Dear Ms.Who,
Papunta na sana ako sa locker ni Ms.Drizzle ng makita kong maglakad si Airene sa hallway.
Naka-headset siya habang nakapasok yung isa niyang kamay sa bulsa ng palda niya.
Sinundan ko siya ng tingin at tumigil siya sa harap ng locker ni Ms.Drizzle. Binuksan niya iyon at pipigilan ko na sana siya ng dumating si Ms.Drizzle.
Tinanggal ni Airene ang headset niya at nakipag-apir kay Anya. Binuksan ni Anya ang locker ni Airene kaya kumunot ang noo ko.
What's happening?
"Airene, andami mong admirers. Sabog locker ko."
Huh? Kung locker 'yon ni Airene, bakit niya binuksan?
"Itapon mo nalang."
May kinuha si Airene sa loob ng locker niya at nakita kong iyon ang sulat na nilagay ko don kahapon.
Binuksan niya 'yon at nakita ko siyang ngumiti.
All this time, siya ang nakakabasa lahat ng sulat ko para kay Ms.Drizzle?!!
~Jimin
---////---
♥ⓒⓡⓔⓐⓜⓨⓢⓗⓘⓔ♥
ツ♨∞✔✘
-MochiiRain♡