Masayang masaya ako kasi parang nakita ko ng ang taong mamahalin ko forever as in FOREVER na talaga, yung alam ko sa pagtanda sya yung makakasama ko.
Sa pagtanda ko, sya yung nasa tabi ko, at sa lahat lahat na. Meet my boyfriend ang ever caring kong boyfriend gwapo na mabait pa.
Magaling pang kumanta, habulin yan ng girls, pero para sa kanya ako lang daw talaga ang mahal nya. Kaya MAHAL na MAHAL ko sya, SOBRA.
Sabi ng mga FRIENDs ko, magtira naman daw ako para sa sarili ko, bakit pa? eh, I know naman na mahal na mahal ako ni MARTIN, yes his name is MARTIN VALDEZ, hearthrob sya ng school, varsity pa ng basketball.
"AISHA!!!! Tawag ka ni ma'am Physics." sabi ng isa kong bestfriend, I'm AISHA CASTRO a fourth year student, they know me sa pagiging masayahin. ^__^
"Oo, wait lang may kukunin lang." sabi ko kay BFF, may pinagawa kasing report si Ma'am Physics eh. Nang makuha ko na, pumunta na kami ni BFF sa Faculty room iche-check daw kasi ni ma'am yun eh.
Habang papunta kami sa Faculty room, nakasalubong ko ang my EVERTRUELOVES... ang hubby ko. ^___^ Makita ko lang sya, complete na ang araw ko.
"Wifey? San punta mo?" tanong nya saken, ang cute ng endearment namin no? Ako nag isip non.
"Kay Ma'am Physics, isa-submit ko lang to." sabi ko sa kanya, tumango na lang sya pagkatapos ngumiti.
"Mamaya sabay na tayong umuwi wala kaming practice. ^_~" sabi pa nya saken, tapos nag wink pa.
Ang gwapo talaga nya, haisszzzt... ang swerte ko talaga, dati hanggang tingin lang ako dyan, tapos bigla na lang isang araw nanligaw sya, syempre pinatagal ko naman ng ONE WEEK ang panliligaw nya saken.
Para may pakipot effect muna, baka masabihang EASY to GET eh. Haha.... >////<
"Aisha? Wala na yung boylet mo, tara na." sabi ni BFF, waaahhh!!!! Nag de-daydream na naman yata ako, sorry naman daw, iniisip ko palang na sabay kami mamaya, waaah!!! >////<
"Oo na, masama bang kiligin? >///<" sabi ko kay BFF minsan nga lang kasi kami magkasabay kasi nga may practice sya sa basketball minsan naman may Project syang dapat tapusin, eh kasi naman First section sya.
Matalino nga kasi sya, kasali sya sa Top 10 eh ako? Mga Top 45 yata ang layo talaga ng agwat. Section B pa ako. (_.__")
Secret lang yung relationship namin, kasi alam mo na? Susugudin ako ng mga fan girls nya mahirap na, ayaw daw nya kong mapahamak, kaya love na love ko sya eh. Maalalahanin. ^__^
Si BFF lang at ako yung nakakaalam, ayyiiiehh... sa GRADUATION daw kami magiging official, ayos lang naman saken kasi I understand him naman.
Naipasa na namin yung report ko sa Physics ayos naman daw kaya Ok na, bale ire-report ko na lang sya sa next meeting.
Fast Forward...
Uwian na, at ang saya saya ko, si BFF kasi umuna may inutos kasi yung mama nya, alam naman nyang kasabay ko si Hubby ko. ^_~ Ayyiiieehh... ako'y kinikilig. >///<
Medyo wala ng tao, dito kasi kami dadaan sa likod para walang makakita, ang saya saya ko talaga, ginagawa nya lahat para saken. San ka pa?
Naglalakad na kami, naka cap sya na may shades, haisszzt... how I wish na GRADUATION na para official na kami. >///<
Hinawakan nya yung kamay ko, >///< napatingin ako sa kanya, nyaks ang gwapo talaga nya.
"Ang cute mo talaga, tara dun muna tayo sa may Park." sabi nya, pumunta kami sa may park at umupo sa may swing magkahawak yung kamay namin.
BINABASA MO ANG
LETTING GO!!![ONE SHOT]
Teen FictionSabi nila..."If you love someone you should let him/her go?" Pano pag di mo na mahal? Hindi mo na ile-LET GO???