MMS1B-21 Gone

8 0 0
                                    

Heyonel's Pov

Napahilamos ako sa bou kong mukha ng maalala ang ginawa ko. Ano ang ginawa ko? Mali yun! Paano na! Stupido!

Naka boxers lng ako at tiningnan ko ang relos ko 1 hour before ang flight ko kinakailangan ko ng magmadali. Pero para akong naestatwa ng makita ko si Yvonne na mahimbing na natutulog habang akap ang unan tanging ang makapal na kumot lang ang sapin niya sa katawan-----hubad.

Paulit ulit kong minumura ang sarili ko sa nagawa ko! Tang*na! Wala akong naalala sa nangyari----biglaan lang nangyari.

Pilit kong inaalis ang paningin ko sa kanya at pumasok sa CR upang makapagligo na. Sa bawat pagtulo ng tubig sa shower ay siya ding pagtulo ng mga luha ko habang inaalala ko ang magihing reaksyon niya pag alis ko----iiwan ko siya.

45 minutes nalang ang natitira kong oras kaya mabilis na akong nagbihis at inilabas ko na ang mga naka empake kong damit. Alas sais palang umaga at 7 am ang flight ko. Tulog pa ang mga bata ng pasukin ko ang kwarto nila at isa isang hinalikan sa noo.

Pababa na ako ng hagdan pero parang may humihila sakin pabalik sa kwarto kung saan mahimbing na natutulog si Yvonne, humakbamg ako malapit sa kama at pinagmasdan ang kabuuan ng mukha niya, hinalikan ko siya sa noo at nabigla ako ng magising siya.

"Saan ka pupunta?" inaantok niyang tanong.

Ang boses na yan ang pinakamagandang musika na mamimiss ko. Ang musikang tanging sayo ko lang maririnig.

"Aalis muna ako" naiiyak kong tugon habang siya ay nakapikit parin. At halatang inaantok pa

"Babalik ka?" Halos pabulong na ang sinabi niya dahil sa sobrang antok.

"Oo, babalik ako, babalikan kita" halos mapiyok ako.

Tama ba yung sinabi ko? Tama ba ang salitang "babalikan" para ipangako sa kanya?

Nakita ko siyang niyakap ako ngunit agad ko yung tinanggal at halos takbuhin ko na ang pinto para makalabas na ako sa bahay at bumungad sa pinto ang umiiyak na mukha ng mommy ko.

"M-mom-m-my" halos mapiyok ako at nabitawan ang hawak kong maleta at agad kong niyakap si mommy.

Parang yun na ang pinaka komportableng lugar para sa nararamdaman ko ngayon.

"Hush baby, hush baby ko" naiiyak na tugon ni mama.

"Tara na baby, 35 minutes before ang flight mo,pero pwede kang mag stay if you wa---"

"I'll go mom" dere deretso kong tugon kay mommy at agad niya akong inalalayan para makasakay sa kotse.

----

"Mom ang mga habilin ko po sa inyo" pinipigilan ko ang pag iyak ko na halos di na nga ako maka lunok ng maayos.

"Alam ko anak, alam ko"


Nagpaalam na agad si monmy sakin kasi ayaw niyang makita ang pag alis ko. Tiningnan ko ang relos ko 20 minutes nalang. Naghintay pa ako ng 10 minutes pero nabigo ako. Bigong bigo ako.


Sumakay na ako sa eroplano at inayos na ang seatbelt ko dahil nagsalita na ang piloto sa harapan at naka pwesto na din ang mga stewardess sa kanilang mga pwesto.

Sinilip ko ang bintana kung saan kitang-kita ang kabuuan ng NAIA at pilit na iginagala ang mga mata ko nagbabaka sakaling makita ko ang hinanap ko.


Habang unti-unti ng lumilipad ang eroplano kasabay bg pagpikit ng mga mata ko dun ko napagtanto...


Hindi parang isang wattpad love story ang buhay namin. Walang babae ang hahabol sa minamahal niyang lalaki. Walang Yvonne na hahabol sa isang Heyonel na papaalis sakay ng eroplano.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Marrying Ms. Subdivison 1-BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon