Kristine’s POV
Umuwi si daddy. Nakita niya akong nakahiga sa sofa. Ginising niya ako.
“Anak, anak. Gising Kristine.”-Daddy
Minulat ko yung mata ko, nakita ko si daddy! Kamukha ni Flappy Bird! Kinuskus ko yung mata ko. Nakita ko naman mukha ni Tiya Racal, mukhang nagshabu. Kinuskus ko ulit yung mata ko, nakita ko na talaga si daddy. Umupo ako ng maayos at pinagmasdan ko si daddy.
“Daddy! Ikaw po ba yan?”
“Oo anak. Madami akong dalang pera para sayo! Mayaman na tayo!”-Daddy
“Weh di nga? Talaga daddy?”
“Oo anak, kakatrabaho ko. Sinuwerte tayo!”-Daddy
~Nagvibrate yung cellphone ko~
*Nakalagay sa screen ng cellphone ko : Nananaginip ka lang! GISING NA KRISTINE!*
Nagising ako. Hayy. Panaginip lang pala yun, akala ko totoo na. Nakatulog ako sa sofa, HAHAHA. Ayt. Oo nga pala pupunta dito si Bianca para sa ibibigay niya sa’kin tapos magkikita kami ni Chad mamayang 3:00. Mag aayos muna ako.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~!
Nakaligo na rin, HAHA. May biglang kumatok sa pinto.
“Bhestie! Bhestie! Buksan mo yung pinto! Andito na ako!”-Bianca
“Oo na!”
Binuksan ko yung pinto. ANDAMING bag ang dala ni Bianca.
“Ano yang mga yan?”
“Damit, sapatos tapos yung nasa loob ng bag make-up.”-Bianca
“Ano?! MAKE-UP?! HINDI AKO NAGMEMAKE-UP!”
“OA naman nito. Alam ko namang hindi ka nagamit, para sa’kin yun. Pero kailangan mo din magmake-up.”-Bianca
“Ahhh, akala ko nga.”
“Tara na. Magbihis ka na! Makikipagkita ka pa sa kanya diba?”-Bianca
“Mamaya pang three.”
“Basta maghanda na tayo, tara na.”-Bianca
Hinila ako ni Bianca papasok sa kwarto ko. Pinag suot niya ako ng white na blouse at light pink na skater skirt, nakablack akong sapatos na mataas. May hairband akong may bow tie sa tabi. May light make-up pa ako.
“Yan, bhestie! Ang ganda mo talaga!”-Bianca
“Baliw!”
Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Impernes ang ganda ko nga, HAHA echos.
“Tara na Bhestie! Malapit na yung pagkikita nyo.”-Bianca
“Ayt. Oo nga pala. Mag three o’clock na!”
Lumabas kami at nagsakay kaming taxi papuntang Memorial Park.
“Dala mo yung cellphone mo? Baka nagtext sya!”-Bianca