UNANG YUGTO

216 11 1
                                    

Available din ang promotional video. Please bear with me, dahil kailangan ko ulit pag aralan ang mga karater sa istoryang ito.

Sana magustuhan ninyo.
Lubos na gumagalang,
SARAH

*****
SEMRAL
Hindi ako nag dalawang isip na dalhin siya sa GOETIC. Tanging may mataas na antas at tunay na makapangyarihan ang pwedeng makatapak sa paaralan na ito. Ito ang puso ng Dimension.


"APRI LA PORTALITELO!" lumikha ng pagyanig sa lupa pag katapos kong banggitin ang sagradong salita upang mabuksan ang portal ng Goetic.

Bumukas ang higanting portal na gawa sa kristal at diyamante. Kumapit sa akin ang batang paslit na Yonix.

Pag katapos ng tatlong taon, muli na naman akong nakabalik sa paralaang ito. Tapos na ang gulo sa nayon ng Milener. Kalunos-lunos ang sinapit ng mga tao doon.

"Huwag kang mag alala. Hangga't ako'y nasa iyong tabi. Walang sino man ang pwedeng manakit sayo" marahil hindi pa nito alam ang aking mga sinasabi dahil isa palamang itong batang musmos.


Sabay kaming humakbang papasok sa Goetic ang bukod tanging lugar sa Dimension kung saan pwedeng mag aral ng Dimyeon(people of Dimension) at mag sanay upang maging isang ganap na Orenda. Sorafina, ang aking nilikhang pangalan para sa batang walang ideya kung anong katauhan ang meron ito.

(I'll explain later kung ano at sino ang mga unfamiliar words. Just bear with me. Tapos yung map ng Dimension, para may idea kayo kung anong itsura)

Pag bukas ng malaking portal, sinalubong kami ng napakabilis at nagliliyab na Siham(arrow).
Mabilis akong umaksyon at pinigilan ito sa pamamagitan ng pagharang ng aking kamay.  Tumaliwas ito sa orihinal na direksyon at tumama ito sa isang Drina. Mabilis namatay at naging pulang paru-paro ang drina na tinamaan ng siham.

Iisa lang ang pwedeng mag pakawala ng Siham. Si prinsipe.

Nararamdaman ko ang bahagyang pagyanig ng lupa.
Kahit bata pa lang ang prinsipe, hindi ko maitatanggi na napakalakas nito. Alam kong nasa paligid lang ang Prinsipe Ryujin.

Muli itong nag pakawala ng nag-aapoy na Siham. Sa pag kakataon ito ay hindi lang isa ang pinakawalan niya. Itinago ko sa aking likod ang batang si Sorafina. Pinigilan ko ang pag tama ng Siham sa akin, gamit nang aking kamay. Nahati ang mga ito sa dalawa.


"Prinsipe Ryujin." naka suot ito ng puti at itim na kasuotan. At may taklob ito sa kanyang ulo. Mukha itong kasapi ng mga kulto.

"Mahal na Prinsipe Ryujin. Ikinalulugod kong ikaw ay aking makita." hindi ito naka ngiti. At mukhang hindi nito nagustuhan ang bitbit kong bata.

Si Prinsipe Ryujin ang kasalukuyang prinsipe ng Dimension. Ngumiti ito at nag bigay galang sa pamamagitan ng pag yuko at pag bibigay ng kortesiya. Bilang isa pa rin akong tagapamahala sa paaralan na ito. Ngunit, sarcastico ang pag bati nito sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DIMENSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon