Chapter One - TUTTOMODA U.

1.6K 76 11
                                    

Sa sobrang laki ng sign sa labas ng school gate hindi makakalimutan ng bawat estudyante ang pangalan ng eskwelahan nila. Sa katunayan nyan, halos sakupin na nito ang buong gate. Monotype Corsiva pa ang font style, at nakakalokang rainbow colors na mga letra. Hindi lang yon, napapaligiran pa ito ng pink and white bougainvillea. Ewan ba nila sa nagmamaganda nilang Dean na si Ms. KG. Lahat kasi ng kaartehan sa school na ‘yun, kagagawan ng Dean nila.

Lunes. Ang araw na pinaka-kinaiinisan at kinatatamaran ng halos lahat ng estudyante. Nagmamadali ang lahat na pumasok. Yung iba dahil late na at ang karamihan, para mangopya ng assignment. Lakad takbo pa nga ang ginawa ng ilan makaabot lang sa klase nila.

Hindi pa man break time ay may walong estudyante nang nakatambay sa may ilalim ng punong mangga malapit sa canteen. Maaga silang pumasok ngayon dahil ang org. nila na ‘Kami Ang Bahala, Kayo Ang Kawawa’, ang punong abala para sa program na gaganapin next week. Paborito silang pahirapan ng nagmamaganda nilang Dean kaya ang org. nila ang pinili para maging ‘host’ ng program. Lingid sa kaalaman ni Ms. KG, pabor pa sa magkakaibigan ang pinagawa nya dahil nagkakaroon sila ng bonding time at may excuse sila para ma-late o hindi pumasok sa klase.

Ang clingy besprens pa ba? Marunong silang tumingin sa bright side. Kaya naman inis na inis sa kanila si Ms. KG, palagi kasing kontra sa kanya ang magkakaibigan. Well, hindi din naman sya gusto ng magkakaibigan, so quits lang.

"Ayaw nyo di ba?" tanong ni Sic pagkabukas nya ng kahon ng pizza. Tumigil ang lahat sa ginagawa nila at nagniningning ang mga mata na nakatingin sa pizza. Nai-set ni Sic ang camera ng phone nya at ready nang pindutin ang capture nung biglang may pitong kamay ang nag-unahan sa pizza.

"Tangina! Pumikit lang ako, ubos na!" sigaw nya. Walang sumagot sa kanya dahil busy sa pagnguya ang mga kasama.

"Ganda ng kuha oh. Puro kamay," sarcartic nyang sabi habang nakatingin sa picture.

“Daaaaa!” kumento ni James – ang minion nilang kaibigan habang nakasilip sa phone ni Sic. Sinamantala ni Sic ang pagkakataon at isinandal ang ulo sa balikat nito.

"OA. May isa pa oh." Tinuuro ni Silvia ang loner na pizza, hindi pa nakuntento at kinuhanan pa ng pinya. Doon nya lang napansin ang nakasandal na ulo ni Sic sa balikat ng ‘babe’ nya kaya marahas nyang tinapik si Sic, “huwag mo ngang hawakan ang babe ko!” Sabay hila kay James papunta sa kanya. Sinamaan lang sya ng tingin ng kaibigan sabay sabing, "Kunin mo na nahiya ka pa eh."

"Anong akala mo sakin, ma--"

"OO!" sabay-sabay na sagot ng magkakaibigan.

"Mga letche kayo. Hindi pa tapos, oo agad," alma ni Silvia.

Clingy BesprensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon