay bab---"

"Mommy! >__<"

"Haha okay dean, you can go now but be careful okay? Bye na at may gagawin pa si mommy" sabi ni mommy at kiniss ako sa cheeks at nagbabye nadin ako..

Ako nga pala si Harry Dean Valdez,7 years old. Summer break na saamin so naglalaro nalang ako kasama ng kabarkada ko.

Papunta na ako sa playground...

Nakita ko agad sila clyde at ivan na may kasama pang iba.

"Oy dean! Halika na!!" Pagtawag ni ivan.

Tumakbo na ako papalapit sa kanila.

"Geh? Tago tagoan tayo!" Sabi ni clyde

"Sige! Sige!" Sabay sabay naming sabi.

"Oy pano yan dean, ikaw taya!" Sabi ni ivan.

"Geh! Okay lang!"

"sige! Simulan muna"

At nagsimula na akong magbilang hanggang 50

"49...50!!" Sigaw ko at hinahanap na sila.

Punta na ako kahit saan at hinanap na sila , pero di ko sila makita.

Maya maya may napansin akong parang papel na square dun di kalayuan sa kinatatayoan ko...

Pinumtahan ko yun at nakakita ako ng picture ng isang babae. Halos kasing edad ko lang siya, ang cute naman niya.

Nung nakita ko yung picture niya parang bumibilis ang tibok ng puso ko na di ko mapaliwanag...

Pagkatapos nun di ko pala napansin na naka save na pala yung mga kaibigan ko,so ako ulit ang taya...kaya binulsa ko nalang yung picture... di bali hahanapin kong sino ang nagmamayari nun.

Kahit ano ano lang ang nilaro namin ..

Napansin kong hapon na kaya umuwi na ako sa amin....

"Mommy, nandito na ako!"

"Oh baby dean  lika nga dito pawis na pawis ka. Lika..papalitan ko yung suot mo."

"Mommy I already told you that I'm not a baby na! Just call me dean or harry nalang,.wag lang baby kasi di yun cool!"

Sabi ko kay mommy na pinapalitan ang suot kong damit.

"Eh dean naman wala na akong ibang baby eh! Ikaw nalang kaya hayaan mo nalang si mommy ok?"

"Sige na nga! Di kita matitiis eh!"

"Yaaah! Thanks baby!" Mommy. Na kiniss kiss ako sa mukha.

A Picture Of You (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon