pilosopotasya
"Gusto ko 'yan."Dati, parang napakasimple lang ng mga salita na yan. Yung tipong wala ka'ng pake kahit na ilang beses mo pa marinig yan sa buong existence mo sa mundo? Yung tipong walang kilig factor kapag marinig mo 'yan?
OA na kung OA pero kinikilig ako sa tuwing nababasa ko yan! Bakit? Simplehan na natin...
DAHIL SA LOVE SONGS FOR NO ONE (LS4N1) NI ATE RAYNE MARIANO!!!
Ayan, para mega intense.
Hindi ko inexpect na ganito yung magiging tama ko sa ganitong kind ng story. I mean, 'di naman talaga ako nagbabasa ng fan fiction (lol). The only reason kung bakit ko ito nadiscover ay dahil ang ingay ingay ng isa sa mga finofollow ko sa twitter! Halos kainin na ng tweets and thoughts niya about sa LS4N1 yung twitter ko! Super fan siya ni ate Rayne. Ayan, naintriga ako mga beh, edi ayan hinanap ko yung kung ano man 'yang ls4n1 na yan (char). Edi ayun, Nakita ko! Kay ate Rayne pala 'yon.
I started reading it. Buti malapit nang mag christmas break nung nadiscover ko 'to. Kasi kung hindi? Jusko baka isa na akong eyebags na tinubuan ng tao.
Bakit?
KASI 'DI KO MAPIGILANG BASAHIN LAHAT AT HINDI KO NA NAMAMALAYAN ANG ORAS KASI SUPER ENJOY SIYA BASAHIN NA PARA BANG NAY BUMUBULONG NG, "Basahin mo pa, hindi ka naman malelate sa pagpasok mo bukas...". Yun lang naman.
At dahil nga naadik na ang ante niyo at wala namang nagbabasa ng LS4N1 katulad niya, then wala pang mega fan si Karen Jade Cal sa mga kaklase niya (ako pa lang), wala siyang malabasan ng feels! (Ajuju sad reax)
At dahil diyan, nanghikayat siya sa twitter! Oo pabibo na kung pabibo! Pero beh, di ko kasi talaga kayang walang malabasan ng feels :(((. At sa kapabibuhan ng taong ito, nahikayat niya yung isa niyang kaklase at dalawa na silang nagbabasa. (Buti walang pasok 'no? Baka kasi nagsapakan na kami sa classroom sa sobrang kilig!) Napansin din pala ako ng Team Kaye Cal! Ang saya lang, ang bibo ko kasi. (Lol)
At dahil nga nanotice ako ng isang member ng Team Kaye Cal, binigyan ako ng sandamakmak na suggestions ng dapat kong panoorin na vids sa youtube! Ang saya lang, para na akong nakahithit ng drugs tapos Kaye Cal yung name.
Tapos 'di ko alam pero nahikayat ako magfangirl ni Rayne (yung nasa book) ang lakas ng pull 'non! Grabe nakakadala kasi talaga! Tipong napanood ko na lahat ata ny vids ni Kaye Cal sa youtube, napaulit-ulit ko na yung Why Can't It Be, Nyebe, Rosas, at yung iba pa. Ilang araw ring puro si Kaye Cal yung tweets ko, as in siya lang! Tapos napaparetweet ako ng edits na magkasama si ate Rayne at si Kaye Cal. In short, Adik na nga ako.
Balik tayo sa book. (Lol)
The major reason kung bakit ako nasiyahan sa pagbabasa ng LS4N1 ay dahil natackle nito ang LGBTQ+. Natutuwa ako sa facts about LGBT doon sa baba after mong basahin yung isang chapter kasi pwede nang reviewer (lol), lalo na sa mga grade 10. Ang isa sa mga lesson kasi ngayon ng Grade 10 sa Araling Panlipunan ay patungkol sa LGBT, including sexual orientation and gender identity. Isa 'yon sa mga reason kung bakit ako nahikayat. (Thank uuuu ate Rayne! Sml❤)
Ang laki ng binago ko ng thoughts ko para sa mga pinagdaraanan ng mga LGBT. Ang hirap sa part nila kung saan sila papasok na CR! HAHAHA
Tapos yung things about love. Napapakwestyon na ako ngayon kung kailangan ba or necessary bang ang babae ay para sa lalaki lang? Ayan naguluhan lang naman ako. Pero syempre kung saan masaya at maayos, doon tayo!
BINABASA MO ANG
Reminiscing LS4N1
RandomA random appreciation post for LS4N1 & the reasons why I can't move on with this story.