Sa kasalukuyang panahon, isang ingay ang narinig ni Padre Florentino, isang baguhang pari habang isinasara ang simabahan. Nasa itaas na ng langit ang buwan, at ramdam ang lamig ng hanging pumapasok mula sa maliliit na espasyo sa pagitan ng mga malalaking pintuan ng simbahan.
Hindi tumigil ang ingay, kaya't binuksan niya muli ang huling pintong kanya na sanang isasara. Ikinagulat niya ang kanyang nadatnan.
Naroon ang isang sanggol na bata, sa palapag papasok ng simbahan. Unti-unting lumalakas ang hangin sa paligid at nagsimulang mag-ingay ang mga kulog sa kaulapan.
Agad-agad na dinala ng pari sa loob ang sanggol at isinara ang pinto. Pagpasok ay nakita siya ng kanyang kapwa pari na si Padre Reynaldo.
Ikinagulat niya ang kanyang nadatnan ang agad na tinanong kung anong nangyari. Pinaliwanag ni Padre Florentino na iniwan ang bata sa labas ng simbahan, at hindi niya pwedeng hayaang manatili ito duon sa balas mag-isa.
Simula nuon, sa simbahan na tumira ang bata na pinangalang Lorenzo. Pinag-aral siya sa kalapit na pampublikong paaralan at kasabay nito ay tumutulong sa mga gawaing simbahan.
Nakilala siya sa kanilang lugar bilang ang binatang Maka-Misa. ito ay dahil bawat misa sa araw linggo ay kanyang inaatendan. Kilala siya bilang batang may matibay na pananampalataya sa Diyos.
Lumipas ang ilang taon at kinaylangan na niyang pumasok sa Kolehiyo. Pinili niya ang Kursong Pagtuturo sa kanyang layuning ituro ang katotohanan sa nakararami.
Ngunit hindi nagtagal, may mga pagsubok at mga tanong na sumalubong sa kanyang piniling daan.
BINABASA MO ANG
Ang Paghahanap sa Nawawalang Bansang Maharlika Pilipinas
AdventureIto ay ang storya ng binatang si Juan. isang ampon na iniwan ng kanyang pamilya at lumaki sa pangangalaga ng isang pari. Dito lumaki sya na may matibay na pananalig sa Diyos. Hindi nagtagal, ninais niyang hanapin ang nawawalang bansang Pilipinas, sa...