DIMENSION

648 26 18
                                    

PANIMULA
SEMRAL
Isa na namang matagumpay na pag salakay ang naganap sa mga oras na ito sa nayon ng MILENER.

Ang mga Milener ang taga balanse ng kapayapaan sa mundo ng Dimension. Isa ang nayon ng Milener sa pinaka-makapangyarihan sa 5 kaharian na sumasagisag sa mundo ng Dimension.

Ang Kotyu, Pimari, Melodiyo, Orzaro at Milener. At ang mundo ng Dentinum, ang bukod tanging Kaharian sa Dimension kung saan namamalagi lahat ng nag dudulot ng gulo sa Dmension.

"Dumanak na naman ang lilang dugo mula sa mamayan ng Milener Semral." Itinaas ko ang aking kanang kamay at nag bigay pugay sa lahat ng mamayan na nag buwis ng kanilang buhay.

"Hikami Buhalira. Rolteru Agriverty Heturi Dimension!"
(Mapayapang paglalakbay. Mag bigay pugay mamayan ng Dimension )

Habang isinisigaw ko ang mga katagang iyon, isang malakas na iyak ng paslit ang pumukaw sa atensyon naming lahat.

"Semral.. isang bata ang naka ligtas." Sigaw ng isang Drina(isang uri ng kawal).

Hindi na ako nag dalawang isip at pinuntahan ko ang batang himalang nakaligtas. Sa lakas ng iyak nito, kaya niyang payanigin ang buong Dimension. Kumapit ang lahat dahil sa lakas ng pagyanig sa mga oras na ito.

Kumanta ang isang Yaswe at kadahilanan upang tumahan ito.
(Yaswe isang uwi ng Helper na namamahala sa mga prinsesa at prinsipe)

Nang aktong lalapitan ko na ang batang paslit na walang tigil sa pag iyak. Halos hindi ko makita ang kabuuan ng kanyang mukha dahil naka sagabal ang kanyang kulay itim na buhok sa kanyang mukha.

"Ano ang iyong pangalan munting paslit?" Kung hindi ako nagkakamali, nasa 4 o 5 gulang ang batang ito.

Bahagya itong kumalma. "Huwag kang mag alala, pu-protektahan ka namin. Ikinalulungkot naming ipalaam sa iyo na ang buong nayon ng Miliner ay sumakabilang buhay na."

Bakas sa mga galaw ng bata ang pagkalungkot. Iyinuko niya ang kanyang ulo at wala pa rin humpay ang pag tulo ng kanyang luha. Nagiging crystal ang mga luha nito sa tuwing pumapatak ito sa lupa.

"Ano ang iyong pangala--" nang aktong lalapitan ko na ito. Hinawi ng Drina ang kanyang buhok upang makita ang kanyang mukha.

Kulay Lila ang kanyang mga mata. Isa lang ang ibig sabihin nito..

"Semra----------" bago natuloy ng Drina ang pag tawag sa aking pangalan. Sumabog ito na parang bituin sa kalangitan.

Nabalot ng katahimikan ang noo'y nababalot na pighating nayon ng Milener.

"Semral.. mapanganib kung lalapitan mo ang paslit." Tinapik ko sa bisig ang Drina na lumapit sa akin.

(DRINA-ISANG URI NG KAWAL)

"Huwag kang mag alala, alam ko ang aking ginagawa. Hindi mo kailangan mangamba." Nag bigay pugay ito sa akin pag katapos ng mga salitang aking sinabi ko. "Masusunod mahal na Semral."

Linapitan ko ang batang paslit at tinakpan ang kanyang mga mata.

"Totoo nga ang nakasulat sa propesiya. Isang Yonix ang darating.. Isang Yonix ang tatapos sa mundo ng Dimension!"

Habang tinatali ko ang piring sa mata ng batang ito. Unti-unti kong binubura ang huling pangyayari na nakita ng kanilang mga mata.

Isa lang ang tumatakbo ngayon sa isip ko..

Kailangan ko itong protektahan..
Dahil ang batang ito ang sasagip o wawasak sa mundo ng dimension. Dahil maaring maging mapanganib ito kung pinabayaan at hindi bibigyan ng pansin.

Tinaas nito ang kanyang ulo. At hinawakan ang aking mukha.

"INA..." ngumiti ako sa batang paslit.

"Hangga't nabubuhay ako pu-protektahan kita." Nakita kong ngumiti ang batang paslit.

Muli kong itinaas ang aking espada. Hudyat lang nito na lilisanin na namin ang nayon ng Milener. Inihagis ko sa ere ang aking kwintas at tinawag ko ang natutulog na DRACO na nakatira sa pendant ng aking kwintas.

(Draco isang uri ng Dragon)

Si Draco as isang mabangis na dragon noon. Pero maamo na ito ngayon. Kulay pula at puti ang aking Draco. Raveno ang kanyang pangalan.

"Lilipad tayo. Kumapit ka."

Kumapit ito ng mahigpit sa akin.

Balang araw mauunawanan mo din ang lahat.
Puprotektahan kita sa abot ng aking makakaya.

Ikaw ang nakasaad sa propesiya, Batang YONIX.
Coming soon..

(Next week na ito hahaaha)

-----
First of all. This story is already written 8 years ago. Nung panahon hindi pa nasisira ang laptop ko. I have this idea way back then. Di ko lang alam paano ko ito aayusin. Sana magustuhan niyo.

Ang mga nakasaad na pangalan ay pawang gawa-gawa ni Sarah. Sana mag enjoy kayo sa mundong aking binuo.

DIMENSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon