Once upon a time

60 1 0
  • Dedicated kay Cedrick Bilasa
                                    

Introduction

Once upon a time in a faraway land.

Lols! Ano toh? Fairytale? Fairytale don't exist. Most of us don't have our happy ending. Kunwari, may taong naglalakad sa kalye (Alangan namang magswimming sya dun noh!) tapos may isang sasakyan na rumaragasa na nawalan ng break then boom! Nabangga sya, dinala sa ospital .. Dead on arrival. Yun ba ang happy ending niya? Ano? Sumagot ka!

But I believe that Princes and Princesses do exist. Kasi kung hindi, ano ako? Joke? I exist and she exist. We are the proof.

Hindi naman sa nagmamayabang. I am just stating a fact. Marami na ang nagsasabi na gwapo ako. Prince-like kumbaga, talbog ko pa nga daw si Prince Charles eh. Pero sabi ni Mommy, panget ako. Malabo na siguro panigin nun.

"Tatsuya!" Lingon sa tumawag. Isang magandang prinsesa pala ang tumatawag sa aking pangalan. Tumatakbo sya palabas ng school patungong school gate kung nasan ako. Uwian na kase at malamang uuwi na ko kaso tinawag niya kaya huminto muna ako upang hintayin sya. Nang makarating sya sakin ay yumuko sya at napahawak sa kanyang mga tuhod, hiningal ata.

"Ta-Tatsuya-kun .. Na-i-wan mo .. toh"Sabay abot sa akin ng isang asul na notebook. Inabot ko toh at tiningnan ang mga initials sa harap, akin nga toh.

"Arigatou" Ngumiti sya sa akin tapos lumakad pabalik sa school. Lumakad na rin ako pauwi. Siya nga pala si Yamamoto Haru. She has green eyes, brown hair and fair skin. She is also nice, cool and friendly unlike me. I am anti-social. Not quite but seems to be. Tahimik lang akong tao. Magsasalita lang pag kinausap mo, laging nasa sa isang sulok may sariling mundo. Yan ako! Ako nga palaq si Shuuichi Tatsuya, Forever alone. Isang simpleng lalake na gusto laging mapag-isa. Gusto ko kasi yung mga tahimik na lugar at mahangin, yung tipong peaceful kaya yun. Si Haru ay kaklase ko since elementary, we're kinda childhood friends. Our families are friends that's why we have known each other for i-don't-know years. But you know what? I like her. A lot. Maybe because she was my only friend since then.

Napadaan ako sa isang park. It's just an ordinary park maliban lang sa walang batang naglalaro dun kahit alas-quatro na nang hapon. Madalas kasi diba, yung mga bata nang mga ganoong oras ay nasa labas o kaya ay nasa park kasama ang pamilya o ang mga kaibigan nila upang maglaro? Kaya nagtataka lang ako.

"Hoy!" Mukhang alam ko na kung bakit walang mga batang naglalaro dito sa park. Isang grupo ng mga PANGET na kalalakihan na highschool students ang pumaligid sa akin. Nagwagwapuhan siguro tong mga toh sa akin. -_______- Sa totoo lang lang, di sila mukhang mga highschool student, kundi lang sila nakasuot ng uniform eh iisipin kong mga dakila lang silang tambay sa may kanto na walang magawa kundi ang mantrip sa kanilang kapwa. Malalaki ang mga pangangatawan nila. Dinoctorate siguro nila ang high school, mga mukhang may mga anak na ang mga toh eh. -______-

Nanliliit ako sa kanila, o sige .. sila na matangkad ako na hindi. Bata pa naman ako. Tatangkad pa ko.

"Akin na ang pera mo bata!" Ayaw ko nga. :P Pera ko toh tapos kukunin mo? Ano ka? Sinusuwerte? Sabihin na nating wala akong laban sa kanila at mayroon silang pang horror na pagmumukha, di pa rin ako takot sa kanila. I tried to go away from them pero hinaharangan nila yung dadaanan ko. Pag pupunta ako sa kaliwa, haharangan nila, kahit sa kanan, mapalikod o kaya sa harap. Ano toh? Naglalaro ba kami ng patintero?

"Aba't nagmamatigas ka ha! Ang yabang mo umasta ah!" Tinulak ako ng lalake sa harap ko tapos ay hinawakan ako sa may collar ng uniform ko. Napagod ata sa kakalaro namin ng patintero pero hoy! Mahal magpa-laundry! Kung makahawak naman toh sa uniform ko kala mo malinis yung kamay.

"Alele?" Napatingin kami sa may puno dahil dun nanggaling ang isang weird na expression.

"Sino nandyan?" Isang puno lang naman ang nakikita ko walang tao, maliban na lang kung may engkato, lamang-lupa, kapre or worst ay multo ang nandiyan.

Dahil mainipin ang isa sa mga Tropang Panget ay sinuntok niya ang puno. "Sino ba ang nandyan?" Sa tingin mo panget? May tao sa loob ng puno?

"Hoy! Masakit yun ah!" Nagsalita ang puno? *o*

Napaatras ang TP (Short term for Tropang Panget) pati na rin ako. Aba! Mahirap kalabanin ang kalikasan!

"Hala Pre! May multo ata rito!" Nagkatinginan ang TP at mukhang takot na takot nang biglang may tumalon mula sa itaas ng puno. Isang magandang babae ang na may mahabang itim na buhok, itim at bilog na mga mata na may puting kutis. As in puti, Ikaw na maputi. May kamukha sya eh, hmm .. sino nga ba yun? Ahh .. si Snow White! Pero imposibleng sya yun dahil di naman totoo si Snow White. Galing lang siya sa tulang "The Dead Princess and the Seven Knights" na likha ng mapaglarong isipan ng manunulat na si Alexander Pushkin. Oh well, wala namang nagtatanong kaya di ko na itutuloy ang about kay Snow White.

Wait! Si Snow White nakasuot ng uniform na katulad ng uniform ng mga babae sa school ko. O.O Ibig sabihin ba niyan schoolmate ko siya?

"Hai! Schoolmate mo ko. ^________^V" Nag-V sign siya sa akin may ngiti sa kanyang mga labi.

"Ahh." Nagnod lang ako sa kanya nang marealize ko na ..

"Pano mo nabasa ang nasa isip ko? OoO" Nanlaki talaga ang mga mata ko. It's kinda creepy you know. Sumeryoso ang kanyang mukha tapos sumagot siya.

"It is written all over your face. -_____-" Parang clay mask na ang kanyang mukhang. Mukhang siyang buhay na mannequin pero mas maganda pa siya mannequin siguro pwede nang Porcelain Doll kaso yung suot naman niya. Wait nga lang! Ba't ko ba pinoproblema ang mga bagay na toh?

"Uy Pre, chicks oh!" Di lang pala panget ang mga toh, mga manyak din. Nilapitan nung lalakeng humawak sa may collar ko si Snow White.

"Miss, anong pangalan mo?" Nagtaasan ang mga balahibo ko sa may kamay na marinig kong magsalita ang lalakeng yun na palambing. Parang mag-eend of the world na. Bakit pa kasi sumulpot tong babaeng toh? Obvious naman sigurong kawawa na ko sa TP tapos dumagdag pa siya. Ano akala niya na ginagawa namin? Nagpaparty?

"Mukhang mayroong kayong kasiyahan kanina ah." Tanong ni Snow White sa TP.

"Oo, mayroon. Gusto mo bang sumali?" Tanong nung lalaki na may creepy na smile sa kanyang mukha.

"Pwede ba?" Ngumiti siya doon sa mga lalaki. Yung innocent smile ba. Mukhang nagpapacute pa ata sya rito sa TP. Ang panget ng taste niya ha.

"Pwedeng pwede." Malalawak na ang mga ngiti ng mga panget na orangutang na toh. Ngayon ko lang napansin na pito pala sila. May naisip na ko na title ng samahan nila. The Seven Ugly Perverts. O diba? Bagay. :D

Nilalapitan na siya nung panget na humawak ng collar ko. Palapit na nang palapit. Nung mga dalawang hakbang na lang ang pagitan nila ay napasigaw ako ..

"Snow White! May ipis sa paa mo!"

Natahimik silang lahat. Tumingin yung TP sa may paanan ni Snow White tapos sinuntok ako sa tiyan at sa may leeg nung lalake na nasa likod ko.

"Tatakutin mo pa tong si Miss eh!" Tapos nagtawanan sila. Narinig ko na lang ang mga tunog na "Blag!"at "Pak!". Mukhang hindi naman ako ang sinasaktan nila dahil hindi ko maramdaman yung mga sakit na dapat idudulot ng mga yun kaya sinubukan kong tumingin sa kanila. Kaso ang hirap, hindi ko man lang maiangat ang ulo ko para tumingin. May naramdaman akong mga malalambot na daliri na humawak sa aking baba at dahan-dahan tinaas ang aking ulo. Tumambad sa akin ang isang magandang mukha. Wala kang emosyon na makikita, as in wala.

"Nagsalita ka pa kasi kanina eh. Yan tuloy nasaktan ka pa. At sa tingin mo ba takot ako sa ipis?" Tumawa siya ng mahina tapos inalalayan niya ko tumayo.

"Sino ka ba?"

"Ako?" Humarap siya sa akin at ngumiti.

"Ako si Snow White."

Once upon a timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon