Napabalikwas sa pagbangon si Aeine Jhelle (pronounce as Angel) matapos magising dahil sa napakalakas nyang alarm clock. Tinanghali nanaman sya ng gising dahil sa kababasa ng wattpad. Pinilit nyang tapusin ang istoryang binabasa at hindi namalayang alas kwatro na ng umaga. Alas otso ang pasok nya bilang isang janitor sa isang hotel. Wala na syang pamilya, namatay ang mga ito sa isang aksidente at siya lamang ang natirang buhay. Dali-dali syang naligo at nagbihis dahil paniguradong sasabunin nanaman sya ng masungit nilang supervisor.
Pagkarating sa hotel ay nandoon na nga ang mga kasamahan nya at ang supervisor nilang umuusok na ang ilong. Si Mr. Apolonio Dominguez, Ma'am Apple for short. Labing walong taon na syang nagtatrabaho sa hotel na ito. Nagsimula sya bilang isang staff hanggang maging supervisor. Yes! You're right! Kung iniisip mong isa syang beki? Hindi ka nagkakamali. Kilala sya sa pagiging strikto nya at lahat ng staffs ay takot sa kanya.
"Sorry po Sir. Tinanghali po kasi ako ng gising". Pagdadahilan ko.
"Anong sorry sorry?! Lagi ka nalang late. Hoy Aj, ipinapaalala ko lang sayo, trabahador ka dito at hindi special guest! At isa pa! Ma'am ako,hindi Sir!". Nanggigigil namang sagot nito.
"Mianhamnida Sir, hindi na po mauulit" pagmamakaawa ko.
"Wag mo akong daanin dyan sa paawa effects mo! Tigilan mo ang ka sasagot ng ganyan sakin! At talagang hindi na mauulit to dahil ito na ang huling araw mo dito, You're fired!" Sigaw nya at padabog na pumasok sa opisina nya. Agad akong nagpalit ng uniporme at nagsimulang maglinis. Maya-maya pa ay lumapit sakin si Joanna, Jhone for short. Best friend ko sya since birth jokssss! Magkaibigan na kami simula pagkabata dahil pareho kaming lumaki sa isang bahay-ampunan. Tulad ko, mahilig din magbasa ng wattpad si Jhone. Kadalasan, sya ang nagchichika sakin ng mga latest at sikat na mga stories sa wattpad.
"Puyat ka nanaman no?" tanong nya.
Tango lang ang isinagot ko sa kanya.
"Tinapos mo nanaman ba ang isang story sa buong magdamag?!" Nagpipigil na bulong nya ulit.
At tulad kanina, tango lang ang isinagot ko sa kanya.
"Sesanghe! Jusko naman, Aj! Dahil dyan sa kaadikan mo, nawalan ka ng trabaho!" Hindi na nya napigilang bulyawan ako.
"Manahimik ka nga, Jhone! Mamaya marinig tayo ni Onion, madamay ka pa!" Pabulong na sigaw ko sa kanya.
"Eh kung ikaw ang marinig nyang tinatawag mo syang onion?"Natatawa nang sagot nya.
"Bakit? Totoo naman ah! Maliban sa malaki ang napapanot na Ulo nya, ang sakit nya pa sa mata!" Tawang tawang sagot ko naman sa kanya.
"Hay nako! Aeine Jhelle De Jesus! Tigilan mo na yang kalokohan mo! Tignan mo nga yang eye bugs mo, mas mabigat pa dyan sa tubig na laman ng timba mo. Kung naibebenta lang ang eye bugs? Ang yaman mo na sana!" Biro nya.
"Ang hard mo naman sakin bepeu!" Nagtatampo kunwaring sagot ko." At tyaka ikaw rin naman ah!" Panunumbat ko sa kanya.
"At least ako, hindi nagpupuyat para lang magbasa ng wattpad. At wag mong isumbat na ako ang nag impluwensya sayo, eh mas adik ka pa nga sakin eh!" bulyaw nya.
"Sorna bepeu, hindi naman kita sinusumbatan eh. Tyaka thankful nga ako dahil sayo, nakilala ko ang forever ko. Kamsahamnida bepeu!" Sabay yakap ko sa kanya.
"Isa pa yan! Nangdahil sa kababasa mo, maiinlove ka na nga lang, sa fictional character pa!" Ganting yakap nya sakin.
Humiwalay ako sa kanya at sumimangot."Ano ba Jhone? Support mo nalang ako."
"Eh pano ka na nyan? Wala ka nang trabaho, san ka kukuha ng pang tuition mo?" Nag-aalalang tanong nya.
Bigla kong naaalala na pasukan na pala sa next month at Wala pa akong ipon para sa tuition ko. Maayos ang buhay namin noon. Nakakapag-aral ako sa kahit na anong pribadong paaralang gusto ko hanggang sa dumating ang isang trahedya sa buhay ko. Namatay ang pamilya ko sa isang aksidente at ako lang ang naiwan. At dahil bata pa ako noon, hindi ko alam kung saan kami nakatira kaya dinala ako sa bahay-ampunan ng ospital na pinagdalhan samin ng pamilya ko.
"Bahala na. Maghahanap nalang siguro ako ng bagong trabaho kahit part time lang" malungkot na wika ko.
"Good luck sayo bepeu, hirap pa namang maghanap nang trabaho ngayon. Bukod sa wala pa tayo sa legal age, kailangan din na graduate tayo kahit Senior High lang" malungkot ding tugon nya.
Grade 11 na kami ni Jhone sa pasukan. Pareho kaming nag-aaral habang nagtatrabaho. Ang pinapasukan namin ay ang nag-iisang paaralang mababa ang tuition fee dahil yun lang ang kaya ng aming mababang kita sa araw-araw na pagpasok bilang janitress. Tinapos na namin ang trabaho namin upang makauwi na kami.
"Oh, pano? Mauna nako, good luck sa paghahanap mo ng trabaho. Kundi ka ba naman kasi palaging late, edi may trabaho ka pa bukas" paalam nya.
"Wag mo na akong pagalitan bepeu. Nagsisisi na nga ako ehh"
Sagot ko sa kanya."Ano pang magagawa nyang nagsisisi mo eh huli na ang lahat? Basta, siguraduhin mong makakahanap ka ng bagong trabaho para makapag-ipon ka ng tuition mo" aniya.
"Sige bepeu, Ingat!" Paalam ko.
"Ikaw din. Bye bye!" Sagot nya.
Pagkaalis ni Jhone ay naglakad-lakad ako para maghanap ng mga hotel, restaurant, fast-food chain, ultimo maliit na karinderya na nangangailangan ng tagalinis o katulong.
Kung saan-saan na ako naka rating ngunit patuloy lang ako sa paghahanap ng trabaho. Pagod at gutom na ako dahil hindi ko pa nakukuha ang huling sweldo ko sa hotel. Nararamdaman ko na ang antok na syang nagpapasakit sa aking ulo. Naglalakad ako ngunit pakiramdam ko ay hindi sumasayad sa lupa ang aking mga paa. Masyadong magulo ang isip ko at hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala sa sarili akong tumawid sa kalsada ng biglang...
Beeeeep! Beeeeep! Beeeeep!
Nasilaw ako sa liwanag ng isang truck na paparating sa kinaroroonan ko. Napakabilis ng pangyayari. Tumilapon ako sa gilid ng kalsada. Wala na akong maramdaman at unti-unti ng kinakain ng kadiliman ang paligid ko.
BINABASA MO ANG
My Wattpad World
FantasyThis story is just a work of fiction. All of the names, places and situations written is created by the imaginative mind of the author. The story is inspired by other story in wattpad. Some of the scenes are excerpt from the famous stories of other...