Gusto ko 'yan [ii]

85 2 3
                                    

pilosopotasya
Alam mo bang ang hirap hirap itago ng nararamdaman kapag nagbabasa ka in public? Kulang nalang hampasin mo yung kasabay mong pasahero kasi kinikilig ka at 'di mo na kayang itago?! Yung feeling na ngiting-ngiti ka at pwede ka nang pagkamalang baliw o nakikipagharutan sa jowa mo through chat?! Alam mo yun? Kasi ako, alam ko!

Tipong ilang oras dapat ang byahe mo pero parang ang bilis kapag nagbabasa ka ng LS4N1?
Jusko relate na relate ako dito eh.

Naalala mo ba yung mga scene na nasa CR sila? Yan talaga yung main setting sa story na ito eh. Baka nakalimang beses na extra yung CR sa story na ito!

Tapos yung mga lines nilang nakakaloka? Hindi mo alam kung saan nakahugot ng pagiging witty si ate Rayne na kahit yung height nilang dalawa ay nasama pa?

Yung kikiligin ka at the same time mapapatawa ka nila? Jusko grabe! Pwede na po akong mamatay sa kilig!

Hindi man ako maingay magcomment sa story na ito, sinisigurado ko pong maingay ako sa bahay namin! Oo! Maingay ako! Naweweirduhan na yung nanay ko sa akin.

Bakit naman kasi ganoon?! Yung mga simpleng linyahan, nabibigyan ng rainbow colors at sobra makapakilig? Ano, Sagot?

Sino ba namang hindi kikiligin sa linyahan ng isang gumagalawang Kikal ni Rayne ha?

———

"Kamusta naman ang view mula diyan sa taas ng mga 5'9?" —Rayne

Nakabaling pa rin ito sa kanyang repleksyon. "Ito, maganda naman."

"Hala."

Ganyan dapat! Pademure lang mga beh! HAHAHA

–——

"Paano kung bigla ko 'tong itakbo?" —Rayne

"Itakbo mo, hahabulin kita."— Kaye Cal

Hindi naman talaga ako kinilig. Hindi talaga. Hindi naman kasi talaga galawan si Kaye Cal. Promise! Oo Promi— OO NA NGA! NAKAKAKILIG NA SI KAYE CAL! BAKIT KASI ANG LANDI LANDI NIYA? Char

———

Kung mag-aala Rayne ba ako na kayang ilibre yung mga kaibigan ko sa concert ni Kaye Cal at pupunta ako ng comfort room pagkatapos ng concert, bibigyan rin kaya ako ng pagkakataong makasama siya sa CR?

Kung magdadye ba ako ng white ng color sa hair ko, magsstand out ba ako sa crowd at mapapansin din ba ako ni Kaye Cal?

Kasi kung Oo, wala nang patumpik tumpik pa, gagawin ko na lahat 'yon!

Bakit kailangang maging ganito ako? Huhu bakit ganito na ako kabaliw? Na kahit tapos na yung LS4N1 basta may pinagkekwentuhan ako about doon, feeling ko katatapos ko lang siya basahin! Feeling ko parang kanina ko lang siya natapos! Tapos same feels pa 'rin?

ANG GANDA KASI TALAGA ┐( ̄ヮ ̄)┌

Wala naman kasi talaga tayong magagawa kung binago nito ang pang araw-araw nating pamumuhay. Char

Pero aaminin ko kapag, CR, Ferris Wheel, Napkin, Singsing at Photo op ang pag-uusapan, unang pumapasok sa isip ko yung LS4N1, si Kaye Cal, si Rayne... Ang KayNe!

Hindi ko alam pero winiwish ko talaga na mabasa ito ni Kaye Cal. Manotice niya 'yong story at si ate Rayne ulit. Binabaha na ng mention si Kaye Cal tungkol sa LS4N1, ewan ko lang talaga kung hindi niya ito manonotice!

Tapos sana kapag nanotice niya na, makakasama siya sa booksigning event at kakantahan niya ang SNP, Brgy. Beh at Team Kaye Cal.

What a concept ಥ_ಥ

Ang advance ng mga iniisip ko pero bakit ba? Gusto ko 'yon mangyari eh huhu ❤

Team Kaye Cal and SNP together in a dome. Ang saya lang diba???

Lahat ng nagmamahal kay Kaye at Rayne nandoon!

Oh Diyos ko, isang araw lang ang hinihiling ko
Isang araw lang naman, pagbigyan mo na ako
Bigay mo na sa 'kin 'to
Nang maramdaman muli na mahal niya rin ako

Sana matupad!


Nagmamahal at umaasa,
Princess ni Rayne at Kaye
( char)

At dahil nga natapos natin ang kwentong ito, kailangan nating alamin ang isang bagay. Isa lang naman ang parehong katanungan sa mga kwentong natapos na (sadly, ito ay natapos na). Ito ay ang:

Ano ang lesson na makukuha sa nabasang kwento?

Thank you for that wonderful question. I believe— char.

Behind those walang katapusang kilig at saya na dulot ng LS4N1, there's a lesson behind it.

Bilang isang ordinaryong mamamayan at dahil na rin siguro sa strong belief and religion natin, nakamulatan na ng bawat isa na iba ang magiging pagtingin sa mga LGBT. Siguro kahit na paulit-ulit tayong makakita ng mga tulad nila, may parte pa rin na hindi tayo sanay.

We can't force a person kung saan natin sila gustong mapabilang. Wala tayong karapatan na pilitin sila sa bagay na hindi naman nila nakasanayan. All we can do is support them and show the love they deserve to feel. Love has no gender. We can love who we want to love maging ito man ay in friendly way or higit pa.

Let's respect all the people kasi after all, pantay-pantay lang naman tayo. (Hindi kasama ang height sa pinag-uusapang ito!) Tanggapin natin sila ng buong-buo kahit taliwas pa sa nakasanayan natin.

Note:

Walang magmomove on!

Reminiscing LS4N1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon