Dedicated to:regretting_she
Love you bibi gurl❤hope you enjoy my story.
Don't forget to vote,comment and follow!:-)
Enjoy!!!
--------------------Si Sofina ay isang dalagang mabait,maganda at masunurin sa kanyang mga magulang.Siya ay labing anim na taong gulang na at kasalukuyang pumapasok bilang third year highschool student.Bukod sa pagiging mabait at masunurin,siya ay may angking katalinuhan din dahil siya ay nangunguna sa kanilang klase.
Tahimik na ang kanyang buhay ngunit may isang binatang manggugulo rito.---------------------------------
1:HAPPY BIRTHDAY SOFI!
Sofina's point of view
"Sofi!Dali gising na!"
Narinig kong sumisigaw si ate Selhia kaya naistorbo ang tulog ko.
"Ano po ba yun ate?aga aga pa oh tsaka wala namang pasok ah?sa monday pa naman at -------"
Hindi ko na naituloy ang pagsasalita ko dahil,"HAPPY 16TH BIRTHDAY SOFINA YIN!"
W-what?H-happy birthday??
Lumingon ako sa kalendaryo para i-confirm na birthday ko ba talaga.
June 07,Sunday.....Birthday ko na pala?di ko naalala.Ano ba yan sarili kong birthday hindi ko maalala.
"Kain na tayo dali!"sabi ni ate."Oh,nga pala pa birthday ko sayo oh"sabay abot niya sa akin ng isang paper bag na may design.
"Yan ang isuot mo mamaya.Bilisan mo nang maligo tapos nang magluto si mama.Mamaya darating na ang mga bisita!".excited na sabi ni ate Selhia.
"Grabe naman ikaw ate!parang ikaw pa yung may birthday!.Uuwi ba mamaya si Kuya Jeft?"tanong ko kay ate.Si kuya Jeft ay ang panganay kong kapatid.23 years old na siya at nasa abroad silang dalawa ng asawa niya para magtrabaho.Si ate Sehlia naman ay 18 years old at nasa 1st year collage na siya taking the course medicine.Gusto niya kasing mag doctor.
"Oo aba'y uuwi yun si Kuya Jeft!alangan namang kalimutan niya tayo noh!O siya siya tama na ang kwentuhan sofi.Maligo ka na para mamake upan pa kita mamaya.Dapat ikaw ang pinakamaganda ngayong birthday mo!"
Umalis na si ate sa kwarto at ako naman,ito naghahanda na para maligo.Tinignan ko yung binigay sa akin ni ateng paper bag at natuwa ako kasi ang ganda talaga niya!
Isa siyang dress na kulay red tapos may belt siyang kasama.Yung dress ay hanggang binti tapos sa baba nung dress,may mga maliliit na butterflies na kulay violet.Yung style ng dress ay may buntot sa likod tapos yung sa harap niya ay hanggang tuhod.Oo,alam kong simple lang siya pero napaka elegent niya.
Dumeretso na ako sa banyo para maligo.
Ay,nakalimutan ko palang magpakilala.Ako nga pala si Sofina Yin for short sofi (pronounce:Sowfi).16 years na ako ngayon syempre!.Apat kaming magkakapatid at pangatlo ako dun.Yung bunso namin ay si Siena (pronounce:SHina) 6 years old pa lang siya at grade 1 na.Ako naman,3rd year highscool na.
![](https://img.wattpad.com/cover/133932192-288-k109880.jpg)
BINABASA MO ANG
Kaaway mo Noon,Boyfriend mo Ngayon
Teen FictionPano kung ang dati mong kaaway eh boyfriend mo na ngayon?Parang hindi kapakapaniwala ano?Pero iyan ang nangyari sa dalagang si Sofina. **************************************** Ako nga pala si Sofina Yin,16 years old at ako'y nasa third year highscho...