Prologue

17 4 0
                                    

Anniversary.
3rd Year Anniversary na namin ngayon ni Luke. Eto yung araw na mag-po-propose sya. Yun ang sabi nya sakin.

Galing kami pareho sa isang Prestigious University. Pareho din kami ng course at mga hilig. Pagluluto na din ang naglapit samin sa isa't- isa.

Sabi nya magkita daw kami sa favorite place namin. Which is a place in Tagaytay na sila ang nagmamay-ari. Pagdating ko dun Sunflower agad ang napansin ko. Sunflower. My favorite flower.

"Ayanah!" Sigaw na galing sa likod ko.

Sobrang pamilyar ng boses na yun. Yung boses ng taong mahal ko. Yung boses ng Bestfriend  ko.

"Ayanah! Happy 3rd Year Anniversary, di ko akalaing aabot sa tatlong taon ang friendship natin" sabi nya.

"Ah oo nga, Happy Anniversary din. Lalong gumanda dito ah." Ani ko.

"Syempre tinulungan ako ni couz mag-ayos. Oh ayan na pala yung kotse ni Maxine. Eto yung bouquet, pag-akyat nya sa stairs ibigay mo agad ha!" Excited nya pang sabi.

"Ah oo, sige punta ka na sa pwesto mo. Excited na excited ka mag-propose eh." Natatawa ko pang sambit.

Mag-po- propose  na si Luke kay Maxine, ang 1 year girlfriend nya. At coincidence din siguro na 1st year Anniversary din nila ngayon. Coincidence din siguro na ako ang kinuha nilang  bridesmaid.

Strings Attached To YouWhere stories live. Discover now