Pag-ibig

40 1 0
                                    

Minsan, napapatanong ka,

Ba't ba ganito ang pag-ibig?

Minsan malungkot, minasan masaya,

Minsan nasa ilalim, minsan nasa ibaba.

Sa unang yugto ng pagmamahalan,

Matitikman mo ang tamis at kasiyahan.

Kapag nagtagal at ika'y nasaktan,

Matitikman ang pait at kabiguan.

Madaling sabihin na kalimutan siya,

Mahirap gawin na iwan siya.

Iniwanan ka ng masasayang ala-ala,

Rasun para ipaglaban siya.

Ngunit, napakasakit na malaman,

Na siya mismo ang unang sumuko.

Sumuko sa inyong pagmamahalan,

Iniwan ng nabigong pangako.

Ang sakit, sobrang masakit,

Parang sasabog sa sobrang hapdi.

Oh, bakit ba ganito kapait?

Ang naging kapalaran sa pag-ibig.

Sa iyong paghihinagpis sa kabiguan,

Ika'y unti-unting magbabago.

Sisibol ang katapangan,

At magtataglay ng katatagan.

Di mo alam kung saan ka nagbago,

Nagbago ba sa masama o nasa mabuti.

Ngunit, iisa lang ang alam mo,

Kailanman, hinding-hindi ka na magpapaloko.

Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon