Happy Go Lucky ( my first love ) part 1

69 0 0
                                    

Chapter 1

Unang araw nilang tatlo sa kolehiyo pareho din sila nag dorm sa loob ng campus ng school.nagmamadali ang bawat kilos para hindi mahuli sa klase.

" Striker bangon ka diyan para hindi na tayo mahuli!" tawag ni Enteng sa kaibigan.

Umungol lang si striker hindi bumangon tamad ito kapag sa umaga palagi nag pupuyat dahil sa paglalaro ng Dota.

"striker kung ayaw mo bumangon diyan sige ka buhusan ka namin ng malamig na tubig sa kama mo!" panakot ni nadare kay striker.

Agad naman bumangon si striker dahil takot siya mabuhusan ng tubig alam niyang totohanin iyon.

Dumeretso agad ito sa bathroom para maligo na. pag labas niya nakabihis na ang dalawa.

" ang ingay ninyo ang sarap ng tulog ko naputol tuloy ang panaginip ko!" reklamo ni striker sa dalawa.

" aha kami pa ang maingay dito eh kung batukan kaya kita diyan para magising na talaga ang diwa mo!" wika ni enteng kay striker.

" ano na naman ba yang panaginip mo?" tanong ni nadare kay striker.

" mag level up na sana ako sa Dota bigla nyo akong ginising!" pakamot kamot pa ito sa ulo

" Anooo! Sabay nina enteng at nadare

" kahit kailan striker puro nalang computer games andiyan sa kukute mo!" saad ni enteng kay striker

" eh iyon man ang gusto ko ayaw ko maging doktor sinunod ko lang gusto ni daddy sa akin!" sagot ni striker nakahalukipkip pa ang kamay nito.

" ang sabihin mo chicks lang andiyan sa kukute mo!wahahahaa" segunda ni nadare kay striker.

" aba! Nagsalita din ang habulin ng chicks kahit walang sex appeal hindi sinasanto wahahahaa!" buska din ni striker kay nadare

" pwede! tama na iyan pareho naman kayo eh gusto nyo lang happy go lucky pati ako nadadamay na sa kalokohan ninyo!" saway ni enteng sa dalawa.

" hayun! Si Isaac newton nagsalita na ang pinakamatalino wahahahahaa!" biro ni striker

" sige na mag ayos kana striker para papasok na tayo sa unang araw natin 8:30am na striker malate na tayo!"utos ni enteng kay striker

At tumalima naman agad si striker hindi na ito nag aksaya magplantsa pa ng damit niya kinuha nalang niya ito sa hanger kung gusot man ito o hindi hindi maarte si striker kahit pa ito anak mayaman down to earth silang dalawa ni nadare.

" striker hindi nga halata na habulin ka ng plantsa noh!" wika ni nadare sa kaibigan.

" hayan na ang ebedensiya adik sa dota hayaan muna tol habulin siya ng plantsa!" saad ni enteng na pinagtawanan pa nila ito pareho.

Nagkibit balikat lang si striker sa dalawang kaibigan pinagtawanan siya.

" ahahahahahaha! Nakakatawa kayong dalawa wala na naman kayo nakitang iba kundi ako na naman!" gigil na usal ni striker sa dalawang kaibigan nito.

Nagmamadali silang pumasok sa room dahil papasok na rin ang kanilang professor.

Magkatabi silang upuan dahil si enteng ang kanilang sandigan kapag may exam ito.

Si enteng ang kanilang notes ang kanilang pinagkukunan ng sagot at pasalamat sila sa kaibigan tinutulungan silang hindi mabagsak. Si enteng ang tumatayo sa kanila bilang ama kaibigan at ina dahil hindi sila pinapabayaan sa lahat.

Natapos ang buong araw.at pauwi na sila sa kanilang dorm pero maloko talaga itong si striker

" mga tol magpahangin muna tayo dito di ba kayo na bobored doon sa dorm natin apat na sulok lang makikita natin!" wika nito sa dalawa.

Nagkatinginan sina nadare at enteng alam na nila may kalokohan naman ito gagawin.

" anu iyon tol dota na naman ba yang nasa isipan mo? Tanong ni enteng kay striker

" no! tol makiparty tayo doon ohh!" sabay turo ni striker sa bahay malapit sa kanilang university

" what! Sagot ni enteng kay striker

" cool ako diyan! Baka may chicks tayo makita!" wika ni nadare

Walang nagawa si enteng kundi maki join narin siya tama naman si striker nakakabored din sa dorm nila

Minsan maloko din si enteng kaya nga naging magkaibigan silang tatlo kahit pa langit at lupa ang status ng buhay nila.

Ang tatlong kalog pasaway kung umibig walang sablay.

Naglakad na sila papasok sa bahay na iyon na may party. Walang guard kaya nakapasok sila agad.

Agad nila nilibot ang kanilang paningin ng makita ang buffet nilapitan nila ito at kumuha ng pagkain feel at home talaga ang tatlo.

Nakatatlong subo na silang ng may nagsalita sa likod nilang babae

" sino kayo at bakit kayo nakapasok dito!" mataray na tanong ng babae.

Hindi agad nakakibo ang tatlong lalaki dahil naumid na sila at saka maraming pagkain sa bibig nila halata talagang gutom na gutom!!

Mga kaibigan umpisa na naman sa bago ninyong aabangan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Happy Go Lucky ( my first love ) part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon