PART III : Kawawa ka naman!

4.6K 168 14
                                    

YAYAYAYAYAYAYAYAYAYAYAYAYA ! (Wala lang!)

Thank You din sa pagtawa mo dito sa kwento! You're Nice Too! Nakakatuwa! Haha. Inaabangan mo kung bakit Babes ang tawag ni Nike kay Yurika. Here it is. :'>

_____________________________________________________________________________

Sophomore ako noon, nang First Time kong maencounter si Nike Arellano.


Pauwi na ako noon habang kumakain ng Tolerone (Filipino Version ng Toblerone) nang madaan ako sa court ng school namin. Medyo maggagabi na pero hindi ako takot, wala naman sigurong nagbabalak na mangholdap sa akin dahil hindi purki't mataba ako, marami akong pera. Wala ring magbabalak na kidnapin ako, dahil paano nila ako mabubuhat? Eh sobrang taba ko.


Nasa kasarapan ako ng pagkain ko nang makarinig ako ng pagtugtog ng gitara.


Teka lang! Nasa court ako bakit may naggigitara dito! Takot ako sa multo! Oo! Diyan ako takot.


[Now Playing: Skyscraper / Boyce Avenue ft. Megan Nicole  ----------------------------------->]

"Skies are crying, I am watching
Catching teardrops in my hands
Only silence, as it's ending, like we never had a chance.
Do you have to make me feel like there's nothing left of me?"


Maganda ang boses ng kumakanta kaya naengganyo akong tingnan kung sino iyong may ari ng boses na iyon.


Nang makapunta ako nakita ko ang lalaki na nakasandal sa Court at may hawak na gitara.

Ang ganda ng boses niya. Nakakaadik. Kaya sumandal ako sa pintuan yung hindi nya makikita. Tyaka ako pumikit. Tagusan nga sa puso ang kantang ito.


Hindi ko alam. Kumakanta na pala ako.

"You can take everything I have
You can break everything I am
Like I'm made of glass
Like I'm made of paper
Go on and try to tear me down
I will be rising from the ground
Like a skyscraper, like a skyscraper"

Namalayan ko na lang na sabay na kaming kumakanta. Ang gandang pakinggan ng boses namin pag pinagblend. Haha. Maganda ang Boses ko. Oo. Hidden Talent ko, kasi paano ba naman ako sasali sa mga contest kung wala sa aking kasya na Gowns!

"As the smoke clears
I awaken and untangle you from me
Would it make you feel better to watch me while I bleed
All my windows still are broken but I'm standing on my feet

You can take everything I have
You can break everything I am
Like I'm made of glass
Like I'm made of paper
Go on and try to tear me down
I will be rising from the ground
Like a skyscraper, like a skyscraper"


Napansin kong huminto ang pagstramming ng kanta. Teka lang. Nabuko na ata ako ah! Bakit pa kasi ako kumanta kanta. Nagfeefeeling nanaman ako.


Kaya bago niya ako mabatukan na bigla akong sisingit sa kanta niya dahan dahan akong umalis.


Pero huli na ang lahat. Nakita niya na ako.


"Miss?"


He called me 'Miss.' Not 'Hoy'. Not 'Hey You!' it was 'MISS'.


Huminto ako at lumingon dito. He's chinito eyes. Fair complexion. The Height and his weapon, his killer smile are those qualities that make my knees shake. Kaya bago pa ako bumagsak. Humawak na agad ako sa pinto ng Gym.


"Ikaw ba yung kumanta?"


"Ah, Eh, Ano kasi.." Nagkamot ako ng ulo. "Pasensya ka na ah. Mukhang naistorbo na kita. Ahm. Aalis na tala---"


"No.. Hindi ka istorbo. Buti nga dumating ka. Boring kasi magisa dito eh"


"Ah ganun ba?"


"Baka gusto mo akong samahan dito muna?"


"Ah, Eh, Kasi, Gabi na, Baka pagalitan ako ng nanay at tatay ko.."


"Ay ganun ba? Sabay na tayo. Para naman. May makasabay ka papuntang gate ng school."


"Ay nakuu! Wag na! Nakakahiya! Ako na lang!"


"Nah. Paalis nanaman talaga ako. Sabay na tayo."


Natagpuan ko na lang ang sarili ko na malapit dito at naglalakad papunta ng Gate ng school.


"Ang ganda ng boses mo kanina."


"Talaga? Nakakahiya naman.."


"Bakit ka mahihiya eh, maganda naman talaga?"


"Kasi kung payat ako. Mas maibabahagi ko yung gandang boses ko."


"What's wrong with your body?"


"Anong what's wrong? Can't you see? Mataba ako."


"So?"


"Pagtatawanan lang ako ng tao dahil sa katawan ko."


"I'm not laughing."


Napatingin ako dito. He is really a good guy. Siya lang ang nagsabi nito sa akin. At nakakaproud sa damdamin, tingnan mo naman. May pumuri sa sarili ko, kahit ganito ako Kataba.


"Well, sinungaling ako kung sasabihin kung payat ka, medyo magbawas ka lang ng kaunti. Pero all in all, okay ka lang sa akin."


"Okay lang ako sayo?"


"Uh-huh? Hindi naman tinitingnan ang mukha o ang katawan pagsasali ka sa contest. It is your Talent they want to see."


Nakakatuwa naman na may isang katulad nito na kayang maappreciate ang katulad kong mataba. Parang nakakaadd ng Self-Confidence sa katawan at mga bilbil ko.


Nakarating na kami sa may gate. Magkaiba ang way namin. Kaya maghihiwalay kami.


"Oh, paano ba iyan. Hanggang dito na lang."


"Salamat ah."


"Wala yun. Ah! Ou nga pala." Inilahad nito ang kamay sa akin. "I'm Nike Arellano. Usap tayo ng usap hindi pa pala tayo magkakilala."


"I'm Yuri Lorenzo."


"Nice Name, Yuri. Nice to meet you."


Then we shake hands. Ang sarap naman sa pakiramdam.




Well, super bait na, super guwapo pa. Siya na ang Crush ko!







After Several Months.





Ilang months na din nung araw na nagusap kami. At ilang months ko na din siyang nagiging crush. Meron bang crush na ganun katagal. Oo, ata? Ako ata yun eh.


Kaso hindi lang ako ang may 'kras' sa kanya. MADAMI. sobraa. Sobrang sumikat na kasi ang pagiging magaling nito sa Basketball. Pati ang banda nila sumikat na din. Oh diba? Paano naman ako mapapansin sa katabaan kong ito.


Ni hindi ko nga alam kung natatandaan pa niya ako eh. Haay. Ano ba iyan. Parang 'Crazy Little Thing Called Love'. P'Nam at P'Shone lang. Ano ito? PBB TEENS!


"TABAAACHOOY!!"


Parang ang sarap ihagis ng sumigaw na iyon ah. Pero bago ko pa magawa iyon lumapit na si Eunice sa akin.


"Hindi ka nanaman sumabay ng lunch sa amin ni Aristotle!" =3=


Umupo ito sa tabi ko. Nasa Court kasi kami nun. Nandun kami sa parang mga upuan dun.


"Di pa kasi ako gutom eh."


"WEEEEEEEHHH?!!" Parang hindi naman makapaniwala ito sa narinig. "Ikaw?! Hindi Gutom?! Maniwala ako!"


"Bahala ka kung ayaw mo maniwala." Tiningnan ko ulit ang mga nagpapractice ng basketball. Especially yung nakasuot ng jersey #10. BWAHAHAHA.


Si Nike Arellano.


"Hmph. Hindi mo na kami Labs!" =3=


"Arte mo." Hinila ko ang buhok nito na naka Piggy Tail. "Wag mo na lang ako istorbohin." Muli akong tumutok sa naglalaro. "Ang gwapo niya talaga.."


Mukhang naramdaman nito ang tinitingnan ko kaya tiningnan din nito iyon.


"Kaya pala hindi ka sumabay sa amin! Iniistalk mo nanaman yang si Nikey!"


"Heh! Hindi ko sya iniistalk.. I'm just.." Naghanap ako ng magandang Adjective. "Idolizing Him."


"Idolizing ka diyan! Kailan ba matatapos yang pagsintang pururut mo diyan! Tagal na niyan ah."


"Anong pagsintang pururut?! Idolizing sabee."


"Eh di Idolizing! Pero ang alam ko may Girlfriend na iyan eh."

MATABA ako, Oh, Eh, Ano naman?! (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon