Yes.
Yes ang sagot ni Max sa tanong ni Luke. At sa nakikita ko si Luke na ang pinakamasayang lalake sa buong mundo.They are so caught up in the situation at di nila napansin ang pag-alis ko. Mabuti na din yun. Para di nila mapansin yung isang butil ng luha na pumatak galing sa mata ko na kalaunan ay sunod-sunod ng umagos.
Masakit?
Oo masakit. Sobrang sakit. Ang lalaking mahal ko ikakasal na sa iba. Sa kapatid ko pa.Kasalanan ko di naman eh. Pinakilala ko sila sa isa't- isa. Ako yung naging kupido. Ako yung kupido na umibig sa biktima ng pana ko.
Bakit?
Bakit di na lang ako?
Bakit ibang babae pa?
Bakit kapatid ko pa?Ganun naman talaga ginagawa ng mga nakakatandang kapatid diba? Nagpaparaya sa nakababata nilang kapatid.
Naalala ko tuloy yung araw na yun. Yung araw na pinaka pinagsisihan ko. Yung araw na pinakilala ko sila sa isa't-isa.
Flashback
Uwian na namin nila Luke at Brixs.
Napagpasyahan naming kumain na lang sa resto na palagi naming pinupuntahan. Yung family reastaurant namin. Walking distance lang from school kaya most of the students from our University choose to eat here."Ateeeeeeee!" Sigaw ng isang matinis na boses galing sa may kitchen.
"Ate andito ka na pala. May mga kasama ka pa." Dugtong nya pa.
Si Maxine, ang nakababata kong kapatid. Tumatambay sa resto pag wala silang pasok.
"Ah oo sila yung mga kaibigan ko.
Brixs si Maxine kapatid ko.""Nice meeting you" maikling sambit ni Brixs kay Max at nakipagkamay.
"At Luke this is Max"
Nakita ko sa mga mata nila na para bang nag slow motion yung paligid nila. Na silang dalawa na lng yung nandito. Na para bang Love at First Sight.
"Luke, pare okay ka lng?" Pagtatawag ni Brixs sa pansin ni Luke. Pero si Luke di parin natatangal ang tingin sa kapatid ko.
"Luke, okay ka lang?" Paguupit ko sa tanong ni Brixs
"Ah oo, okay lng ako. Okay na okay." Nakangiting sambit nya di parin binibitawan ang kamay ni Max.
Flashback Ends