1: PRANKS

209 12 3
                                    

*Reign Castaneda's POV*

"So Ms. Castaneda and Mr. Ignacio, Ano nanaman bang pinaggagagawa ninyo?" - sigaw ng teacher kong mukhang Toro. Nasa Guidance Office kami ngayun at pinapagilitan.

"Pero Mrs. TOROdosio hin - - - "

"Ano? Ang name ko ay Mrs. Todosio hindi Torodosio"

"Pero Mrs. Tor-dosio" sabay peace sign ko sa kanya.  "hindi po talaga ako may kagagawan nun, SYAAAAA!" - Ako sabay turo kay Seiji Ignacio.

"Pero Mrs. Todo-OSO hind - - - -"

"Todosio!"

"Pero Maam, Promise, hindi ako. Mamatay man po Hero ko sa DotA" Nakataas pa yung kanang kamay nya.

"Maam! Wag kayo maniwala dyan! Lagi KO naman pong talo yan sa DotA eh,"

"So kung ganun? Ipaliwanag nyo saken kung pano nangyare yon!!!" Aw. Saket sa tenga.

"Ganto po kase yon" - Ako.

*Flashback*

"Naiinis nako sayo! Baket mo ba ako ginaganito?!!" Nagulat na lang bigla ang mga estudyante sa loob ng cafe ng may pumasok na mag jowa dito.

Kapal ng mukha dito pa nag iskandalo -.- Pumunta sila sa isang tabi na nakatayo pa den.

"Hon, patawarin mo nako" - Boy na pinatong ang kamay sa isang tray na may nakalagay na cake na ang ang kalahati nito (tray) ay hindi nakapatong sa lamesa.

"BWI - - - -" - nagulat ang lahat ng biglang may lumipad na cake sa mukha nito. Kitang kita ko yung mukha nya kase yung Boy medyo nakatalikod ang posisyon nya sa pwesto ko at ang Girl naman ay nakaharap ang posisyon sa pwesto ko.

Nang maganap ang pangyayare na yun. Halos lahat ng mga estudyante sa cafe ay nagsitawanan dito.Syempre may possibility naman na lumipad talaga ang cake sa mukha nito kasi nga yung kalahati nito ay di nakapatong.

"HAHAHAHAHA!! BOOOOOOM PANEEES!!" Sabi ko. Tumayo ako at tumawa ng sobrang lakas.

Habang tumatawa ko parang may biglang lumanding na matamis na pagkaen sa mukha ko.

Pagkadilat ko nagulat silang lahat at pinagtawanan ako. Hinanap ko naman kung sino ang naglakas loob na maghagis sa mukha ko ng cake. At may nakita nga ako ng nakatayo at nakataas ang kamay nya sa posisyong 'sya ang nagbato saken ng cake' si Seiji Ignacio.

Habang tumatawa sila kinuha ko yung cake ng kaibigan ko at ibinato sa kanya >:)

"WAHAHAHAHA! Dapat lang sayo yan! KUPAL!"

*End Of Flashback*

"Maam, ganun po yung nangyare pramis, Mamatay man buhok ni Dora" - Ako

"Huh? Pero Maam, parang ako po ata yung may kasalanan? Bigyan nyo naman po ako ng point of view." - Seiji.

"Ok. Ano naman ang sayo?"

*Flashback*

Seiji Ignacio's POV

Nasa cafe kami ngayun ng mga kaibigan ko, at pinag-uusapan ang mga kung anu anong bagay.

"Weak naman yung si Joseph eh, ang tanga kase gumamit ng Hero" - sabi ng kaibigan kong si Philip.

Pero may biglang pumasok sa cafe na nagsisigawan, hindi na kami naki-elam at pinagpatuloy ang usapan.

"Tae! Oy Mark pano posisyon mo sa 3 point shot sa basketball?" - tanong ni Jeff. Ginawa naman ni Mark.

"Ikaw Seiji? Pano sayo?" - Jeff.

Nakita kong tumawa sila Mark ng sobrang lakas. At tinignan ko kung saan sila nakatingin. Nang makita ko na may cake ang mukha nung babaeng sumisigaw kanina pati ako napatawa ng malakas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pranks (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon