Prologue

3 1 0
                                    

Isang gabi, naalimpungatan ako sa aking mahimbing na pagkakatulog at natagpuan ang aking sarili sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Nakahiga ako sa malamig na lupa, napalilibutan ito ng nagtataasang mga puno. Napakatahimik ng lugar at tanging huni lamang ng mga insekto ang naririnig.

Nasaan ako at paano akong napunta rito? Anong pangalan ko at bakit ako nasa ganitong lugar? Bakit wala akong maalala?

Bumangon ako at pinakiramdaman ang aking sarili. Buhay pa naman ako at wala ring masakit sa kahit na anong parte ng aking katawan.

Naglakad-lakad ako at natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakatayo sa isang lugar kung saan maraming tao na hindi pamilyar sa akin. Ang mga tao ay naglalakad papasok sa isang napakalaking palasyo. Sinundan ko sila hanggang sa marating ko ang bungad ng tarangkahan. Sa labas pa lamang ay napakarami nang tao at namangha ako ng makita ko ang dagat ng mga taong pumapasok sa palasyo. Napatingin ako sa itaas ng tarangkahan at binasa ang karatulang nakadikit rito.

WELCOME TO WATTPAD WORLD

My Wattpad WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon