Chapter 33: Two boys with me?

996 17 0
                                    

"waaaaaahhh nabusog ako don! ansarap kumaen ng street foods babalik tayo dun ah?

"sure pero minsan lang ha? hindi kase maganda na palagi kang kakaen ng ganon okay?

"opo!

Maya maya ay nagpark na si Jade. Bumaba kami at agad pinuntahan si Clarence.

"Pumasok kana. Sabe ni Jade.

"Ako lang?

Tumango sya sakin at ngumiti.

"Bat hindi ka sumama?

"Actually hinihintay kana nya Trix.

Nakaramdam ako ng kaba dahil kay Jade, baka naaalala na nya ko? bakit nya ko hinihintay?

"Hindi ko agad sinabe kase busy ka sa pagkaen kanina. Tita Claudine texted me that he already remember everything. Plain nyang sabe. Hinawakan ni Jade ang doorknob at bahagyang binuksan ang pinto para sakin.

"Go inside he's waiting. Sabe nya saka tumalikod sakin at nag lakad palayo. Nanghihina ang tuhod ko dahil sa sinabe nya. Isa to sa pinaka hihintay ko. Nakita ko pang tumigil at lumingon si Jade saka ngumiti at nag wave. Habang palayo sya ay parang gusto ko syang tawagin, his presence makes me feel secured while clarence makes me feel that I am loved. Bakit ganon? Nalilito ako.

Natutuwa ako pero bakit ganito? kinakabahan at parang may kung anong takot ang nararamdaman ko. Dahil ba alam kong marami syang alam? maraming sekreto sila Clarence pero nangako akong hindi ko na iyon aalamin pa.

Pero bakit nang makita kong paalis na si Jade ay nakaramdam ako ng sakit at takot na baka tuluyan na syang mawala ulit.

Tumingin ako sa dereksyon nya pero wala na sya, ang naririto ay si Clarence na lang, ang Clarence ko ay nag balik na.

Bakit meron akong pagdududa? bakit parang may doubt at bakit hindi na ito gaya ng dati kong pananabik kay Clarence na mahal ko?

Huminga ako ng malalim saka bahagyang pumasok sa loob ng silid ni Clarence. Nilakasan ko ang loob ko, Nakita ko syang nakaupo sa kama at tila gulat na gulat sa pag pasok ko. Nanatili akong nakatayo sa may pinto dahil sa panghihina. Gising na nga sya at nakakaalala na, sigurado ako dahil ang mga titig nya ay nagbalik na.

"That look? Damn!

Tumayo sya at tinanggal lahat ng nakakabit sa kanyang kamay saka mabilis na lumakad papalapit saakin. Nang maabot nya ko ay agad nya kong niyakap ng mahigpit.

Tumulo ang luha ko dahil sa pananabik sa kanyang mga yakap.

"Akala ko hindi mo na ko pupuntahan, I miss you Trixie. Bulong nya habang yakap yakap ako.

Tumutulo pa rin ang aking luha sa tuwang nararamdaman ko. Inangat ko ang kamay ko saka ko sya ginantihan ng yakap, yakap na matagal ko ng gustong gawin sa kanya noong tulog pa sya.

"Thanks God at bumalik kana. Mahina kong sabe.

Bumitaw sya sa pagkakayakap at hinawakan ang mukha ko. "Are you okay? you look pale Trixie. Sabe nya saka hinawakan ang kamay ko.

"I'm happy to see you Clarence. Sabe ko.

"I'm here Trixie, don't be afraid hindi na ko ulit mawawala sa tabi mo.

Napahawak ako sa tyan ko dahil tila nakaramdam ako ng isang pulso. Tila may tibok na ang batang nasa sinapupunan ko at nakakaramdam din sya ng saya.

"Gutom kaba? tanong nya.

Umiling ako saka hinawakan ang mukha nya. "I miss you rence, napaka tagal mo kong pinaghintay. Nang lapitan nya ko lahat ng doubts ay nawala.

Pregnancy of the VirginWhere stories live. Discover now